MENG'S POV
Ang home na tinutukoy ko kay Alden ay hindi ang bahay nila na mala-mansiyon na matatagpuan sa San Juan. Gusto kong umuwi sa amin sa Leyte. Sa dami ng mga nangyayari lately, gusto ko na lang umuwi para makasama ang nanay at mga kapatid ko. Doon na lang siguro ako maghahanap ng ibang trabaho. Okay na kahit maliit ang sahod, ang mahalaga ay malapit ako sa pamilya ko.
Maiintindihan naman ako nina nanay kapag ipinaliwanag ko sa kanila kung bakit biglaan na lang ang pag-uwi ko. At kung mahihirapan man akong maghanap ng trabaho, magpapatulong na lang siguro ako sa pinsan kong si Zeke para makahanap ng mapapasukan.
Nang sabihin ko ang plano kong iyon kay Alden ay nakita ko ang pagrehistro ng lungkot sa mukha niya. Pero sa huli ay tinanggap na rin niya ang desisyon ko. Tahimik na nilisan namin ang condo ni Derrick at ilang saglit pa ay nasa park na kami na malapit sa bahay nila. Nang tanungin ko siya kung ano ang gagawin namin doon ay sinabi niyang gusto lang niyang mag-usap pa muna kami.
Pagkababa namin sa kotse niya ay dumiretso kami sa isang bakanteng bench at doon naupo. Halos iilan lang ang tao dahil anong oras pa lang naman at Lunes nang araw na 'yon. Ilang saglit pa lang kaming nakaupo roon ay may namataan kaming kaming isang babae at isang lalaki na parehong teenagers. Nauunang maglakad ang babae habang nakasunod sa kanya ang lalaki na may hawak na isang tangkay ng rosas. Base sa nakikita ko ay hindi mahirap i-conclude na may gusto ang lalaki sa babae. But for some reason, ayaw i-indulge ng babae ang panunuyo ng lalaki.
Nagkatinginan kami ni Alden at sabay ring natawa nang mahinuhang pareho pala kami ng pinagmamasdan.
"What if...?" mahinang usal ni Alden na bahagya lang umabot sa mga tenga ko. Muli siyang tumingin sa 'kin at nagpatuloy sa pagsasalita. "What if mahal pala talaga n'ong lalaking 'yon 'yong babae? What if totoo 'yong pagmamahal na pinapakita niya?"
Napalunok ako dahil alam kong hindi 'yong lalaki at babaeng tinitignan namin kanina ang tinutukoy niya ngayon. Alden is talking about us. Tumuwid ako ng upo at muling pinagmasdan ang dalawang teenagers na ngayon ay nakaupo na rin sa bench pero malayo ang distansiya sa isa't isa.
"What if gusto rin pala n'ong babae 'yong guy? Hindi niya lang maamin d'on sa lalaki kasi natatakot siyang masaktan ulit?"
"Ano naman ang ikakatakot niya?" tanong ni Alden.
"You see, mukhang mayaman 'yong lalaki. Baka natatakot lang 'yong babae na mangyari rin sa kanya 'yong nangyari sa nanay niya," malungkot na saad ko. And it's true. Isa sa mga rason kung bakit ayokong i-entertain ang feelings ko para kay Alden ay dahil natatakot akong baka matulad ako sa nanay ko na nagkagusto sa tatay ko na anak mayaman. Base sa kwento ni nanay, tutol raw ang pamilya ng tatay ko sa relasyon nila dahil nga mahirap lang si nanay. Pero handa raw talikuran ni tatay ang pamilya niya noon kung hindi lang ito naaksidente. "Baka natatakot sumugal 'yong babae kasi alam niyang hindi boto sa kanya ang pamilya ng lalaki kasi mahirap lang siya?"
"But don't you think that's unfair? Paano pala kung willing palang ipaglaban ng lalaki 'yong babae? What if willing 'yong guy na ipaglaban sa pamilya niya 'yong nararamdaman niya?"
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
General FictionLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena