ALDEN
Nasa bahay na ako nang ma-realize kong sa sobrang pagkataranta ko kanina ay naiwan ko pala ang folder ni Meng. Pagpasok ko sa kwarto ni lola Nidora ay naabutan ko si inday na inaabot ang hose ng nebulizer kay lola.
"'La, kumusta ang pakiramda mo?" Itinaas niya ang isang kamay sa ere as if saying: Wait lang.
Makalipas ang mahigit limang minuto ay muling inabot ni lola ang hose kay inday at saka humarap sa 'kin.
"Ayoko d'on sa napili mong caregiver, hijo. Si Kirst ang gusto ko," aniya dahilan para mapabuga ako ng hangin nang wala sa oras.
"Lola, I've already hired Ms. Wanda. Sa lahat ng nag-apply kanina, siya ang pinaka-competent para maging caregiver. Please, let's not make this as an issue," may pinalidad na sa tinig ko.
"Ah, basta! Ayoko sa Wanda na 'yon. I don't like her and you can't force me to like her." Matapos magsalita ay tumalikod na siya sa akin at nagtalukbong ng kumot.
Iiling-iling na lumabas ako ng kwarto kasabay ni inday. Pagbaba naming sa sala ay binilinan ko pa si inday na ayusin ang isa pang kama sa maid's quarter dahil doon din mag i-stay si Ms. Wanda. "Paki-ayos na lang ang tutulugan niya at ikaw na ang bahalang mag-orient sa kanya kung saan niya ilalagay ang mga gamit nita. Sa Monday na siya babalik."
"Yes, ser," tumatangong sagot ni inday.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para muling lumabas ng bahay. Hanggang sa mamalayan ko na lang na dinadala na ako ng mga paa ko pabalik ng coffee shop. At habang palapit ako nang palapit sa coffee shop, doon ko tinanggap sa sarili ko na may maliit na bahagi sa puso ko ang umaasa na sana ay naroon pa si Meng sa coffee shop.
Medyo impossible man, hiniling ko na sana ay hinintay niya akong bumalik. But then again, it was just a wishful thinking. At sinampal nga ako ng katotohanan nang pagdating ko sa coffee shop ay wala na si Meng. Ang mesang inuokupa naming kanina ngayon ay gamit nan g mag-asawang medyo may edad na.
Wala sa sariling napabuntong-hininga ako. Sayang at 'di ko na siya naabutan.
Palabas na sana ako ulit ng coffee shop ng tawagin ako ng isang bartender. "Sir!"
Napahinto ako at saka lumingon. "Yes?" nagtatakang tanong ko.
"May pinabibigay po 'yong babaeng kasama niyo kanina," anito at may inabot na nakatuping papel sa akin.
"Salamat," nakangiting sabi ko sa bartender at saka lumabas na ng coffee shop. Excited akong makauwi ng bahay at pagkarating na pagkarating ko ay dumiretso agad sa kwarto ko. I headed straight to my comfy and started to read the letter.
Sir Alden,
Just in case na bumalik ka sa coffee shop na 'to, you can contact me on this number: 0935-141-0228.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
General FictionLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena