ALDUByou - 31

1.3K 63 11
                                    

MENG


Sa Tagaytay Picnic Grove kami humantong ni Alden dahil nang tanungin niya ako kung saan ko gustong pumunta ay ito agad ang unang pumasok sa utak ko. First time kong makapunta ng Tagaytay pero may mga kaibigan akong nakapunta na sa lugar na 'to. At ang sabi ng mga kaibigan ko, maganda raw dito kaya ito ang sinuggest ko sa kanya.


Hindi nagpapigil si Alden kahit sinabihan ko siyang huwag nang kumuha ng open-air cottage dahil hindi rin naman kami magtatagal. May mga bagay lang ako na gustong klaruhin sa kanya. Bagama't alam kong hindi magiging madali ang magiging pag-uusap namin ngayon lalo na at nasubukan ko na ang katigasan ng ulo ni Alden.


"Thank you-"


"May sasabihin-"


Halos sabay pang bumuka ang mga bibig namin nang makaupo na kami. Malayo pa ang holiday season kaya naman hindi ganoon karami ang tao sa ngayon.


"May sasabihin ka?" natatawang tanong ni Alden sa 'kin.


"Yeah. Pero mauna ka na. May sasabihin ka rin yata, eh," tugon ko.


Ngumiti si Alden. At alam ko ang ngiting 'yon-ngiti ng lalaking nasa harap ng babaeng gusto niya. May mga kaibigan ako na may boyfriend na at ganito ngumiti ang mga boyfriend nila sa kanila. It was flattering, actually. Kung hindi ko lang siguro amo 'tong lalaking kaharap ko ngayon, I might have given him a chance.


"I just want to say thank you sa pagpayag mong mamasyal tayo," Alden said with his usual bedroom voice.


"Actually, kaya ako pumayag na sumamang mamasyal sa 'yo ngayon kasi may gusto akong sabihin. Hindi ko alam kung napapansin mo, pero gusto ka ng apo ni lola Wanda. Obvious naman sa kinikilos niya. Paola likes you so-"


"So you want me to like her too?" dugtong ni Alden.


"No, of course not. Gusto ko lang naman na maging nice ka sa kanya kahit papaano. Apo siya ng bisita ng lola mo."


"Wala naman akong nare-recall na incident na naging rude ako sa kanya," kunot-noong saad ni Alden.


Kunsabagay. Hindi naman siya naging rude kanina nang ipilit niyang si Paola mismo ang magdala ng gamit niya sa kotse. After all, hindi ko naman siya amo. Pero somehow ay parang bahagi na rin ng trabaho ko ang pagsilbihan ang bisita ng mga amo ko. At iyon mismo ang sinabi ko kay Alden.


"No, Meng. Hindi mo obligasyong pagsilbihan si Paola. Pwede kang sumunod sa maliliit na bagay na ipapakisuyo ni lola Wanda, pero iyong mga bagay na pwede namang gawin ni Paola pero iuutos pa sa 'yon, 'yon naman ang hindi ko mapapahintulutan. Hindi 'yon kasama sa job description mo," seryosong saad niya.


"Lagi mo na lang akong nire-remind sa job description na 'yan," natatawang sabi ko sa kanya to lighten his mood dahil masyadong seryoso ang aura niya. Pero mukhang hindi benta sa kanya ang linya kong 'yon at nanatiling seryoso ang mukha niya.


"And you should start reminding yourself too, Meng. Kaya maraming taong naabuso dahil hindi nila alam ang karapatan nila. And no, it doesn't just apply to work per se. Maski sa ibang aspeto ng buhay, maraming tao ang naaabuso dahil hinahayaan nila mismong abusuhin sila ng ibang tao," paglilitanya pa ni Alden.

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon