(A/N:) Hello Pips! 2nd UD for today! Dedicated naman po ito kay @cmcbeyoss..
Thank You kasi ikaw pangalawang nagcomment dito! Sana po bsahin mo pa rin to! Thank you po ulet! ^0^
Sorry for the typos and wrong grammar..
Please LEAVE A COMMENT…
Continue Reading…. ^0^
Meet Zed.. Ang Honey ni Saera ^0^ >>>
*****
Chapter 3:
>> AHRA’S POV <<
“Good Morning Ate! ^__^” nakangiting bati sa akin ni Shan pagkababa ko pa lang ng hagdan.
“Good Morning din! Asan sina Dad?”
“Hmm.. Kanina pa sila umalis ee. May very important meeting pa daw silang kaylangan puntahan. Kain na tayo Ate!” 10am pa ang start ng first class ko pero si Shan, 07:30am ang first class niya. So lagi akong pumapasok ng maaga para lang maihatid na rin siya sa school tutal naman same university lang kami ng pinapasukan.
=============
“Sige Ate kita na lang tayo mamayang lunch! Itetext na lang kita hah! Bye! ^_^” sabi niya sabay kiss sa cheeks ko then pumasok na siya sa room nila.
Ang cute at ang lambing lang talaga ng kapatid ko! Hehehe,, ^0^
“Good Morning Saera!”
“Ay Palaka!!” napatingin ako sa gilid ko at nakita ko na namang tong nakakairitang lalaki na ‘to! >.< Ang aga-aga pa lang pero mukhang mabubuset na ako kaagad! >.<
“Ang gwapo ko naman yatang palaka! Haha. Mukhang hindi yata maganda ang gising mo ngayon Bee ko ah?” sabi niya sabay akbay pa sa akin. Tsk! Kaasar lang hah! >.<
“Hoy! Alisin mo nga yang kamay mo pwede?!” asar tong mokong na to! >.<
“Eh paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba Bee ko?” sabi pa niya sabay ngiting nakakaloko.
“Ah..ganun?! Hinahamon mo ba ako kung anong kayang kong gawin? Gusto mo ng sample?” sabi ko sa kanya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
Hinawakan ko ang kanang braso niya na nakaakbay sa balikat ko at ipinilipit ko yun sa likod niya.
“A-aray! Bee naman, easy ka lang. Ang aga-aga pa lang ang init na ng ulo mo. Kaya lalo kang gumaganda,…. kasi ngayon pa lang masyado ka ng HOT.” Nakakaloko na talaga tong lalaking ‘to! >.< Imbis na masaktan parang mas natutuwa pa! Para siyang baliw! =_=
“Wag mo kong sisihin kung bakit ang aga-aga pa lang ay mainit na ang ulo ko sa’yo! Kung ikaw siguro ang nasa katayuan ko at makita mo ang isang nakakairitang nilalang na ubod ng kayabangan, sigurado mag-iinit din ang ulo mo!”
“Kaya pwede ba---” magsasalita pa sana ako pero naudlot dahil inikot niya ang kamay niya at ngayon ay nakaakap na siya sa likuran ko.
“A-ano ba?! B-bitawan mo nga ako!” nagpupumiglas ako sa kanya pero imbis na pakawalan niya ako ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
“No. I won’t let you go, I want us to stay like this forever.” Ugghh! Kainis talaga to! >.< Kelan ba siya titigil sa pangungulit sa akin?! Nakakairita na talaga siya! >.< Tsaka sa itsura namin ngayon, para tuloy kaming magBoyfriend na masyadong PDA sa loob ng Campus. Nakakahiya tuloy! =_=
“Pwede ba bitawan mo na ako! Tignan mo ang dami ng nakatingin sa atin ngayon! Hindi ka man lang ba marunong ng salita HIYA?!”
“Bakit naman ako mahihiya? Gwapo naman ako, tsaka Maganda ka rin naman. In short, BAGAY NA BAGAY TAYO. And besides, YOU ARE MY DESTINY.” Sabi niya sabay halik sa tuktok ng ulo ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko biglang nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Creepy! >.< Tsaka parang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Tssk! Weird! =_=
“Tumigil ka na nga! Isang isa na lang at masasapak na talaga kita!”
“Wait Bee, bakit parang bigla ka na lang namula? Don’t tell me. May sakit ka?” Sabi niya sabay kalas niya sa pagkakayakap niya sa akin at bigla niyang hinawakan ang noo ko. Tsk! Asar! Feeling ko mas lalo akong namula dahil sa ginawa niya! >.<
“W-wait Bee! A-are you blushing?” Sabi niya sabay ngiting nakakaloko sa akin. Psh! Wala na! Napansin niya na! =_= Bakit ba kasi ako namumula ngayon?! >.<
“Woohoo!! Hahaha!! Finally! I make her blush!” bigla niya yang isinigaw habang nagtatatalon pa. Tsk! Crazy! =_=
“Ahmm…Saera, I have to tell you something.” Bigla na lang siyang nag seryoso habang sinasabi niya sa akin. Ano na naman kayang sasabihin ng mokong na ‘to?
“Miss Ahra Saedel Alcantara, My One and Only Bee. The only girl who had caught my whole system, my attention and especially MY HEART. I would like you to know that starting today I am now declaring myself as your official suitor. And I assure you that I will do anything just to make you fall in love with me.” OMG! Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya ngayon?! Nakakahiya na talaga siya! Grabe! >.< Pero bakit ganun, dapat naiinis na ako sa kanya ngayon dahil sa kahihiyang ginagawa niya sa akin. I don’t understand pero I feel happy right now.
*****
(a/n:) Ayy! Ansabe ng honey ni Saera? Haha.. Nu kaya mangyayari sa LavLyf nilang dalawa?...
Thanks for Reading and dropping by! ^0^
Leave a Comment please...
Para naman po malaman ko kung Panget o Panget po ba ang gawa ko.. :)
_Cylie <3 JHHJ Couple... <3