ALDUByou - 36

1.2K 55 13
                                    


ALDEN


"Totoo ba 'yong sinabi ng kapatid mo?" tanong ko kay Meng habang palabas kami ng bahay nila para bumili ng softdrinks. Nginitian ko ang mga kapitbahay nila na nakatingin sa aming dalawa.


"Sino'ng kapatid?" takang tanong ni Meng.


"'Yong babae."


Ngumiti lang siya habang patuloy sa paglalakad. "Ah, si Bea. Alin d'on sa mga sinabi niya ang tinutukoy mo?" aniyang nakakunot ang noo.


Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita. "Na pangarap mong makapangasawa ng mayaman."


Kanina nang sabihin iyon ng kapatid ni Meng ay naging sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil kung totoo man iyon, hindi ko pala matutupad ang pangarap na 'yon ni Meng dahil hindi ko naman maikokonsiderang mayaman ako. 'Yong kalahati ng naipon ko habang nasa States ako ay ipinambayad ko kay lola Wanda at kulang pa nga iyon ng two million dahil ayoko namang sagarin ang savings ko. Kung tutuuusin ay pwede ko namang bayaran ng buong limang milyon si lola Wanda pero ayoko namang wala akong pera sa bangko dahil paano na lang kung magkaroon ng emergency? Ayaw namang maglabas ni lola Nidora ng pera. Mas gusto pa niya akong ipakasal na lang kay Paola. May tig dalawang insurance policy ako mula sa mommy at daddy ko pero ayoko rin iyong galawin dahil nakalaan na 'yon para sa magiging pamilya ko in the near future.


"Totoo 'yon," sagot ni Meng. "Pero matagal na pangarap na 'yon. Actually, bata pa lang ako n'on. Wala pang masyadong alam sa buhay. Pero ngayong medyo tumanda na ako, I realized na hindi naman pala importanteng mayaman ang mapangasawa ko. Ang mahalaga, mabait siya, mapagmahal at madiskarte sa buhay."


Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Meng.


"Pasok pala ako sa standard ng lalaking hinahanap mo para mapangasawa," nakangising tugon ko sa kanya.


Kunway'y nag-isip pa si Meng at humawak sa sentido at saka bumungisngis. "Ewan ko. Tignan natin."


At ganoon na lang ang tuwa ko nang pabiro pang kumindat siya sa 'kin. Sakto namang nasa harap na kami ng isang tindahan.


"Ate dalawang Coke mismo nga po," sabi ni Meng sa tindera.


"Naku, isa na lang 'to, eh," anang tindera.


"Sige, okay na po 'yan." Kinuha ni Meng ang Coke at inabot ko naman sa tindera ang bayad. Pagkabukas niya sa takip ng bote ay agad iyon tinungga ni Meng. Nang mapangalahati niya ang laman niyon ay inabot niya sa 'kin ang Coke. "Gusto mo?"


At sino ba ang may ayaw ng Coke? Lalo na kung ininuman na 'yon ng taong gusto mo? I never imagine that I'll be thrilled with the thought of an indirect kiss. Iba nga talaga ang nagagawa at naiisip ng taong in love.


Kinuha ko kay Meng ang bote ng softdrink at inisang lagok ang laman niyon. At napangiti ako nang bumili pa si Meng ng dalawang Coke Kasalo para naman diumano sa bahay ng mga ito. Gusto ko na namang mapangiti dahil parang sinadya lang ni Meng na bumili ng Coke Sakto para pagsaluhan namin gayong bibili rin naman pala talaga siya ng mas malaki. Such a wicked girl.

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon