Chapter 17.2:
Ynna’s POV
“Good Morning!”
Nginitian ko na lang siya, ang bilis talaga ng araw. Ika-12th day na pala ng ‘contract’ namin ni Rex, how I wish na sana totoo na lang lahat ng ‘to. Na totoo ‘tong set-up namin, na mahal niya rin ako, na we’re doing this because we love each other…Kaso, kahit na sungkitin ko pa ang pinakamalaking bituin at mapudpod pa ang mga tuhod ko sa kakalakad ng paluhod sa Quiapo, alam kong wala pa ring mangyayari. I’m just his ‘friend’…a Bedmate perhaps.
“Mamaya mo na ako pagpantasyahan sa isip mo, kumain ka muna. Namamayat ka na.” –Rex
“*laughs* Baliw!” -me
He just chuckle and eat his own breakfast.
Kumain na rin ako, nakakagutom kasi siyang tignan…I mean, kanina pa rin naman ako gutom.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nanghugas, ang sosyal ko naman kung siya pa diba?
“Hindi ka ba nabobored?” –Rex
Nope, kung tititigan ko lang ang gwapo mong mukha maghapon, okay na okay na okay lang sa’kin. (^0^)
Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya, kaya lang baka lumaki pa lalo ulo niya, kaya wag na lang, next time na lang siguro. ^-^
“Tara punta tayo ng mall!” –Rex
“Wait, maligo muna ta…err, I mean maliligo muna ako.”
“Kay, ako din. *wink*”
**
Nandito na kami ngayon sa mall, kaloka lang yung mga girls na nandito…Nakoo!
‘Back off girls! He’s mine.’…Ang sarap sabitan ni Rex ng karatula na may nakasulat na ‘PERSONAL PROPERTY OF THE GODDESS SHEREEYNNA ‘YNNA’ RAMIREZ’ :P
Haha! pagbigyan niyo na ako…ganyan talaga siguro pag-inlove, Possesive na…Makapal pa. (^-^)v
“Rex halika dali!!..Bili din tayo ng couple shirt.”
Hinigit ko si Rex papasok doon sa boutique kung saan maraming naka-display na Couple Stuffs.
“Ynna…look, ayoko magsuot ng mga ganyan. Sa ibang boutique na lang tayo bumili ng damit mo.” –Rex
“Eeh! Rex naman eh!...Kung ayaw mong magsuot…bahala ka! Basta ako, gusto kong bumili para sa kung sino mang magiging love of my life ko someday. Bleeh!!!”
Nakakunot-noo akong pumasok sa loob ng In Love, name nung boutique.
Ilang minute din akong nag-ikot sa loob, at ang napili ko lang ay isang couple shirt na color black na may design na He’s Mine/She’s Mine with an anime girl and boy.
Nang pumunta ako sa counter para mag bayad, bigla na lang inabot ni Rex ang credit card niya doon sa cashier. Akala ko hindi niya ako susundan…mabuti naman at mukhang nakonsensya si Manong Rex.
“Ako na diyan.” –Rex
“No need, kayang-kaya ko to. Tsaka ko na ipapabuhat sayo ang dala ko kapag kasing bigat nay un ng isang sakong bigas.”