ALDEN
Sa paglipas ng mga araw ay lalo lang nahuhulog ang loob ko kay Meng. Pilitin ko mang iwasan siya, katulad ng ginawa ko noong magselos ako nang tumanggi si Meng na ibigay sa 'kin ang calling card na binigay ni Derrick sa kanya, babalik at babalik pa rin ako sa moment na mami-miss ko siya.
Na kahit anong pilit kong ituon ang atensiyon ko business na binabalak ko, maaalala at maaalala pa rin siya ng utak ko at hahanap-hanapin siya ng puso ko. That's why ilang araw pa lang ng tangka kong pag-iwas ko sa kanya, sumuko na ako dahil sarili ko lang din naman ang pinapahirapan ko. Hindi ko naman talaga siya maiiwasan dahil sa isang bahay lang kami nakatira at inaalagaan niya ang lola ko. At hindi ko rin naman pwedeng diktahan ang puso't isip ko na kalimutan si Meng dahil alam nating lahat na imposibleng iyong mangyari.
So instead of avoiding her, naisip kong bakit hindi ko na lang subukang paamuhin siya? Try to be close to her and later on win her heart. That's better, right?
Pero kung kelan naman ako nakikipaglapit sa kanya, saka naman halatang umiiwas si Meng sa 'kin. At 'yong cell phone na binili ko sa kanya, makailang beses niya ring isinoli sa 'kin pero lagi ko rin iyong ibinabalik sa kanya. Kung makulit siya, mas pursigido naman ako.
Ilang beses na akong nagpapadala ng text sa kanya pero ni minsan ay hindi pa niya nagagawang reply-an ni isa sa mga text ko. Minsan nga naiisip kong nagmumukha na akong tanga. Pero iniisip ko na lang baka nahihiya siya dahil sa amin nga siya nagta-trabaho.
But to be honest, hindi naman issua sa akin kung caregiver lang siya ni lola at technically ay amo niya ako. It's not in my nature naman to discriminate people. Meng is doing a decent and tough job. Hindi biro ang mag-alaga ng pasaway na pasyente tulad ng lola ko. Kung ako nga na apo ay nakakaramda ng pagkahapo kung minsan, paano pa kaya si Meng na hindi naman niya kaano-ano si lola. But still, she made lola changed.
The past few days ay napansin kong mas naging mabuti na ang pakikitungo ni lola kay Meng. Ngumingiti na rin ito paminsan-minsan na ay sobrang dalang kung mangyari. Sa lahat ng mga naging caregivers ni lola sabi ni inday, si Meng lang daw ang bukod tanging nakapagpa lambot kay lola Nidora.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang mag vibrate ang cell phone ko na nasa bulsa ng shorts na suot ko. At literal na napaigtad ako't muntik ko pang mabitawan ang phone ko nang makitang galing kay Meng ang bagong dating na text message.
'Saan ka?' ang nakalagay sa text.
Mabilis na nag compose ako ng reply. 'Nandito sa coffee shop. Bakit?' Na miss mo ako? gusto ko sanang idugtong pero pinili kong pigilan ang sarili ko. I don't wanna scare her.
'Nagta-tantrums ang lola mo. May pinapahanap siyang tao. Kirst Viray raw ang name.' reply naman ni Meng.
Uuwi na sana ako para personal na lang siyang kausapin nang muli akong makatanggap ng text from Meng.
'Diyan ka lang at papunta na ako. Usap tayo.' It was Meng's last text.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
General FictionLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena