ALDEN
Saktong kakapasok lang namin ni Meng ng sala nang makita kong pababa naman ng hagdan si lola Nidora. Nasa likod niya si inday at may bitbit na maleta. Nang tuluyang makababa ay humarap siya sa amin ni Meng na hindi man lang itinago ang pagtaas ng kilay habang may hawak siyang abaniko sa isang kamay. Agaw-eksena rin ang sombrerong suot niya.
"Sino ang babaeng 'to, hijo?" tanong ni lola na seryosong-seryoso ang mukha.
"She's Meng, 'la. Bago mo pong caregiver," sagot ko. "Meng, this is my lola Nidora. Siya ang magiging pasyente mo."
"Magandang—" Dagling naputol ang sasabihin ni Meng dahil bigla itong inawat ni lola sa pamamagitan ng pagkumpas ng isang kamay.
"Hijo, akala ko ba nakapag-usap na tayo? Si Kirst ang gusto kong maging caregiver at hindi ang babaeng 'to!" aniyang nanlilisik pa ang mga matang tinitigan si Meng. Kung natatakot ang dalaga o hindi ay hindi ko masabi dahil nanatiling blangko ang ekspresyon niya at tila nawiwirduhan kay lola.
"Lola, you know that's not possible. May nahanap nang bagong trabaho si Kirst at nandito na si Meng."
"Then double his salary. O 'di kaya triplehin mo. Basta si Kirst ang gusto ko," pagmamatigas pa rin ni lola.
Sa totoo lang ay medyo naiinis na rin ako sa mga nangyayari lately. This whole caregiving thing. Nakakapagod na ring mag-interview at maghanap ng bagong caregiver ni lola. Kaya sa ayaw at sa gusto niya, Meng will be her last caregiver for as long as I'm here in the Philippines.
"Lola, I've already made up my mind. Tatanggapin mo si Meng bilang bagong caregiver mo or I will have to send you to some home for the aged at babalik ako ng Amerika. La, tama na ang pagta-tantrums mo. Nakakapagod na sa totoo lang," sabi ko na napahawak pa sa sentido ko.
Nakita ko ang pag-uulap ng mga mata ni lola pero pinili kong ignorahin 'yon. Hindi pwedeng lagi ko na lang pagbibigyan ang mga kapritso niya. "You really can do that to your own grandmother, Alden? Sending this old woman to a home care institution?"
"You know that I'd hate myself if I'd do that. That's why I'm giving you another chance, la. Kapag umalis ulit itong si Meng dahil sa kung ano-ano na namang pananakot at pagpapahirap na gagawin mo, I'm going back to Amerika at mapipilitan akong iwan ka kay uncle Ariel. And you know what's gonna happen next. So, please..." sabi ko pa na hinawakan siya sa isang kamay.
Tinitigan muna ni lola si Meng bago muling nagsalita. "Fine. But in case may gawing hindi maganda 'yang babaeng 'yan, I want her immediately fired."
Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon sa gusto niya.
"Inday, dalhin mo na 'yang maleta ko sa kotse at male-late na ako," utos ni lola sa kasambahay. "I'll be gone for few days at may ime-meet akong amiga ko na galing Germany. Ikaw na ang bahala dito sa bahay. And no girls," paalala niya pa.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
General FictionLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena