MENG
Gaya ng napag-usapan, alas-tres pa lang ng hapon kinabukasan ay nasa pizza house na kami na paboritong punatahan ni senyora. Hindi ko na kailangang humabi pa ng kwento para lang pumunta roon dahil siya pa mismo ang nayaya sa 'kin. Bored daw siya sa bahay.
Hinihintay na lang naming i-serve ang order namin nang biglang manlaki ang mga mata ni lola Nidora. Strategically kasi ay pinaupo ko siya paharap sa pinto ng restaurant. Pasimpleng lumingon ako at nakita kong pumasok ang isang matangkad na lalaki na parang isang model. May naka-abriseteng matanda sa kanya at pareho pa silang humahalaklak habang papasok ng restaurant.
In fairness, mukhang magaling ang actress na nakuha ni Alden. Finesse kung gumalaw si lola at talagang mukhang may class. Pasado bilang amo, naisip ko.
"Mga walanghiya! Mga taksil!" narinig kong nagmo-monologue na si senyora sa pwesto niya habang nanginginig ang mga kamay niya at nakataas ang dalawang kilay na tila ba anong oras ay susugod ng giyera.
At mukhang masisimula na nga ang giyera nang tumayo si senyora at basta na lang lumapit sa bagong pasok na costumer na walang iba kundi sina Kirst. Mabilis na sinundan ko si senyora Nidora.
"Kirst! It's good to see you again!" masayang bati ni senyora sa lalaki na bumeso pa. Halatang nagulat ang matandang kasama niya.
"Who are you?" nakataas ang kilay ni lola actress. Winner sa projection. Mukhang dumaan sa intense acting workshop.
Nameywang naman ang amo ko at hinarap ang kasama ni Kirst. "I'm not talking to you so shut up, b*tch."
Tumayo na rin si lolang actress. "I'm not a b*tch!"
"Yes you are! You're hanging out with my boy."
Nameywang na rin si lola actress. "Excuse me. He's not your boy. And FYI, he's my caregiver."
Nagsimula nang mamasa ang gilid ng mga mata ni senyora. "Kirst..." sinubukan pang hawakan ni senyora Nidora ang braso ni Kirst pero agad na nahila ni lola actress ang gwapong binata.
"Back off, old lady." Mabalasik ang tingin ipinukol nito kay senyora. Si Kirst naman ay nanatiling tahimik habang papalit-palit ang tingin sa dalawang matanda.
"Why don't you say something, Kirst? Ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman tayo," madramang saad ni senyora.
Jusko, para akong nanonood ng teleserye na heavy drama ang tema. Daig pa ang Pangako Sa 'Yo! Lakas ring maka-PBB teens nitong si senyora.
Hinawakan ni Kirst ang kamay ni senyora Nidora. At sa simpleng hawak na 'yon ay nabuhay ang pag-asa sa mga mata ni senyora. Pero dagli rin iyong nalusaw dahil sa sinabi ng gwapong lalaki. "I'm sorry, Nidz. Pero kalimutan mo na ako. Kita mo naman may iba na akong amo. Siguro hindi pa ito 'yong panahon para magsama tayo lalo na at tutol ang apo mo na maging caregiver mo ako. Pero malay mo sa susunod na panahon magsama rin tayong muli? Kapag pwede na ang hindi at kapag tama na ang mali."
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena