MENG
Aandap-andap ang puso ko habang palapit kami nang palapit ni Zeke sa Aqua Azul na siyang pinakabagong atraksiyon dito sa Baybay, City. Maganda ang naturang resort kahit hindi pa fully developed.
Pagkababa ko sa motor ni Zeke ay agad na naglakad ako papunta sa entrance ng resort. Maaliwalas ang paligid kahit gabi na at may naririnig akong tugtog na nagmumula sa cafeteria ng resort. May naririnig rin akong nagsisigawan sa may bandang pool area.
Nang makalapit sa 'kin ang pinsan ko ay tuluyan na kaming pumasok sa loob matapos magbayad ng entrance. Lumingon-lingon ako sa pagbabakasakaling makita ang kahit sino sa mga kapatid ko o si nanay. Pero hindi pa man kami nakakalayo ni Zeke sa may entrance ay nakita kong naghahabulan ang mga kapatid kong sina Bianca at Miguel.
Naningkit ang mga mata ko dahil ang buong akala ko'y na kidnap na sila. Yun pala, eh, nandito lang sila at nagkakasiyahan. Hindi na kidnap sina nanay!
Mabibilis ang mga hakbang na nilapitan ko sina Bianca at Miguel na hindi pa rin napapansin ang presensiya ko dahil patuloy lang sila sa paghaharutan.
"Bianca!" matigas ang tonong tawag ko sa kapatid ko.
Agad naman napatigil ang dalawa at nilingon ako. "Ate! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami rito."
"Ano'ng nangyari? Bakit bigla na lang kayong umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam? Pinag-alala niyo ako nang husto. Ang akala ko tuloy nakidnap na kayo," madramang saad ko na hindi napigilang yakapin ang dalawa kong kapatid.
"Na kidnap? Ba't mo naman naisip na kinidnap kami, ate?" takang tanong ni Bianca.
"Wala kasi kayo sa bahay. Saka nakita kong gulo-gulo 'yong damit natin sa kwarto," sabi ko.
"Ah, nagmamadali kasi ako kanina ate kasi sinisigawan na ako ni nanay kaya hablot na lang ako nang hablot ng damit sa cabinet natin," paliwanag ni Bianca.
"Saka ate, nagpaalam naman kami sa 'yo. Hindi ka lang nakikinig, eh. Or should I say, ayaw mo kaming pakinggan," ayon naman kay Miguel.
"Ha?" takang tanong ko sa dalawa kong kapatid.
"'Di ba, ilang beses ka na naming kinausap tungkol kay kuya Alden. Kaso ayaw mo namang makinig. Lagi mo kaming pinuputol sa pagsasalita o 'di kaya bigla kang nagwo-walk-out kapag binabanggit namin siya," pagpapatulog ng kapatid kong lalaki.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Bianca at hinarap sa isang cottage kung saan naroon si Alden, senyora Nidora at ang nanay ko. "Si kuya Alden ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon. Actually, birthday raw no'ng lola niya. Saka sinusubukan ka raw niyang tawagan pero laging nakapatay ang phone mo. Kaya 'yon, hindi na niya nasabi sa 'yon a ngayon ang balik niya rito sa 'tin kasama ang lola niya..."
Saktong pagkatapos magsalita ni Bianca ay nakita kong unti-unting naglalakad palapit sa amin si Alden. Nakahalukipkip ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng shorts na suot niya. Bigla namang kumaripas ulit ng takbo ang dalawa kong kapatid at nagpatuloy sa paghahabulan sa paikot ng pool.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (COMPLETED)
General FictionLove is not a thinking thing. It's a feeling thing. You don't have to think about it. You just have to feel it. -Alden to Meng This is a collaboration book with @iamaivanreigh :) Artwork by: @cgthreena