ALDUByou - 27

1.3K 91 23
                                    

MENG


Natutulog kami ni inday nang bigla na lang may kung anong tumunog sa ilalim ng unan ko. Mabilis na napabalikwas ako ng bangon at maging si inday ay naalimpungatan rin dahil sa ingay na 'yon.


"Ano 'yon?" nagtatakang tanong ni inday na nakapikit pa ang isang mata.


"Hindi ko rin alam," wala sa sariling sagot ko bago dahan-dahang lumapit ulit sa kama at kinuha ang unang gamit ko. At ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko ang cell phone na patuloy pa ring tumutunog. Ang nakalagay sa screen ng cell phone ay "1:43 A.M."


"Bumili ka na pala ng bagong cell phone?" tanong ni inday na ngayon ay parang nahimasmasan na mula sa mahimbing na pagtulog. Nakalapit na siya sa 'kin at nakitingin sa cell phone na hawak ko.


"Ha? Eh, hindi naman akin 'to," nagtatakang saad ko. Mamahalin ang naturang cell phone at sigurado akong mga limang buwang sahod ko ang katumbas ng cell phone na 'to.


Nang i-swipe ko ang screen ay nakita kong picture ni Alden ang nakalagay sa screensaver.


"Hala ka! Kay ser Alden yata 'yan. Pero bakit naman napunta 'yan dito sa kwarto natin?"


Napatingin ako kay inday. "Malay ko. Saka hindi yata ito 'yong phone niya. Kasi the last time na nakita ko siya, which is kahapon lang, naka iPhone siya," sabi ko pa.


"Eh, kung ganoon, kanino 'yan? Saka bakit piktur ni ser ang nandiyan?" dinutdot pa ni inday ang screen ng phone na nasa kamay ko.


"Aba'y ewan ko!" napu-frustrate na sagot ko. Dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung paano napunta ang cell phone na 'yon sa kama namin—partikular na sa ilalim ng unan ko. Pero sa sulok ng utak ko, parang may idea na ako kung paano napunta 'yon doon.


"Matulog na ulit tayo. Mamaya na lang natin alamin kung kanino talaga 'yan. Antok na antok pa 'ko, gerl. Mag a-alas dos pa lang pala," sabi ni inday na muling humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.


Pero sa halip na gumaya kay inday ay sinuot ko ang tsinelas ko at bitbit ang cell phone ay nagpasya akong lumabas ng kwarto.


Pero ganoon na lang ang gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Alden na nakatayo sa harap ng maid's quarter. Nakasandal siya sa dingding habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng shorts na suot niya. At dahil nakapatay na ang mga ilaw sa loob ng bahay kaya tanging ang ilaw na nagmumula sa kusina ang tumatanglaw sa gwapo niyang mukha.


Para siyang nakatayo doon at inaakit ako. Nakita kong bahagya pa niyang kinagat ang lower lip niya. Aba'y sinusubukan nga yata akong i-seduce ng loko.


"May balak ka bang patayin ako dahil sa nerbiyos? Ano'ng ginagawa mo riyan?" agad na tanong ko sa kanya.


"Hinihintay ka," maikling sagot ni Alden na nanatili pa ring nakasandal.


God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon