ALDUByou - 07

1.6K 87 11
                                    

MENG


Hindi ko maiwasang malungkot nang marinig ko ang tinig ng isang lalaki na nagsalita mula sa loob ng library kung saan ako nakatayo ngayon. Nasa likod ako ng isang maid na siyang nagpatuloy sa akin.


"May napili na kasi ako—" kasabay ng pagbukas ng pinto ay umawang din ang bibig ng lalaki na tila naputol sa ere ang sasabihin.


At ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang mamukhaan ko ang lalaking nasa harap ko. He was the same guy na nakita kong pasakay sa isang sasakyan habang nakatayo ako sa harap ng Puregold. Siye si Mr. Dimples!


I clearedmy throat and summoned all the voice I still have in me. "Hmm, it's okay. Anyway, nag-try lang naman ako," sabi ko at pagkatapos ay bumaling kay sa katulong. "Thanks. Sige, tuloy na 'ko." And for the last time ay tumingin ay tumingin ulit ako kay Mr. Dimples na mataman pa ring nakatingin sa akin.


Unconsciously ay wala sa sariling naiipit ko sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na kumawala mula sa ponytail ko. "I'll go ahead," pabulong na sabi ko sa lalaki at pagkatapos ay naglakad na palabas ng bahay.


The house was really big and beautiful. Kanina nang pumasok ako ay isang salita lang ang agad na pumasok sa isip ko: WOW! Modern ang style ng bahay at kumpleto sa mga kagamitan. Dalawang palapag ang bahay so presumed na nasa taas ang lahat ng kwarto dahil napakalawak ng space sa babae. Maging ang receiving area nila ay pwede nang gawing isang bahay sa probinsiya namin.


Kung hindi lang siguro ako nagkandaligaw-ligaw kanina ay malamang na umabot pa ako sa interview. Ang kaso, inikot-ikot ako ng taxi driver na nasakyan ko kanina. Malay ko bang malapit lang pala ang New Manila sa Gilmore.


Kanina nang papasok ako sa mansiyon ng mga Faulkerson ay nakasalubong ko pa ang isang babae na tila aplikante rin at halata sa mukha niya ang saya. Baka siya 'yong napiling caregiver. Sayang! Mukhang malaki pa naman magpasahod ang pamilyang 'to.


Saktong kalalabas ko lang ng gate nang may marinig akong nagsalita mula sa likod ko. "Miss!" may panic sa boses ng lalaking tumawag sa akin. And it was no other than r. Dimples himself.


Huminto ako at dahan-dahang lumingon ulit sa pinanggalingan ko. And boy, bakit parang nate-tense ang lalaking 'to? Butil-butil ang pawis sa noo niya na gusto ko mang pahirin ay hindi pwede. Ano, jowa lang?


"Po?" Eeer, para naman akong nagpapa-cute neto.


Tumikhim muna ang lalaki bago muling nagsalita. "You see, may na hire na kasi kaming caregiver ni lola just moments ago. But can I still get that folder?" anitong nakatitig sa folder na kipkip ko sa kaliwang kili-kili ko. "Just in case mag backout 'yong nakuha namin, you know?"


May pagdududang tumingin ako sa kanya. "Kukunin mo akong replacement kahit hindi mo pa ako nai-interview?" unsure na tanong ko sa kanya.


"Oh, that!" anitong tinampal pa ang sariling noo. "Of course, I'd love—eeer, I need to interview you first."

God Gave Me You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon