ALDEN
I decided to watch the sky full of stars as it always calm my senses whenever I have problems or whenever I'm tired at work. Bata pa lang ay mahilig na akong mag stargazing.
Binalikan ko sa isip ko ang mga nangyari sa araw na 'to. Lunchtime ay isinama ako ni lola sa Cubao para i-meet ang apo ng isa sa mga kumara niya. Habang naglalakad kami sa may Farmers banda ay naramdaman ko pang may nabangga akong tao. Pero ni hindi ko man lang nagawang mag-sorry dahil nakaalalay ako kay lola na nagmamadali naman sa paglalakad. Para sa isang matandang may iniindang sakit sa katawan, mabilis pa ring maglakad si lola.
Nang makapasok kami sa may Araneta ay lumingon ako pero hindi ko na nakita ang nabangga ko dahil sa dami ng tao.
The luncheon meeting with lola's amiga went terrifyingly boring. Habang nag-uusap ang dalawang matanda ay halos mapanis ang laway ko dahil panay ang tingin sa cell phone ng apo ng amiga ni lola. Nagsasalita naman siya pero mabilis ring napuputol sa tuwing tutunog ang phone niya. "Ayyy wait, ha? May nag comment sa post ko sa Instagram. Check ko lang."
Bago kasi kami kumain ay kinunan niya muna ng sangkaterbang pictures ang mga pagkaing in-order naming. Kaya sa halip na makipag-tsikahan sa apo ng amiga ni lola, itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain. I'd rather focus my energy on essential things than waste it on shallow things.
Fortunately, agad ring natapos ang dreadful na meeting na 'yon at niyaya ko nang umuwi si lola. Nagdahilan ako na medyo pagod pa ako dahil sa biyahe ko kahapon kahit hindi naman talaga.
At nang nasa harap na kami ng Puregold kung saan naghihintay sa amin si Mang Joaquin, ang weird sa pakiramdam na parang may nagmamasid sa akin. Nang paandar na kami ay may nakita akong babaeng nakatayo sa tapat ng Puregold pero saktong nakatalikod na siya. At bigla-bigla ay parang sinalakay ako ng sense of familiarity dahil sa tindig ng babae.
Bakit ba lately ay andami kong napapansing babae sa paligid? Yung una, yung babae sa NAIA. Tapos kanina naman, yung babae sa Puregold. Sign na ba ito na kailangan ko ng babae sa buhay ko? But I'm just twenty-four.
Pagdating namin ng bahay ni lola ay nag decide akong mag take ng nap. Bandang alas-singko na ng hapon nang magising ako. At saktong naghahanap ako ng pwedeng meryendahin nang makatanggap ako ng tawag mula sa isa sa high school buddies ko—si Teejay Marquez. Nagyayayang mag-dinner somewhere.
We decided na sa McDo sa may Gilmore na lang kami magkikita dahil iyon ang pinakamalapit na place sa aming dalawa. Then from there ay saka na lang kami magde-decide kung saang resto kami kakain.
Saglit lang akong nag-prepare at wala pang tatlumpong minute ay nasa harap na ako ng McDo. At habang nagpa-park ako ng sasakyan ko ay may nakita akong babaeng nakapila sa counter. At halatang nagpapa-cute ang lalaking waiter na kumukuha ng order niya.
Nang makababa ako ay sakto namang may pumaradang kotse sa tabi ng kotse. At bumaba roon ang kaibigan kong si Teejay.
"Shit men! You're back! Musta ang Tate?" ani Teejay na mabilis na umakbay sa 'kin habang ginugulo-gulo ang buhok. Gawain na niya 'to high school pa lang kami.
Pero sa halip na sagutin siya ay sinundan ko ng tingin ang babaeng nasa loob ng McDo. Siya at ang babaeng nasa NAIA ay iisa!
"Tara na 'pre," narinig kong yaya ni Teejay habang hinihila ako papunta sa isang fine dining restaurant na katapat lang mismo ng McDo. At ang pwesto naming? Nakaharap sa babaeng mag-isang kumakain pero hindi naman mukhang malungkot. Mukhang okay lang naman sa kanya kahit mag-isa lang siya.
Si Teejay na ang pina order ko dahil titig na titig pa rin ako sa babaeng maganda na kahit walang poise kung kumain ng fried chicken ay maganda pa rin. Hindi ko na namalayan kung ilang minute akong nakatitig sa kanya hanggang sa mapansin kong tila nakaramdam siyang may nagmamasid sa kanya.
Lumingon-lingon pa ang babae na tila ba may hinahanap na kung ano. At bago pa man mapadako ang mga mata niya sa amin ni Teejay ay mabilis na dinampot ko ang menu at saka ipinangtakip sa mukha ko.
"Pa-order ako ng water," I murmured out of the blue.
"Ha? Akala ko ba iced tea gusto mo?" narinig kong sabi ni Teejay.
Pero bago ko siya sagutin ay dahan-dahan kong ibinaba ang menu at ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang makita kong bakante na ang mesang inookupa ni ateng maganda kanina.
"Sayang!" bulalas ko.
"Ano'ng saying?" Teejay asked furiously. "Pre, bangag ka ba? Kanina pa kita 'di maintindihan.
"Wala," sagot ko naman. At pinilit ko nang ituon ang atensiyon ko sa kaibigan ko bagama't manaka-nakang sumusulpot ang imahe ng babae sa utak ko. So far ay naging maayos naman ang mini-reunion namin ng kaibigan slash best friend kong si Teejay. Mag a-alas nuwebe ng gabi nang makauwi ako ng bahay.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang lumitaw sa harap ko si inday. By the way, kanina ko lang nalaman na ang job description lang pala ni inday ay magluto, maglaba at maglinis ng bahay—except lola's room dahil ayaw raw ni lola na pumapasok si inday sa kwarto niya. Hindi sakop ng trabaho ni inday ang pagtingin-tingin kay lola.
"Ser Alden, tumawag po ang tito Ariel mo at may pinapasabi."
Tinanguan ko siya urging her to continue speaking.
"Nagpa-adbertise daw siya sa dyaryo ser. Yung para sa bagong kergiber ng lola mo. Baka bukas raw pumunta yung mga mag-apply so 'wag daw po muna kayong umalis bukas."
"Uh-huh," wala sa sariling napa-ungol ako. May lalakarin sana ako bukas but do I have a choice? Tatawagan ko na lang ang iba ko pang former classmates na nag invite sa akin to reschedule our mini-reunion. After all, mas mahalagang makahanap agad ng bagong caregiver ni lola Nidora. Kaninang hapon ay dumaing siyang masakit ang ulo niya.
"Thanks, inday. Sige matulog ka na. Ako na ang bahalang mag-lock ng front door," mayamaya ay pagtataboy k okay inday.
"Sige ser. Good night po. Sweet dream, mwah!" At hindi ko mapigilang matawa dahil sa kapilyahan ni inday.
Mahigit kalahating oras pa akong nanatili sa porch ng bahay bago ako nag-decide na umakyat sa kwarto ko. Naglinis lang ako ng katawan at pagkatapos ay sumampa na ako sa kama ko. Nagche-check ako ng social media accounts ko hanggang sa makatulog na 'ko.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
Ficción GeneralLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena