ALDUByou - 21

1.4K 72 4
                                    


ALDEN


Nang magising ako kinabukasan ay maganda na ang pakiramdam ko. Pagkamulat ko ng mga mata ay bahagya pa 'kong nadismaya nang wala na sa tabi ko si Meng. Pero siguradong-sigurado ako, hindi lang isang panaginip ang nangyari kagabi. Totoong nakatabi ko siya at nayakap ko pa nga. Patunay na roon ang amoy ni Meng na kumapit sa unan ko. Wala sa sariling niyakap ko ang unan na 'yon at saka inamoy-amoy.


Hindi ko intensiyong samantalahin ang pagkakataon kagabi. Totoo naman kasing nilalamig ako't tanging si Meng lang ang makakapagbigay ng init na hinahanap ng katawan ko. If not because of her, baka hindi ako nakatulog nang maayos at baka magdamag akong nangatal dahil sa lamig na nararamdaman ko kagabi.


I made a mental note habang patayo na 'ko ng kama na huwag papalabhan ang punda ng unan na 'yon. Naghilamos at nag tootbrush lang ako at pagkatapos ay bumaba na ako sa kusina. Agad naman akong sinalubong ng mabangong amoy ng niluluto ni Meng.


"Good morning. Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Meng nang makita niya 'kong papasok ng kusina.


Ngumiti ako't nag thumbs up sign sa kanya. "Okay na 'ko. Magaling ang nurse ko, eh," sabi ko sa kanya na sinabayan ko pa ng kindat.


Tila ayaw namang maniwala ni Meng na okay na ako kaya lumapit pa siya sa 'kin para salatin ang leeg ko. And the moment her hand touched my skin, it suddenly felt like heaven. "Pero uminom ka pa rin ng gamot pagkatapos nating kumain," bilin niya bago magsandok ng kanin.


"Yes, ma'am," nangingiting sagot ko na sumaludo pa sa kanya.


Napangiti na rin siya at nagpatuloy na sa paghahanda ng mesa. Hindi rin nagtagal ay pareho na kaming nakadulog sa mesa. Walang halong pambibiro, pero masarap ang pagkakaluto ni Meng sa tinolang manok na pinagsasaluhan namin ngayon.


"Maswerte ang mapapangasawa mo," hindi na napigilang sabi ko sa kanya.


"Ha?" nagtatakang tanong niya.


"Kasi bukod sa maganda ka na, magaling ka pang magluto," totoong puri ko sa kanya. "Tapos, magaling ka pa palang mag-alaga."


Tumikhim si Meng at halatang pinipigil lang ang tuluyang pagngiti. Pero nakikita ko sa sulok ng mga labi niya, gustong-gusto na niyang tumawa. "Alam mo may sasabihin rin ako."


"Ano 'yon?"


"Ang bolero mo," aniya bago tuluyang pinakawalan ang tawang kanina pa niya pinipigilan.


Matapos naming mag agahan ay nagkanya-kanya na muna kami ni Meng dahil may mga kailangan rin akong asikasuhin. I need to make some calls and check my email too dahil may tinitignan akong property somewhere in Makati. Gusto kong magtayo ng paupahan para kahit papaano ay kumikita ako habang nandito ako sa Pilipinas. Not that I intend to go back to US anytime soon. Mabuti na ang may pinagkakaabalahan ako.


Makulimlim pa rin ang langit sa labas at patuloy pa rin ang bahagyang pag-ulan bagama't hindi na iyon kasing lakas katulad kahapon. Nang mga sumunod na oras ay naging abala na ako sa kwarto ko. Halos hindi ko na namalayang mag a-alas dose na pala kung hindi ko pa narinig na kumatok si Meng sa kwarto ko.

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon