ALDUByou - 06

1.7K 89 11
                                    

ALDEN


Kinabukasan ay maaga rin akong nagising dahil kinatok ako ni inday para sabihing may mga aplikante nang naghihintay sa baba ng bahay. Nang tumingin ako sa clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ay napaungol pa ako dahil mag a-alas onse na pala.


Agad na bumalikwas ako ng bangon matapos kong sabihan si inday na susunod na ako't ipaghanda na lang ako ng mainit na mainit na kape.


Mabilisan ang ginawa kong pagligo dahil nakakahiya naman sa mga naghihintay. Kumportableng mga damit ang pinili kong isuot. Putting t-shirt at maong shorts ang suot ko habang ang paborito kong tsinelas ang sapin ko sa paa.


Dumiretso muna ako sa kusina para kunin ang kapeng ipinatimpla ko kay inday. Bitbit ang kape ay pumunta na 'ko sa mini-library gamit ang isang secret door na kami lang ni lola ang nakakaalam. Sa labas ng mini-library ay naghihintay diumano ang mga aplikante. Tatlong babae at isang lalaki.


Pumwesto ako sa likod ng table na gawa sa narra. In fairness, alam ni inday ang gagawin niya. Nasa ibabaw ng mesa ang mga folders ng bawat aplikante at may iniwan pang note si inday sa pinakaibabaw ng folder. "Gudlak ser! May the best." Mukhang naubusan ng English si inday kaya binura na lang ang isa pang sentence.


Humigop muna 'ko sa kape ko bago tinawag ang unang aplikante na Maria ang pangalan. Napangiwi ako nang makita kong halos mas matanda pa kay lola Nidora ang nag-a-apply.


Bago pa man ako makapagsalita ay bumukas ulit ang pinto ng library at tuloy-tuloy na pumasok si lola nang nakapameywang.


"Eto ba ang magiging caregiver? Hesusmaryusep Alden! Mas gurang pa sa akin ang isang 'to. Mukhang mas nangangailangan siya ng caregiver," masungit agad na sabi ni lola Nidora pagkakita sa matanda.


"'La," tonong pananaway ko sa kanya. "Bakit po ba nandito kayo?"


Umupo siya sa isa pang ergonomic chair na malapit lang sa pwesto ko. I want to be part of the screening committee. Afterall, welfare ko ang nakasalalay rito."


With that, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Kung makikipagtalo pa ako ay sigurado akong hahaba pa ang usapan. Binalikan ko ang nag-a-apply na si lola Maria.


"So lola, gusto niyo pong mag-apply as caregiver. Pero mukhang matanda na ho kayo masyado para magtrabaho pa."


"Oo nga. Mukhang mas uugod-ugod ka pa sa 'kin, eh," sungit uli ni lola Nidora.


Biglang napatingin si lola Maria sa lola ko—iyong tipo ng tingin na tila naghahamon. "Ako, uugod-ugod? Hah! Nagkakamali ka riyan, 'tanda."


"Patunayan mo," nakatikwas ang kilay na sagot ni lola Nidora habang magkasalikop pa ang dalawang mga kamay.


"Hijo, may music ka naman siguro diyan sa phone mo, noh?"


"Opo," sagot ko na bahagya nang nagtataka.

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon