ALDEN
Hindi ko mapigilang mapangiti habang hinihintay ko ang isa ko pang maleta na lumabas mula sa conveyor. After almost eight years, finally ay nasa Manila na ulit ako. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napansin kong wala pa rin naman halos nagbabago sa NAIA.
Nang mapadako ang tingin ko sa escalator ay naagaw ang pansin ko ng isang magandang babaeng nakasuot ng pulang t-shirt at puting shorts. She wasn't that tall but she has nice legs, I noticed. At habang pababa siya nang pababa ay mas lalo kong na-appreciate ang ganda niya. She has this natural red kissable lips, cute nose and tantalizing eyes. Medyo mapanga ang babae pero tila nakadagdag lang iyon sa gandang taglay niya.
Nakaramdam pa 'ko ng panghihinayang nang tuloy-tuloy na naglakad siya papunta ng arrival area. And I wonder if ano kaya ang pangalan niya?
Ipinilig ko ang ulo at muling itinuon ang mga mata sa conveyor. Mayamaya lang ay nakita ko rin ang maleta ko na naglalaman ng mga pasalubong para sa mga kamag-anak at ilang malalapit na kaibigan ko.
Matapos makuha ang maleta ay lumabas na 'ko ng airport at naghihintay na sa akin si Mang Joaquin—driver ni lola for almost two decades now. "Magandang hapon po, Mang Joaquin," bati ko sa kanya nang kunin niya ang maletang bitbit ko. Nakasukbit naman sa isang balikat ko ang knapsack na naglalaman ng mas mahahalagang mga gamit ko.
"Magandang hapon din ho, sir. Kumusta ho ang biyahe?" pag-uusisa nito habang inilalagay ang maleta ko sa likod ng sasakyan. Pagkaikot ni Mang Joaquin papunta sa driver's seat ay sumakay na rin ako sa kotse—sa tabi niya.
"Ayos naman ho. Medyo nakakapagod lang nang kaunti," sagot kong nakatingin sa labas ng bintana. At habang nakatanaw ako sa labas ay muli kong nakita ang pinagmamasdan kong babae kani-kanina lang.
Nakapila siya sa sakayan ng bus at may hawak-hawak na papel sa isang kamay. At dahil may sasakyan pa sa unahan namin ay nagawa ko pa siyang lalong pagmasdan. Naka backpack lang siya at mula sa pakikipag-usap sa isang lalaki na tila pasahero rin, nahinuha kong bago lang siya dito sa Maynila. Para kasing nagtatanong siya ng direksiyon batay na rin sa papel na hawak-hawak niya.
Baka lumaki rin sa ibang bansa. Amputi, eh, pagkausap ko sa sarili ko.
I am still looking at her kahit palayo na kami nang palayo hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Marahan akong pumikit matapos umayos ng upo at saka pilit na iwinaksi ang imahe ng babaeng nasa isip ko. Siguro ay mas lalo siyang maganda kapag ngumiti siya.
Malayo pa ang itinakbo ng isip ko hanggang sa mamalayan ko na lang na ipinapasok na ni Mang Joaquin ang sasakyan sa loob townhouse ni lola Nidora—my dad's mother—na matatagpuan sa New Manila.
Pababa pa lang ako ng sasakyan ay natanaw ko na si lola na nakatayo sa porch at halatang hinihintay ang pagdating ko. May hawak siyang malaking abaniko at nakasuot pa siya ng malaking sunhat gayong papalubog na ang araw.
"Alden, hijo. Maligayang pagdating," lola said with her cranky voice. Nagmano ako at bahagya siyang niyakap.
"I missed you, lola."
"And I missed you more. How's the trip, hijo?" she asked again while eyeing a maid who's watching us. "Inday, ihanda mo na ang hapag at siguradong nagugutom na itong gwapo kong apo. Huwag kang tumunganga diyan at itikom mo 'yang bibig mo at baka pasukin ng bangaw."
"Lola..." Umaandar na naman ang pagiging mataray niya.
Tinapik niya lang ang braso ko't muling um-abresiyete sa akin at iginiya ako papasok sa loob ng malaking bahay na kataka-takang hindi pa rin nagbabago ang arrangement simula nang umalis ako papuntang Amerika. May nadagdag lang na ilang appliances at tila bagong pintura ang buong bahay pero sa kabuuuan ay tila iyon pa rin bahay na tinirhan ko noon. This still feels like home.
"So how's the trip again?" tanong uli ni lola na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"'Twas okay, 'la," sagot ko naman. "How about you? How life here in the Philippines for the past eight years?" tanong ko naman sa kanya habang ipinaghihila ko siya ng upuan sa kabisera ng antigong dining table.
"Okay lang din naman, hijo. Except for some occasions na hindi ko maiwasang hindi malungkot. Tulad na lang kapag pasko, New Year at kapag birthday ko. Alam mo na—"
Naputol sa pagdadrama si lola nang bigla na lang umeksena si inday na may dala-dalang tray ng pagkain. "Brikpas reidy to serb ma'am and ser!" malakas na anunsiyo ni inday na nagpatawa sa akin. I didn't mean to make fun of her pero natawa talaga ako sa accent niya. Bisayang dako si inday!
"Ano'ng breakfast pinagsasasabi mo? Kita mong papalubog na ang araw, tapos breakfast? Tonta! Bumalik ka na nga sa kusina at ipa-serve ang lechon."
Sosyal si lola, ma pa-lechon. Pang malakasan.
"Okay ma'am," tugon ni inday.
"So hijo—"
"Ay ma'am!" si inday ulit na hindi ko rin namalayang bumalik din pala kaagad. "Hindi pa raw po luto ang leychon. Mga payb minutes pa raw po. Hihintayin niyo pa po ba 'yong leychon?"
Inangilan ni lola si inday. "Sa tingin mo may iba kaming choice? Alangan namang ngumasab kami ng hilaw na lechon. Naku inday, kaninang umaga ka pa namumuro sa akin. Doon ka na nga sa kusina at baka ikaw ang ma-lechon ka. Kung luto na 'yong baboy, i-serve niyo rito sa mesa nang dahan-dahan at tahimik. At please lang, paki-zipper ang bibig mo at naririndi ako sa boses mo."
Tahimik na bumalik ng kusina si inday. Nagpatuloy naman sa pagtatanong sa akin si lola tungkol sa naging buhay ko sa New York. Pero mayamaya lang ay hindi ko na naman napigilang matawa nang makita ko si inday at ang dalawang lalaki na nagbubuhat ng lechon na tahimik at dahan-dahang naglalakad palapit sa mesang kinaroroonan namin ni lola.
Bakit parang may prusisyon ng lechon?
At naalala ko ang sinabi ni lola kay inday kanina: Kung luto na 'yong baboy, i-serve niyo rito sa mesa nang dahan-dahan at tahimik.
Pinigil ko lang ang pagtawa ko dahil baka mainis si lola pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang bumunghalit ng tawa. Mabuti na lang ay nailapag rin sa wakas ang lechon sa mesa at muling nawala sa dining area si inday at ang dalawang kasama niya.
Nang sumunod na mga sandali ay naging busy na kami ni lola sa pagkain at matapos iyon ay umakyat na ako sa dating kwarto ko para magpahinga. Ilang minute pa lang nakalapat ang likod sa malambot na kama ay naramdaman kong unti-unti na akong tinatangay ng antok.
Hanggang sa makatulog na nga ako.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
Fiksi UmumLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena