ALDUByou - 23

1.1K 73 2
                                    


MENG


Pagmulat ko ng mga mata ay si lola Nidora agad ang una kong nakita. Nasa may ulunan ko siya at matamang nakatitig sa 'kin. "Ano'ng tingin mo sa sarili mo, senyorita? Anong oras na nakahilata ka pa rin diyan sa kama.


Nang pasimple kong tignan ang oras sa wall clock ay nakita kong mag a-alas siyete pa lang naman ng umaga. Besides, hindi ko alam na ngayon ang dating ni lola dahil kahapon ay wala namang nabanggit si Alden. Kunsabagay hindi naman na kasi kami nag-usap ulit pagkatapos umalis ng mga kaibigan niya. Nainis yata n'ong hindi ko binigay 'yong calling card na inabot ni Derick.


"Good morning po," sa halip ay bati ko kay lola Nidora. "Dumating na po pala kayo. Nag breakfast na po ba kayo?"


Sa halip na sagutin ako'y sumimangot lang siya. "Hindi pa. Kaya nga ginising kita dahil wala pa ang muchachang si inday. Dalhan mo ako ng pagkain sa kwarto ko at may mga ipapabili ako." Akmang tatalikod na siya nang tila may maalala. "At nga pala, huwag na huwag mo akong matatawag na lola dahil hindi naman kita apo. Senyora ang itawag mo sa akin."


Nakaupo na 'ko sa kama at bahagyang naghihikab. "Masusunod po, senyora."


Nang makaalis si senyora Nidora ay mabilis na naligo at nagsepilyo ako. Pagkatapos ay naghanda na 'ko ng healthy foods for her pati na rin ang mga gamot niya na naituro na ni Alden sa akin noong unang araw ko rito.


And in less than thirty minutes ay paakyat na ako sa kwarto niya. Pagdaan ko sa kwarto ni Alden ay hindi ko mapigilang isipin kung natutulog pa rin siya. The past few days naman ay maaga siyang nagigising pero kanina ay hindi ko siya naabutan sa kusina katulad ng nakasanayan ko na.


Inilapag ko ang dala kong tray sa movable table at inurong iyon papunta sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng kama at may nililista sa hawak na papel.


"Bilhin mo ang lahat ng 'yan. Huwag kang uuwi hangga't hindi mo naku-kumpleto ang mga 'yan," aniyang inabot sa 'kin ang papel na puno ng mga nakalistang bagay na kailangan kong bilhin.


Super dami! naisip ko. At bigla ko ring naisip ang bilin ni Alden sa akin noon na huwag kong iiwan ang lola niya kahit na anong mangyari. Sunod na inabot sa 'kin ni lola ay ang perang pambili. Mukhang sobra-sobra iyon kung tutuusin.


"Ano pang tinatanga-tanga mo? Lumayas ka na sa harapan ko," matigas na saad ni senyora na nakataas pa ang kilay sa 'kin.


Agad naman akong tumalima at lumabas na ng kwarto niya. Habang pababa ako ng hagdan ay iniisip ko kung paano ko mabibili ang mga pinapabili ni senyora nang hindi ako masyadong lumalayo. Mabuti sana kung nandito si inday, eh. At least kahit papaano may titingin-tingin kay senyora habang wala ako.


Nang pumasok ako sa maid's quarter ay saka ako biglang may naisip. Bitbit ang susi, pera at listahang bigay ni senyora ay lumabas ako ng mansiyon. Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa marating ko ang eskinita. Sa tapat ng coffee shop kung saan ako dinala ni Alden noon ay may nakita akong computer shop.


Bukas na ang naturang computer shop nang dumating ako. Nakangiti ang lalaking nakabantay sa counter.

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon