ALDUByou - 24

1.3K 79 8
                                    

MENG


Nang sumunod na araw ay dumating rin sa wakas si inday bandang tanghali. At ngayong araw nga ay may gagawin daw ulit ako. Pero hindi na pamimili ang gagawin ko kundi ang tikman ang nilulutong adobo ni senyora Nidora. Ipinaabot lang ni senyora sa akin ang bagay na 'yon sa pamamagitan ni inday. At dahil medyo magka-vibes nga kami ni inday ay binalaan niya ako na huwag na huwag kong titikman ang luto ni senyora Nidora kung ayaw ko raw sumakit ang tiyan ko.


Dahil dalawa ang kusina nina Alden—isang main at kitchen at isang dirty kitchen—nag decide ako na tumambay sa dirty kitchen. Bihira diumanong mapadpad doon si senyora. At kanina bago pa man bumaba si senyora ay tinanong ko na si inday habang nasa maid's quarter pa kami kung ano ang lulutuin ni senyora sa araw na 'yon. Nang malaman kong adobong manok ang lulutuin niya ay agad na naghanda rin ako ng mga sangkap kasabay ni inday.


Kaya habang nagluluto si senyora kasama si inday ay palihim naman akong sumisilip sa maliit na siwang ng bintana at ginagaya ang paraan ng pagluluto ng lola ni Alden. Madali lang iyon kung tutuusin. Normal na proseso ng pagluluto ng adobo.


Pero ang hindi ko kinaya ay nang budburan ni senyora ng napakaraming paminta at siling labuyo ang kanyang niluluto. May balak yatang patayin si senyora sa niluluto niya. Mabilis ko na ring tinapos ang niluluto. Kaunting piraso ng laman lang iyon kaya as madaling maging tender ang laman.


Bago pa man ako ipatawag ni senyora ay natimbrihan ko na si inday na tapos na rin akong magluto.


"Tawagin mo na ang caregiver ko, inday," narinig kong saad ni senyora mula sa loob.


"Masusunod senyora." Mayamaya lang ay nakita ko si inday na lumabas papunta sa kinaroroonan ko habang tila may hawak-hawak siya sa loob ng bulsa ng apron na suot niya. "Ipinatatawag ka ni senyora," pasimpleng saad ni inday habang inilalabas ang platitong nasa bulsa ng apron na suot niya. Nilagyan niya iyon ng adobong niluto ko habang sinesenyasan akong pumasok na.


Tumalima naman ako at pumasok na sa loob. Naabutan ko si senyora na sadyang hinihintay ang paglitaw ko sa harap niya. "Ano'ng ginagawa mo sa likod bahay?" pag-uusisa niya.


"Ah, nagpapahangin lang po ako senyora," sabi ko.


"Bueno, nagluto ako ng espesyal na adobo. At gusto kong matikman mo 'to," nakangiting turan niya na tila ba may binabalak na masama. "Maupo ka." Naupo naman ako sa pahabang mesa habang si senyora ay naupo na rin sa kabisera. "Inday, maghain ka na. Magmadali!"


And as if on cue, biglang lumitaw si inday na may bitbit na plato na naglalaman ng kanin at platitong siyang kinalalagyan ng adobo.


"Hindi po ba kayo kakain?" tanong ko.


"Oh, don't mind me. Niluto ko talaga 'yan para sa 'yo. Sige na, kumain ka na."


Tumingin muna ako kay inday saglit. At nang makita kong ngumiti siya ay panatag na hinawakan ko na ang mga kubyertos at nagsimulang sumubo ng pagkain. "Ang sarap po ng luto niyo, senyora," puri ko sa kanya na ikinagulat naman niya. Hindi niya itinago ang pagtaas niya ng mga kilay.

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon