Prologue

16K 345 19
                                    

October 19, 1770, Vhan Dough City


HALOS hingal kabayo na ang lumabas sa bibig niya nang marating ang lugar kung saan ay maraming mga kagaya niya ang nagtatago. Puno nang takot ang nababakas sa mukha nila.

Marahas siyang napabuntong-hininga. Hindi niya gusto ang maging ganito sila. Na nagtatago na lang pag nagugutom na ang mga gustong humuli sa kanila.

Siya bilang isa sa mga namumuno sa lugar nila ay wala siyang magawa, pangkaraniwang tao lamang siyang na hindi gaya NILA. Na kayang kumitil nang buhay sa isang pitik lang.

Dahan dahan niyang inilibot ang paningin sa loob nang kuweba kung saan sila nang tatago. May nakita siyang mga bata na alam niyang impit ang iyak nang mga ito. Dahil na rin sa nararamdamang takot.

Lumaki ang mga ito na dala ang takot at pangamba. Survival in the other term. At gaya rin niya lumaki siyang ganun. They are the prey of those faggots. At wala silang magagawa doon. Mahina lamang sila. Napakamahina. Napailing na lamang siya.

"Filthy humans!"

"Humans are our foods!"

"Such weaklings!"

Napapikit siya nang mariin. Kailang pa matatapos ang ganitong sitwasyon? Biglang may narinig siyang sigawan sa unahan. At nanlaki ang mga mata nang makita ang mga nilalang napapasok sa loob.

Those eyes, those nose and those fangs and claws. Tila ba nanghina siya dahil doon. Kanya kanyang takbuhan ang mga tao. Wala nang pakialam ang mga tao kung saan man sila tatakbo. Basta ang tanging naiisip lamang niya ngayon ay siguradong walang matitira sa kanila.

Napaluhod siya. At tila wala sa sariling napatingin sa paligid. Halos bumaha na nang dugo sa loob nang kweba. May nakita siyang batang umiiyak at naglalaro ang edad nito sa tatlong taon at kitang kita rin niya kung paano dinakma ito at kinagat sa leeg.

Nangisay ang bata at tumirik ang mga mata nito. Biglang lumingon ang nilalang sa lugar kung nasaan siya. Lihim siyang napausal nang panalangin. This will be the end of Humanity. The judgement day!

Nakita niyang lumapit ang nilalang sa kanya at dahan dahan siyang iniangat nito. Nakita niyang ngumisi ito nang nang uuyam sa kanya at lumabas ang matatalas nitong pangil. Pumikit na lamang siya.

Vampires....


-----


A/N

Ayun! Hehehe try ko lang gumawa nang ganito. Echos! Sana magustuhan niyo! Muahugs!!


The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now