ALDEN
New York City
Oh God, where am I? Nagtatakang tanong ko sa sarili ko nang pagkadilat ko ng mga mata ko ay napansin kong wala ako sa sarili kong kwarto. Sigurado akong hindi ito ang kwarto ko dahil hindi naman fuchsia pink ang color ng wall ng kwarto ko.
Muli akong napapikit nang bigla na lang kumirot ang sentido ko. At lalo pang nadagdagan ang sakit ng ulo ko nang makita ko ang babaeng nakahiga sa tabi ko na walang ibang suot ko undergarments. Pinulot ko ang kumot na nahulog sa sahig at dahan-dahan iyong ipinangtakip sa katawan ng babae.
Nang tignan ko ang sarili ko ay napaungol pa ako dahil sa hitsura ko. Wala akong suot na damit pang itaas kaya't kitang-kita ko ang bakas ng lipstick sa dibdib ko. Bagama't suot ko pa rin ang pants ko ay nakabukas naman ang zipper niyon at nakababa ang zipper.
Habang hinahanap ko ang t-shirt at sapatos ko ay binalikan ko sa isip ko ang nangyari nang nagdaang gabi. Um-attend ako ng birthday ng kaibigan kong si Kiel. It was held in a cozy restaurant where Kiel some relatives and few close friends. Bumaha ng pagkain at alak kagabi. At dahil hindi naman talaga ako umiinom, I settled for ice tea dahil nga mababa ang tolerance ko pagdating sa alcohol.
Pero I remember that my cousin requested me drink a glass of beer last night. Sinubukan kong tumanggi but he was so persistent. At dahil nga birthday niya, pinagbigyan ko siya tutal one shot lang naman. Pero hindi ko namalayang ang one shot ay nadagdagan pa ng isa at nang isa pa. Ang huli kong naalala ay ipinakilala ako ni Kiel sa isang blond na babae bago ako nagpaalam na mauuna na dahil talagang namimigat na ang ulo ko. I know was I've already reached my limit and I'm already drank.
Ang hindi ko alam ay kung paanong nangyari na magkasama kami ng babaeng ipinakilala sa akin ni Kiel kagabi sa iisang kwarto. But looking at the girl, sigurado akong walang nangyari. First and foremost, I was drank. Kapag lasing ako ay nagiging useless ako—based na rin sa history ko as a lame drinker. Secondly, I don't sleep with girls that I don't know—much of people that I don't love.
Nang mahanap ko ang damit at sapatos ko ay mabilis ko iyong isinuot at ilang sandali pa ay palabas na ako ng lodge na 'yon. It's almost nine in the morning. Mabilis na pumara ako ng cab at nagpahatid sa apartment na tinutuluyan ko. At habang lulan ako ng cab ay naramdaman ko ang pagba-vibrate ng cell phone. Nang i-check ko ang phone ko ay nakita kong tumatawag ang nag-iisa kong uncle na si Uncle Ariel.
Agad kong sinagot ang tawag habang nakatingin ako sa mga nagtataasang building ng New York City. "Yes, tito?" bungad ko sa kanya.
"You really need to come home now, Alden. Lumayas na naman ang caregiver ni mama."
"And what did she do this time?" Ilang beses nang nagpapalit-palit ng caregiver ang lola ko dahil sa hindi maintindihang mood swings nito. But I guess, it was just because she's really getting old na.
"Pinakain lang naman 'yong pobreng caregiver ng hamburger na nilagyan pala ng sili. Magang-maga 'yong labi ng caregiver n'ong makita ko."
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
General FictionLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena