Halooo!! Sorry for the late UD. Ngayon lang kasi gumana ang utakis ko ee. Bilang pambawi, 3 chapters will be updated today. Sana talaga may magbasa pa rin nito.
Sa mga gustong magpadedic, comment lang kayo or just post on my MB.
Salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa nitong GHME!! ^0^
Sana po suportahan at basahin niyo pa rin to. Sa mga silent readers jan, labas labas din pag may time. Comment Comment din po! Libre lang yun. Hehe.
Continue Reading..
Please LEAVE A COMMENT….
Jayden’s Pic on the side >>>
*****
Chapter 7:
Zed’s POV
“Oh. Musta? Nailagay mo na ba sa locker niya?” tanong kaagad sa akin ni Ynna ng makaupo na ako sa harap niya.
“O-oo. Kaya lang…baka…(-__-)7”
“Baka??” tanong niya sa akin sabay kagat sa sandwich niya.
“Baka kasi…” sabi ko sabay yuko.
“You want sapak?! Try mo kayang tapusin ang sinasabi mo. Hampasin kita netong baso, makita mo!” sabi niya sabay itinaas ang kanang kamay at aktong sasapakin na ako. Tss! Mag bestfriend nga sila ni Bee. (-__-)7
“Kasi.. baka kapag nakita niya na may bouquet ng flowers na naman dun sa locker niya. Isipin niya na naman na galing yun sa Mongoloid na Jayden na yun!” naiinis kong sabi kay Ynna.
Paano ba naman One Week na akong naglalagay ng Chocolates and Flowers sa Locker ni Bee. Pero hindi siya sa akin nagpapasalamat kundi dun sa Mongoloid na yun! At ang Ugok?! Ayun tuwang tuwa naman! Lalo na kapag niyayakap siya ni Bee, akala mo aatakihin sa kilig! Asar!! >___<
Kailan lang nanligaw sa kanya yun tapos kung makayakap siya, akala mo naman matagal na silang magkakilala.
F*ck talaga!! >____< Kapag hindi ako nakapagpigil bubugbugin ko na talaga yung Ugok na yun!! >__<
*****
“Jay! Teka. Wait lang. Sa’yo na naman ba galing yung flowers at chocolates sa locker ko?” tanong ni Bee dun kay Mongoloid. Nandito sila ngayon sa may garden sa likod ng Commerce Building. At ako? Malamang, eto nakasunod na naman sa kanila.
Medyo naiinis na ako ngayon. Kasi nga kagaya ng inaasahan ko. Kay Jayden Mongoloid na naman siya mag t-thank you. Pero subukan lang ng ugok na yan na akuin ang bagay na hindi naman siya ang gumawa. Uupakan ko na talaga siya! >___<
“Ahh. O-oo. Sa akin nga galing yung mga ‘yon Ahra.”
Anak ng!!!---
Lalapit n asana ako sa pwesto nila Saera para suntukin ang ugok na ‘yon pero agad akong napahinto at pakiramdam ko ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Bigla na lang itong nanlambot.
‘B-bakit Bee? B-bakit siya pa? M-mahal mo na ba siya? W-wala na ba talagang pag-asa parasa ating dalawa? Ganun ba talaga ako kahirap mahalin?’ yan ang pauli-ulit kong tanong sa sarili ko. Paano ba naman kasi kitang-kita ko ngayon na hinalikan ni Saera si Jayden. Siguro nga mahal niya na si Jayden kaya naman siya na mismo ang humalik dito.
Ayaw ko mang aminin. Pero sa sitwasyon namin ngayon. Mas gugustuhin ko pa sanang maging ako na lang si Jayden kahit isang araw lang.
Para naman maramdaman ko kung paano magmahal si Saera. Kahit sa isang araw lang.
Hindi na ako nagulat ng maramdaman kong may mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko.
“Bee. W-wala na ba talaga? Dapat na ba talaga akong sumuko sa’yo?” bulong ko sa sarili ko. Ang sakit. Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko. Nakakabakla man. Pero hindi ba pwedeng umiyak ang mga lalaki? Lalo na’t sobra na silang nasasaktan.
Mahal na mahal ko si Saera. Pero….
Sa tingin ko w-wala na talaga kaming pag-asa.
Masakit man. Pero kailangan ko ng itigil ‘to. Para naman maging masaya na siya sa piling nung Jayden na yun. At para na rin hindi na ako mas masaktan pa.
*****
Aww... Kawawa naman si Zed... T^T
LEAVE A COMMENT PLEASE.....
Thanks For Reading!! ^0^
_Cylie <3 JHHJ Couple... <3