ALDEN
Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa maamong mukha ni Meng ngayon ay natutulog sa guestroom dito sa condo ng kaibigan kong si Derrick. Around an hour ago ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Derrick at sinabi nga niyang nandito sa unit niya si Meng. Sinundo niya raw ito sa Gramercy at nang magpasya ang dalaga na huwag na munang magpahatid sa bahay ay tinawagan na rin ako ng kaibigan ko dahil maaga raw ang call time niya mamaya at hindi na niya maihahatid ang dalaga sa bahay.
Parang gusto kong magtampo na mas pinili pa ni Meng na tawagan ang kaibigan ko kesa sa 'kin para humingi ng tulong. Siguro nga ay ganoon ako ka walang silbi para sa kanya. At siguro ay kailangan ko nang tanggapin ang katotohanang never niya akong magugustuhan kahit ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kanya.
After ng Tagaytay trip namin nina lola ay pinili kong dumistansiya ulit sa kanya hindi dahil sa tanggap ko nang wala akong chance sa kanya. I decided to keep my distance dahil nang araw na pabalik na sana kami ng Manila, kinausap ako ni lola Nidora at ng kumara niyang si lola Wanda. At hindi ko inaasahan ang magiging takbo ng pag-uusap namin.
Maaga akong nagising kahit na magdamag akong hindi nakatulog halos dahil sa pag-iisip kay Meng. Kapansin-pansin na naman ang pag-iwas niya sa 'kin. Well, kelan ba niya 'ko hindi iniwasan?
Saktong palabas ako ng kwarto ko nang makita kong naglalakad sa hallway sina lola Nidora. Nagtaka pa ako dahil masyado pang maaga. Wala pang alas-sais ng umaga.
"Hijo, mabuti naman at gising ka na. Halika't samahan mo kaming mag-agahan ng lola Wanda mo."
Pumayag naman ako at ilang saglit pa ay pinagsasaluhan na namin ang masaganang breakfast habang panay ang kwentuhan ng dalawang matanda. Nakuha lang ang atensiyon ko nang biglang may sabihin si lola Wanda na may kinalaman ako.
"Nasabi mo na ba dito sa apo mo ang tungkol sa kasal?" tanong ni lola Wanda na sa akin nakatingin. Tinignan ko naman si lola Nidora para alamin kung ano ang sinasabi ng kumare niya.
"Lola, ano'ng kasal po ang sinasabi ni lola Wanda?"
Nakita kong namutla ang mukha ni lola at nabitin sa ere ang hawak niyang mga kubyertos. Para siyang daga na nasukol ng isang malaking pusa. Ni hindi niya magawang buksan ang bibig niya para magsalita. Kaya si lola Wanda na mismo ang nagbigay ng detalye ukol sa kasal na binganggit nito.
"Hijo, may kasunduan kasi kami nitong lola Nidora mo. Kung natatandaan mo, nagpunta kami ng Palawan noong mismong araw na dumating kami ng Pilipinas. At habang nasa Palawan kami ay nag mah-jong kami kasama ang ilan pa naming kumare. Malaki ang naipatalo ng lola mo hanggang sa manghiram siya sa akin ng dalawang milyon. Ang sabi ko nga ay tumigil na kami noong isang milyon pa lang ang naipatatalo niya. Pero ayaw paawat nitong lola mo."
Saglit na tumigil sa pagkukwento si lola Wanda na tila ba tinatantiya kung itutuloy pa niya ang nasimulang kwento.
"Hindi na nakabawi pa ang lola mo noong nasa Palawan kami kaya pagbalik namin dito sa Maynila ay humiram ulit siya ng dalawang milyon at magbabakasakali raw siya sa casino. Pagkagaling namin ng airport, we went straight to Resorts World at natalo rin ang tatlong milyon na hiniram niya sa akin. All in all, five M ang nautang ng lola mo. At ang usapan namin, babayaran niya ako with five percent interest, tutal mag kumare naman kami, or else, ipapakasal niya ang apo niya sa apo kong si Paola. At nalaman kong ikaw lang naman pala ang nag-iisang apo nitong si Nidora. That's why sa inyo kami dumiretso after naming mag casino dahil ang sabi ng lola mo, hindi niya ako mababayaran in cold cash. Ang buong akala ko ay nasabi na niya sa 'yo ang tungkol sa bagay na 'to."

BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
General FictionLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena