ALDUByou - 18

1.5K 77 15
                                    


Sa isang Pinoy restaurant kami nag lunch ni Alden at sabi pa niya ay isa raw 'yon sa mga paborito niyang kainan. Kunsabagay, masarap naman kasi ang mga pagkain sa naturang restaurant. Pero may kamahalan rin doon at halatang may kaya ang karamihan ng mga costumers.


After naming mag-lunch ay dumiretso naman kami sa Robinson's Magnolia na super laki pero kakaunti lang ang tao. Seventy percent yata ng mga nagpupunta sa mall na 'to ay mga foreigner. Ang tatangkad ang gaganda ng mga kutis.


"Ang sosyal naman ng mall na 'to," wala sa sariling sambit ko habang pinagmamasdan ang magkakahilerang mga boutique. Naisip ko na ito yata ang mall para sa mga artista at mayayaman. Pababa kami ng escalator nang mapansin ko ang medyo may edad nang lalaki na paakyat naman ng escalator.


Hala! Si direk Joey Reyes! Hindi ako pwedeng magkamali. Si direk Joey Reyes nga ang paakyat ng escalator. May kasama siyang gwapong bagets. Nakita kong ngumiti si direk kay Alden. Wala sa sariling napangiti na rin ako't binati siya. Try lang. "Hello po, direk."


Ganoon na lang ang tuwa ko nang tumango siya sa akin at saka ngumiti. Nakababa na kami ni Alden pero panay pa rin ang lingon ko kay direk Joey na siyang nag-direct ng isa sa pinaka-paborito kong movie, My Bebe Love.


Noong nasa probinsiya pa ako, madalas kung i-imagine kung ano ang feeling na makakita ng artista o taong sikat. Ang akala ko'y mahirap silang hanapin dahil 'yong mga kakilala ko at ilang pinsan ko na nag-Maynila rin, kapag tinatanong ko sila kung sino ang nakita na nilang artista sa personal, laging wala ang sagot nila.


Pero ako, naglalakad lang sa mall, nakakita na ng sikat na director. Sosyal! Dapat yata dito ako tumambay kapag day-off ko at baka makakita ulit ako ng artista. Malay mo, dito pala nagma-malling si Vic Sotto! Naku, papa-picture at papa-autograph talaga ako!


"Meng? Okay ka lang?" Ang boses na 'yon ni Alden ang nagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan. Hindi ko namalayang napatigil na pala ako.


"Ha? Eh, okay lang ako!" sabi ko na mabilis na lumapit sa kanya't nagpatiuna na papasok ng grocery store. Nang makita kong akmang kukuha ng pushcart si Alden ay mabilis na inunahan ko siya. "Ako nang taga-tulak. Ikaw na lang mamili ng mga bibilhin."


Iyon nga ang ginawa naman. Sunod lang ako nang sunod kay Alden habang tulak-tulak ko ang pushcart. Iniiwasan ko nang mapatingin sa pang-upo niya dahil nakaka-disctract. At baka may makahalata pa sa ginagawa ko't maakusahan pa 'kong manyak.


Kapag nakatalikod si Alden ay parang batang biglang na lang akong tutuntong sa pushcart at saka malakas iyong itutulak para mag slide ako nang kusa. Feeling ko ay para akong timang na nag i-skateboard sa loob ng grocery store.


Maraming de lata na nilagay sa push cart si Alden. Kung ano-anong junk foods rin ang basta na lang niyang pinagkukuha sa estante.


"Ano'ng junk foods gusto mo?"


Bagama't nahihiya ay napilitan rin akong sumagot. Sayang naman at makakalibre na ako sa future cravings ko. "Piattos 'yong color blue."

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon