ALDUByou - 41

1K 38 0
                                    

MENG



Bumalik kaming lahat sa cottage at doon namin ipinagpatuloy ang pagkukwentuhan habang hindi pa rin binibitawan ni lola Wanda ang kamay ko.


"Bakit nga po pala kayo nandito, lola?" tanong ni Alden.


Ngumiti si lola Wanda at sa wakas ay bumitaw rin sa kamay ko. Kinuha niya ang bag niya at may kinuha mula sa loob. "May nadiskubre kasi ako," ani lola. "Meng, hindi ba at sa iyo ito?"


Nagulat ako nang makita ko ang wallet ko na sa pagkakaalam ko ay matagal nang nawawala. Na kanila Alden pa lang ako nang mawala ang wallet kong ito. "Saan niyo po nahanap 'to?"


"Sa mga gamit ni Paola. Pabalik na sana kami ng Canada nang maisipan kong ayusin ang mga gamit ng apo dahil nga burara ang isang 'to..."


"Lolah!"


"Tumigil ka!" saway naman ni lola kay Paola. "So ayan nga, nakita ko 'yang wallet mo. Tapos nakita ko ang picture diyan sa l-loob..." nagsimulang gumaralgal ang boses ni lola. "Kaya pala nang una kitang nakita sa bahay nina Nidora, bigla kong naalala ang bunso kong anak sa 'yo."


"Po?" nagtatakang tanong ko.


Muling kinuha ni lola Wanda ang wallet ko at binuklat iyon at saka pinakita kay nanay. "Siya ang tatay ni Meng, hindi ba?"


"Siya nga po ang tatay ko. Pero matagal na siyang patay." Akon a mismo ang sumagot sa tanong na 'yon ni lola Wanda.


Alam ko ang buong kwento ng buhay ni nanay. Una niyang nakilala ang tatay ko na mula diumano sa mayamang angkan sa Maynila kung saan siya namasukang katulong. Nagkagusto raw sa kanya ang bunsong anak ng mag-asawang pinagta-trabahuan niya pero naging lihim lang ang relasyon nila dahil nga sa matapobre ang mayamang mag-asawa.


Hanggang sa mabuntis si nanay sa akin. Bata raw ng mahigit sampung taon ang tatay ko kesa kay nanay at maituturing na black sheep ng pamilya pero nang mabuntis si nanay, tila nagkaroon raw ng direksiyon ang buhay ng tatay ko. Ipinaalam nila sa magulang ng tatay ko na buntis nga si nanay pero mahigpit na tumutol ang mayamang mag-asawa hanggang sa mag-decide na magtanan na lang ang tatay at nanay ko. They were so in love with each other at alam nilang mas magiging masaya sila kahit na wala na ang karangyaan sa tatay ko.


Pero masyadong mapaglaro ang tadhana. Maagang binawian ng buhay ang tatay ko. Ilang buwan pa lang diumano akong pinapanganak ay naaksidente na si tatay. Kaya naman nagpasya na lang si nanay na bumalik ng Leyte sa takot na kunin ako ng lolo't lola ko.


At hindi ko alam na si lola Wanda pala ang paternal grandmother ko.


"Anak ko ang tatay mo Meng. Si Roberto ang bunso kong anak na maagang binawian ng buhay. God knows kung gaano ako nangulila sa pagkawala ng anak ko. Apo rin kita, Meng..."


"'Nay..." tigagal na sambit ko. Hindi makapaniwala sa mga naririnig ko.


Sa puntong iyon ay nakita kong yumuko si nanay habang nagsimula namang yumugyog ang balikat niya. "Totoo ang sinasabi niya, anak."


"Bakit naman hindi mo sinabi sa amin noon na nagkaanak pala kayo ni Roberto, Mercedez?" usisa ni lola Wanda na umiiyak na rin.


"Natakot po ako na baka kunin niyo sa akin ang anak ko."


Lumapit kay nanay si lola Wanda at niyakap ito. "Oh, pasensiya ka na at naging malupit kami sa iyo noon. Patawarin mo kami ng namayapa kong esposo."


"Wala na po 'yon. Matagal na panahon na po iyon," sagot ni nanay.


Bumaling naman sa akin si lola Wanda at inilahad ang dalawang kamay. Walang pag-aalinlangang pumaloob ako sa mga bisig niya at nagyakap kami. "Apo ko..."


Sa pagkakataong iyon ay bigla namang nagsalita si lola Nidora. "Aba'y kumare, matutuloy rin ang kasal na pinlano natin noon. Mababayaran ko ang utang ko sa 'yo."


Napakunot ang noo ko sa sinabi ni lola Nidora. "Ano'ng kasal po ang sinasabi niya?" takang tanong ko.


"Nagkapustahan kasi kami noon. Ang sabi ko, kapag natalo siya ay ipapakasal niya ang apo niya sa apo 'ko. Pero hindi pumayag si Alden na makasal kay Paola dahil mukhang may iba yata siyang gusto."


Tumikhim si Alden at lumapit sa amin ni lola Wanda. "Gusto ko rin naman pong magpakasal. Pero sa isa niyo pa pong apo. Si Meng po ang gusto kong pakasalan."


Naghiyawan ang dalawang matanda at nag high five pa. "Achieved! Tuloy ang kasalan! Sagot ko ang maraming lechon!" sigaw ni lola Nidora.


Nang yakapin ako ni Alden ay pabirong kinurot ko siya sa tagiliran. "Ano, will you marry me?" nakangising tanong ng binata.


"Kasal agad? Hindi pa nga kita sinasagot bilang boyfriend."


"Eh, 'di, babaguhin ko ang tanong ko. Will you be my girlfriend?" sinserong tanong niya. Tila naghihintay naman ng magandang sagot ang mga nasa paligid namin at naghawak-hawak pa ng kamay na parang nanonood ng announcement ng Ms. Universe.


"Sa tamang panahon," sagot ko na nagpahiyaw naman sa mga kasama namin. Pero hindi nabawasan ang saya sa bawat isang naroon. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang cottage namin at pakiramdam ko ay ito na ang magiging simula nang masayang buhay na inaasam ko para sa pamilya ko.



God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon