Chapter 17.1:
Ahra’s POV
It’s been three days na rin simula ng magising si Mommy, pero ngayon pa lang ako magpapakita sa kanya. Kinakabahan kasi ako sa kung ano mangyayari kapag nakita niya ako.
Nakakakaba talaga…parang yung heart ko ay lalabas na sa cartilage ko, parang *dugs* *dugs* *dugs*, like that, like that oh…Ay ewan! Ayan ka na naman Saera, inaatake ka na naman ng kabaliwan mo, kinakausap mo na naman ang sarili mo. (─_─ #)
I was about to open the door in my Mommy’s room when suddenly I hear someone’s talking.
Gutom ka na nga siguro Saera, kita mo..nag-eenglish ka na naman. (=¯.¯=)
“Do you know what’s my greatest dream before? That is to be a lovable wife and a great mother. Naaalala ko pa nung araw na dumating sa’tin si Saedel, she’s like an angel..actually, she is my angel. Sobrang saya ko nung araw na yun, kasi sa wakas isa na rin akong ina. That day I promise to her that I will give all her needs, love her wth all my heart and protect from anything that might hurt her in the future. Pero nagbago lahat yun nung araw na ma diagnosed si Shanie na may heart disease. Natakot ako, at sa sobrang takot ko na yun, hindi ko namalayan, na ako nap ala mismo ang nananakit sa damdamin ng anghel ko. Sa sobrang takot kong mawala ang bunso kong anak, hindi ko naisip na may isa pa pala akong anak na nangangailangan ng pagmamahal ko. At ngayon nga, nawala na siya sa’tin, nawala na ang baby angel ko. This is all my fault Arlon! Nagdanas ng hirap si Saedel dahil sa’kin. Wala akong kwentang ina, hindi ko tinupad ang pangako ko sa kanya. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon, hinding-hindi ko na babaliwalain ang kahit na sino sa mga anak ko.”
Napayuko na lang ako sa mga narinig ko…
Naman Eh! Okay na yun eh…Bakit pa kailangang sisihin ni Mommy ang sarili niya? Naiiyak na tuloy ako. TT^TT
“Hush, Sha, kalimutan mo na lang ang nangyari. Ang isipin mo ngayon, kailangan mong bumawi kay Saedel, kaya dapat magpalakas ka.”
Si Daddy pala ang kausap ni Mommy.
“P-pero---” – Mommy
“Baby, pumasok ka na, alam kong kanina ka pa nandiyan.”
Hah? Papaanong..papaano nalaman ni Daddy?
Did I make some noise? H---
“Baby?”
“Y-yes..Dad.”
Tuluyan na akong pumasok sa private room ni Mommy.
“You need to talk Baby.”
Marahang tinapik lang ako ni Daddy pagkatapos ay lumabas na siya.
Nakatayo lang ako sa likod ni Mommy, gustong-gusto ko siyang kausapin, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Sa mga narinig ko kanina, hindi ako makapaniwala. All this time, hindi lang pala ako ang nasasaktan.
“Mo---”
Naputol ang dapat na sasabihin ko ng biglang hinarap ako ni Mommy.
Punong ponu ng luha ang dalawang magaganda niyang mga mata, napansin ko din na malaki ang ipinayat niya mula noong huli kaming magkita. She looks exhausted.
“M-Mommy…I’m…I’m sorry.”
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Sobrang namiss ko ang Mommy ko.