MENG
Kinabukasan ay maaga rin akong nagising kahit mag a-ala-una na nang makatulog ako. Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko ay hindi muna agad ako bumangon. Nakipagtitigan muna ako sa kisame na tila kapareho ng dinaramdam ko. Mukhang malungkot rin siya dahil tila ilang taon na rin mula nang masayaran siya ng bagong pintura.
At bago pa man malipat sa ibang inanimate objects ang attention ko ay tumayo na 'ko at diretsong nagtungo sa common rest room bitbit na nasa labas ng kwarto ko malapit sa may dining area. May narinig akong lagaslas ng tubig mula sa loob kaya naupo muna 'ko sa katabing stool habang nasa lap ko ang lagayan ko ng toiletries at towel ko.
And while sitting there, inisip ko kung ano ang susunod kong step. Well, I only have two options actually. Una, pwede na 'kong mag-empake ng mga gamit ko pagkatapos na pagkatapos kong maligo at sumakay ng bus pauwi ng probinsiya. At ang pangalawang option ay maghanap ng trabaho.
Nang bumukas ang pinto at lumabas ang bagong paligong 'housemate' ko na nakasuot na ng office uniform niya, naisip kong, wala pala talaga sa option ang unang nabanggit. I'm not a quitter. At lalong hindi ako madaling sumuko sa mga hamon ng bahay. Kaya today, I'm going to find a new job and I will find one. I'm claiming it!
Magaan na ang pakiramdam ko hanggang sa matapos akong maligo at maging sa pagpili ng damit na isusuot para sa araw na 'to. I decided to go with comfy clothes. Simpleng blouse at maong pants ang napili kong suotin na tenernuhan ko naman ng flat sandals na nabili ko few days ago sa may Cubao.
Hinayaan ko munang nakalugay ang buhok ko dahil medyo basa pa iyon. Matapos magwisik ng mumurahing pabango ay lumabas na 'ko ng kwarto ko bitbit ang shoulder bag ko na naglalaman ng wallet at mahahalagang dokumento na gagamitin ko sa paghahanap ng trabaho.
Habang papunta ako ng McDo para mag breakfast ay dumaan muna ako ng sari-sari store para bumili ng diyaryo. At habang binibilang ni manang ang sukli ko ay napatingin ako sa poste ng kuryente. At doon ay may nakita akong job advertisement. Secretarial job ang ino-offer at no experience needed. Kailangan lang ng pleasing personality at fluent in both English and Filipino language.
Mabilis na kinuha ko ang ball pen sa bag ko at isinulat sa ibabaw ng diyaryo ang address at contact number na nakasaad sa ad. Nang makuha ang sukli ko ay naglakad na 'ko papuntang McDo. Kagay nang una akong kumain dito ay kaunti lang din ang tao ngayon. Karamihan ay mga estudyante na papasok pa lang ng klase. May mangilan-ngilang nag-oopisina rin akong nakita.
Matapos um-order ay pumwesto na ako sa isang sulok at habang kumakain ay pinasadahan ko ng tingin ang classified ads ng diyaryo. Karamihan ng mga iyon ay sa Makati at Ortigas pa ang opisina. Medyo malayo, naisip ko. Pero binilugan ko pa rin ang mga prospect jobs na pwede kong apply-an.
Nang muli kong itiklop ang diyaryo ay nakita ko ang sinulat ko kanina. New Manila, Quezon City.
Ayy, malapit lang 'to dito! And I suddenly remember Alden dahil sa New Manila rin sila nakatira. Kumusta na kaya siya? Naalala pa kaya niya 'ko?
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Minadali ko na ang pagkain ko at mayamaya pa ay nag-abang na ako ng taxi. Mukhang mabait naman ang taxi driver ng nasakyan ko dahil hindi ko naramdaman na pinaikot-ikot niya ako. Wala pang sampung minuto ay huminto na kami sa harap ng isang malaking bahay na may malaki ring gate.
Matapos magbayad ay bumaba na 'ko at inayos ang bahagyang nagusot kong damit. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. After five minutes siguro ay bumukas ang maliit na portion ng gate at tumambad sa akin ang mukha ng isang may edad nang babae.
"Ano po 'yon?"
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Mag a-apply po sana ako. Nakita ko po 'yong job advertisement sa may malapit sa amin. So yeah, mag a-apply po sana akong sekretarya," nakangiting sagot ko.
"Naku ineng, nahuli ka na ng dating. May nahanap na ang amo ko kahapon lang. Pasensiya ka na," apologetic na saad ng matanda.
Bagama't malungkot ay pinilit ko pa ring ngumiti sa kanya. "Ganoon po ba? Sige, 'di bale na po. Sige po, tuloy na po ako." Pero bago ako tuluyang tumalikod ay may naalala akong itanong sa babae. "Manang, may sakayan po ba ng tricycle dito?"
Masyado na kasing mapapalaki ang gastos ko kung magta-taxi ulit ako. Medyo malapit lang naman ang kinaroroonan ko papunta sa may main highway pero siyempre medyo malayo kung lalakarin ko.
Lumabas ng gate ang matanda at itinuro sa akin ang direksiyon ng sakayan ng tricycle. Nasa may kabilang kanto lang daw iyon at ibang ruta ang dinadaanan pero main highway pa rin ang labas.
"Salamat po, manang," sabi ko at nagsimula nang maglakad. Mabilis ko namang narrating ang kanto at mabuti na lang walang pila kaya agad akong nakasakay. At habang umaandar ang tricycle ay panay naman ang tingin ko sa naglalakihang mga bahay. Halos pare-pareho ng laki at ng disenyo. Ang ipinagkaiba lang ay mga gate at house number na naka-paskil sa harap ng bahay.
Paliko na sana ang tricycle na sinasakyan ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na bahay. At may nakasabit na malaking karatula sa gate ng bahay na 'yon. WANTED CAREGIVER.
Mabilis na pinara ko si manang driver. "Kuya para po!" pasigaw ang pagkakabigkas ko niyon dahil medyo maingay na ang makina ng motor ni kuya. Muntik pa akong mapasubsob dahil sa biglaang pag preno ni kuya. Mabuti na lang at mabilis kong naitukod ang mga kamay ko.
Bumaba ako ng tricycle, nagbayad at nakangiting naglakad papunta sa pamilyar na pamilyar na bahay na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali—bahay nina Alden 'to. At mukhang umalis na ang caregiver ng lola niya dahil kung hindi, para saan ang karatulang 'yon?
Bago ko pindutin ang doorbell ay kinalas ko muna mula sa gate ang malaking karatula at hinawakan iyon sa isang kamay. Sa pagkakahawak ko sa karatula ay parang hawak-hawak ko na rin ang magiging bago kong trabaho. Nice!
Pinindot ko na ang doorbell at mayamaya pa ay bumukas ang gate at iniluwa ang halatang bagong gising na si Alden na may hawak pang tasa sa isang kape. Gamit ang dalawa kong kamay ay itinaas ko ang karatulang hawak ko.
"Good morning! Mag a-apply sana ako," nakangiting turan ko sa kanya.
Mukhang antok na antok pa rin siya dahil ilang segundo muna siyang natulala bago niya nagawang magsalita. "Oh, hi! Good morning. Pasok ko," ngiting-ngiting sabi niya sa akin.
Humakbang naman ako sa papasok at hinintay na maisara niyang muli ang gate. Nang humarap siya sa 'kin ay mabilis na kinuha niya ang signage na hawak ko at basta na lang iyong ihinagis sa isang tabi.
"You're hired!" masiglang anunsiyo na. And it's like the nicest thing I've ever heard in my entire life. Idagdag pang contagious ang ngiting binibigay sa akin ni Alden ngayon. God, why does he have to be this cute?
*****
Please don't forget to vote and leave a comment. :)
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
General FictionLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena