ALDUByou - 39

902 43 2
                                    

MENG


"Akala ko ba ipapakilala mo ako do'n sa manliligaw mo?" narinig kong tanong ng pinsan kong si Zeke habang nakaupo kami sa concrete bench na nakaharap sa payapang dagat. Nasa lower campus kami ng VSU at kasalukuyang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.


Hindi ako kumibo at pinagdiskitahan ko na lang ang pagkaing nakapagitan sa amin ni Zeke.


"Don't tell me hindi pa rin nagpaparamdam sa 'yo? It's been what, five days since he left right? And he didn't call you yet? Baka naman may iba nang pinagkakaabalahan 'yon," dugtong pa ni Zeke.


Exactly. May iba nan gang pinagkakaabalahan si Alden. And I was a fool to believe that he really like me. Kung talagang gusto niya ako, hindi siya magkukumahog na basta na lang bumalik ng Manila dahil lang sa ex-girlfriend niyang si Louise.


Yes. Alam kong si Louise nga ang dahilan ng biglaang pagbalik ni Alden ng Manila nang hindi man lang nagpapaalam. Tinawagan ko kasi ang phone ni Alden dahil bigla na lang siyang hindi nagparamdam after naming mag dinner at mag coffee sa may pantalan. Pero dahil out of coverage area, nagbakasakali akong tawagan na lang si inday.


"Hello, Inday. Itatanong ko lang sana kung nandiyan si Alden? Nakapatay kasi ang phone niya kahapon ko pa siya sinusubukang tawagan," agad na bungad ko kay inday nang sagutin niya ang tawag ko.


"Oo. Kahapon lang bumalik 'to. Hindi ko nga alam kung saan galing. Pero no'ng tinawagan ko siyang nandito si ma'am Louise sa bahay nila, bigla naman siyang umuwi."


Napatda ako sa narinig. Bakit naman biglang pupunta sa bahay nina Alden si Louise? Isang sagot lang ang alam kong sagot sa tanong kong iyon. Gustong makipagbalikan ng babae kay Alden. At hindi malabong mangyaring magkabalikan ang mga ito lalo na at may past ang dalawa.


Pero ewan ko ba, masokista yata ako at mas gusto ko pang saktan lalo ang sarili ko. Yes, nasasaktan ako sa thought na magkakabalikan sila dahil aaminin kong tuluyan nang nahulog ang loob ko kay Alden.


"Ano raw ang ginagawa ni Louise diyan?" tanong ko kay Inday.


Biglang humina ang pagsasalita ni inday at parang bumubulong na lang sa awditibo. "Hindi ko alam, eh. Pero dumating 'yon dito nang basang-basa sa ulan tapos panay ang iyak at hinahanap si ser Alden," pag chika pa ni inday. "Tapos simula nang dumating si ser Alden, hindi pa lumalabas ng kwarto 'yong Louise. Tapos si ser Alden naman lalabas ng kwarto pero saglit lang. Iniisip ko nga, baka buntis kaya iyak nang iyak. Mukhang problemado rin si ser, eh."


Mas lalo akong natigagal sa isiping may posibilidad na magiging tatay na si Alden.


"Gerl, weyt lang, ha? May nagdo-doorbell, eh. Buksan ko lang saglit."


"Sige, okay lang. Anyway, may gagawin rin kasi ako," sagot ko naman. "Hmmm, inday. Kung pwede 'wag mo na lang banggitin kay Alden na tumawag ako, okay?"

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon