W/N: Hello sa lahat!! This is the Chapter 8.3 ,, sa sunday or after na lang po ng HELL WEEK namin ko ipopost ang Chap. 9-10 ..
.. Salamat po sa pagbabasa ..
.. Enjoy Reading!! Don't forget to leave your comment ..
... Saera's Pic on the side >>>
*****
Chapter 8.3
Ahra’s POV
3 days. 3days na ang nakakalipas simula nung gabing ‘yon. Ang gabi na kahit kelan hinding hindi ko na gustong balikan pa. Matinding takot, lungkot at galit ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Takot na baka tuluyan ng mawala sa akin ang taong mahal ko. Lungkot dahil mawawala na ang nag-iisang tao bukod sa kapatid ko at bestfriend ko na nagparamdam sa akin ng pagmamahal na walag hinihingin kapalit. At galit para sa taong bumaril kay Zed.
“Sae, umuwi ka muna. Kanina pa tumatawag si Azel. Ngayon daw ang dating nila Tito at Tita galing Paris.”
“Hindi na muna ako uuwi Ynna. Pakisabi mo na lang kay Shan, sorry.”
“Sae, ano ka ba? 3 days ka ng hindi umuuwi. Nag-aalala na sa’yo ang kapatid mo. Tsaka maawa ka naman sa sarili mo. Tignan mo, ang panget panget mo na. Ang laki na ng eyebags mo. Konti na lang magmumukha ka ng bangkay. ”
“Haha. Sira!”
Oo nga pala, tatlong araw na akong walang maayos na tulog. Hindi pa rin ako nakakaligo.
(Ewww!! Kaya pala kanina pa may nangangamoy. Kadiri ka Saera! Yucky!! Layuan mo nga si Zed! >.<)
Hoy Cylie! Anong sinasabi mong nangangamoy dyan ha? Baka gusto mong mabugbog?
(Haha! Peace lang Saera. Wag ka masyadong High Blood. Hehe.. ^___^v)
Pssh! Wag ka na nga umextra diyan Ms. Author. Momentum ko ‘to. Wag kang magulo! >__<
“Kang, tama na yan. Baka malusaw na si Zed.”
Aray! Kung makabatok naman tong babaeng ‘to. >__<
**death glare**
“Hehe. (^__^)7… Sorry Kang, nadulas lang kasi yung kamay ko. Hehehe.. ^__^v”
**Singing radio head at the top of our lungs, with a boom box flarin as we fallin in love--**
“Hello?...Oh Azel.. ikaw pala….Ang ate mo?...Ahh…a-ano..kasi ano…nasa…nasa CR. T-tama! Nasa CR pa kasi ang ate mo. Naliligo pa siya.”
‘Si Shan bayan?’ I mouthed. Tumango naman si Ynna.
“Anoh?!! N-nasa labas ka ng unit ko?”
Inagaw ko kay Ynna ang cellphone niya.
“H-hello. Shan?”
(Ate?)
“Oo ako nga.”
(Ate ba’t hindi mo sinasagot mga tawag at text ko? Tsaka ba’t hindi ka umuuwi?)
“Mamaya ko na lang sasabihin sa’yo lahat Shan.”
(Uuwi ka na Ate?)
“Oo uuwi na ako. May aayusin lang ako sandali.” Pagkatapos nun, I ended up the call.
“Kang, pwede bang lumabas ka muna sandali?”
“Bakit Kang, anong gagawin mo?”
“Kakausapin ko lang si Zed.”
“Kakausapin? Ehh, papa---”
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Sa halip ay binigyan ko siya ng ‘sige-mamilosopa-ka-pa-look’.
Mabuti naman at nagets niya kaya lumabas na siya kaagad.
“Zed. I’m sorry hah. Pero kailangan muna kitang iwan dito. Pero promise, babalik ako kagad. Dito ako matutulog, sasamahan kita.”
I kissed his forehead.
Ngayon ko lang napansin, ang gwapo pala ng Boyfriend ko. Hehe.. ^__^v
“Zed. Bakit ayaw mo pa gumising? Sabi naman ng mga doctor stable ka na daw. Hindi mo ba ako namimiss? O baka natatakot ka na bugbugin kita? Gumising ka na please. Promise, kapag gumising ka na. Hindi na ulit kita sasapakin or aawayin.”
Stable na si Zed. Pero hindi nila alam kung bakit hindi pa rin siya nagigising. Ang saya ko nga nung malaman kong ligtas na siya. Akala ko nung gabing yun, mawawala na siya sa akin. Kasi naman sa may bandang puso niya tumama yung bala. Pero nung sinabi ng doctor na nakaligtas si Zed kasi nasa kanan ang puso niya. Nagtaka ko nun, pero at the same time natuwa na rin. Talagang napaka espesyal ni Zed. I’m very lucky to have him.
“ILOVEYOU HONEY KO! Salamat kasi hindi mo ako iniwan.”
*****
(W/N:) Hayyss... Kelan kaya magigising si Zed?? Kawawa naman si Saera, 3 days na siya walang ligo.. Hohoho!! ^___^v
.. Thanks for Reading!! ..
.. PLEASE LEAVE A COMMENT ....
_ Cylie <3 JHHJ Couple <3