Giving Her My Everything (Short Story) CHAPTER 10.2:

265 6 0
                                    

 

(A/N:) Sorry kung hindi masyadong happy ‘tong Chap. na ‘to.

Ito na yung 1st conflict sa Love Story nila Zed. Ito rin yung reason kung bakit naglayas si Saera at kung bakit siya hinahanap ni Azel sa last Chap.

 

.. Sorry for the Typos and Wrong Grammar ..

 

.. Comment naman po kayo .. 

Chapter 10.2

 

Ahra’s POV

 

“Ate, tara na! Punta na tayo sa park.”

“Shan, hindi pwede magagalit si Mommy.”

“Eeeh! Ate wala naman si Mommy ngayon. Tsaka isa pa hindi naman niya malalaman eh! Sige na Ate…please?”

“Hays. Sige na nga! Basta promise me na hindi ka masyadong magpapagod ha?”

“Aye, aye, Captain!”

 

“Saedel! Where do you think you’re going? Dadalhin mo na naman ba si Azel sa labas? Di ba sinabi ko na sa’yong wag na wag mong isasama sa mga kalokohan mo ang kapatid mo? Bakit ba ang tigas ng ulo mong bata ka?!”

 

Napaiyak na naman ako sa naalala ko. Simula pagakabata laging sa’akin nagagalit si Mommy.

Palaging ako ang pinagbubuhatan niya ng kamay. Walang araw na hindi niya ako pinapagalitan, kahit sa mga kasalanang si Shan ang gumawa sa’kin pa rin siya nagagalit.

 

Akala ko matatagalan ko pa ang lahat. Akala ko ngayong malaki na ako, hindi na ako kayang saktan pa ni Mommy. Pero mali pala lahat ng akala ko.

Mas masakit ngayon, hindi ko inakalang masasaktan ako ng ganito ng dahil sa ginawa ni Mommy.

 

Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang masasaktan ako ni Shan.

 

+++ FLASHBACK +++

 

“Shan, sabay kana sa’kin umuwi mamaya ha?” sabi ko sa kapatid ko pagkalapag ko ng tray na may lamang pagkain sa mesang napili niya sa Cafeteria.

 

“Hmm…sige Ate. Pero hintayin mo muna ako sandali mamaya. May dadaanan lang po ako.”

 

“Sige, pero sino ba ‘yang dadaanan mo?”

 

“Sorry Ate, pero SECRET po yun. Hihihi!”

 

***

“Ate ask ko lang po. Kilala mo po ba si Zed Terrence Santos?”

 

Giving Her My Everything (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon