Chapter 22 - Fear

2.8K 112 0
                                    


Chapter 22 - Fear


KINAUMAGAHAN ay nagising si Kym na siya na lang mag isa sa loob ng silid na iyon. Nanaginip siya kagabi na nag pakita ang kapatid niyang babae sa kanya. Although hindi niya alam na may kapatid pala siya.

Sa loob ng panaginip niya ay hindi ito nag salita pero nginingitian lamang siya nito. At ramdam niya ang kaligayahan sa ngiti nito. Maging siya man ay masaya dahil may natuklasan siya sa kanyang pagkatao.

Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi at binundol siya ng kaba at kasabay nun ang pag kirot ng puso niya. Hindi niya maatim na kapatid pala siya ng dating sinisinta ni Leon na sa ngayon ay umibig na siya rito.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi dapat siya mag isip ng negatibo sa ngayon dahil alam naman niya at ramdam niya ang pagmamahal na ibinigay ni Leon sa kanya. At iyon ang pinanghahawakan niya ngayon.

But he was so hyprocrite if he didn't admit to his self na nasaksaktan din siya sa mga naiisip niya ngayon. Kahit ano pa gawin niyang iwaglit ang naglalaro sa isipan niya ay hindi niya kaya. Sumisigaw parin na minahal siya ng lalaki dahil kamukha sila ng kapatid niya.

Kumirot ang puso niya pag ka isip nun. And this time, he wasn't sure enough kung mahal talaga siya ng lalaki. Dahil naglalaro sa isipan niya ngayon na, Minahal nga ba siya ng lalaki? Minahal ba siya nito dahil magkamukhang magkamukha sila ng kapatid niya.

Watching his sister in his dream ay tila nanalamin lang siya, so naisip niya ang nakikita ni Leon sa kanya ay hindi siya kundi ang kapatid niya. Masakit mang aminin pero 'yun ang katutuhan.

But the way Leon touch and kiss him ay tila pinaparamdam nito ang kasiguraduhang mahal siya nito. Pero sa mga nalaman niya ay tila nag dadalawang isip na rin siya. Maraming what if's ang naglalaro sa isip niya.

Hindi na pala niya namalayang tumulo na ang luha niya. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa niya nalaman ang katutuhan kung sa punto ngayon ay hulog na hulog na ang loob niya sa lalaki. At hinding hindi siya makikipagtalik rito kung wala siyang nararamdam rito.

Tanga na siguro siya dahil nung una pa lang ay binalaan na siya ng instinct niya na huwag gamitin ang puso kundi ang isipan. Pero sino ba siya para hindi sundon ang puso niya. Leon Carlo is lethal. Mahuhulog talaga ang loob mo sa kanya.

At isa pa doon kung bakit kay dali lamang niyang nahulog rito dahil may mga sandali tila pamilyar sa kanya ang lahat. Pamilyar sa kanya ang amoy nito at ang init ng katawan nito. At kahapon lang niya napagtanto kung bakit lahat ng mga nakikita niya na may koneksyon rito ay dahil nasa kanya ang kapangyarihan ng kapatid niya.

"Ang unfair mo naman...," naisambit niya na tinutukoy ay ang kapatid niya.

"Ang unfair mo dahil sa lintek mong kapangyarihan ay kay dali lamang akong nahulog sa kanya." 

At doon siya napahikbi. And now he was afraid that Leon Carlo will be different. Na baka mag iba na ito ng pakikitungo sa kanya at maging malamig na ito dahil sa nalaman nito.

In deep thoughts tila tinalo ni Leon silang magkakapatid. At hindi niya kayang mawala ang lalaki sa kanya. Kahit na nga hindi niya pinapahalata masyado na may itinatangi siya rito pero alam niyang ramdam nito ang nararamdaman niya.

Pinahid niya ang luhang namalisbis sa pisngi niya at nagsimulang tumayo. Ilang sandali ay nakalabas siya ng kwarto at sa ngayon ay nasa pasilyo na siya. May nadadaanan siyang mga painting.

Painting iyon ng mga nakaraang namumuno sa palasyo. Naaliw siya sa katitingin dito kaya nawala bigla ang pasakit sa isipan niya.

"So, ito pala ang mga ninuno ni Leon. They we're all powerful and I sensed it," naiwika niya. Papaliko na siya at may napansin siyang napakalaking painting na nakadikit doon. Nakaharap ang painting sa malaki at magarbong sala.

Napahawak siya bigla sa kanyang dibdib dahil nakaramdam agad siya ng kirot doon. Nagbabadyang tutulo ang luha pero sumigok siya para hindi iyon tutulo.

"Not now ... please.." he whispered.

Inside of the painting is none other than Leon Carlo and his sister, Queen Andromeda. Makikita mo kung paano nila mahal ang isa't isa. They wore an expensive dress. Si Leon Carlo ay nakasuot ng itim na tux while his sister wore an elegance white long dress na may mga bids sa dulo at nagmukha itong dyosa.

Magkadikit ang mga ito na tila ba ayaw ng mga ito na magkahiwalay sila. Napansin niya rin na magkahawak kamay ang mga ito. They look so happy. Sa bandang baba ng painting ay may nabasa siya.

1634, King Leon Carlo Vhan Dough and Queen Andromeda Montegre Falcon, Wedding.

Nais niyang mapaiyak sa sandaling iyon, bakit pa nasasaktan siya? Eh kapatid naman niya iyan eh. Pero kahit anong motivate pa niya sa sarili ay sumasaksak sa isipan niya ang katotohanan na ang kapatid niya ang mahal ng lalaking mahal niya.

Kinasal nga diba ang mga ito, so ano pa ba ang hinihintay niya? Eh kahit nga ngayong millium days ay bisa parin ang kasal ng mga ito.

Doon lamang niya napansin ang bulaklak sa may paanan ng mga ito. Nasali rin pala ito sa painting. Medyo napangiti pa siya doon kahit na nga nagdadalamhati ang puso niya.

That was a red rose. Ang pinakapaborito niyang bulaklak sa buong mundo. Kahit na nasasaktan siya ay masaya naman dahil alam niyang pareho sila ng paboritong bulaklak ng kapatid kahit pa nga hindi niya nakilala ito pero ramdam niya. Lahat ng paborito at hindi paborito ay pareho sila.

Huling sulyap ay ngumiti siya at nakabuo ng pasya. Kahit na masakit ay gagawin parin niya dahil iyon naman ang nakakabuti.


******

Katanghalian ay nagpasya si Kym na lumabas at nagpahatid sa may garden. Kanina pa niya napag alaman na nasa meeting si Leon at hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nakikita kaya na bored siya at lumabas.

Naisip rin niya siguro iyon rin ang way ni Leon para makaiwas sa kanya. Siguro na guilt ito sa ginawa nito sa kanya. At sa isiping iyon ay gusto niyang umiyak.

Hindi na ba siya mahal nito dahil sa mga nalaman nito? Pero bakit? Hindi naman babalik ang kapatid niya ah. At nandito naman siya na handang gawin ang lahat. At katangahan na sigurong maisasabi na gagawin niya ang lahat kahit na nga ang nakikita ni Leon Carlo ay ang kapatid niya sa kanya.

Okay lang iyon sa kanya at handa siyang magsakripisyo. Hindi na niya namalayan dahil sa paglalakad ay nasa may malaking gate na pala siya. Napakunot noo siya dahil walang nakabantay sa malaking gate na iyon.

Naalala pa niya nung unang pumasok sila rito sa malaking gate ay wala rin siyang nakitang nakabantay. Kaya dahan dahan niyang nilapitan ang gate at pumunta sa isang maliit na tila labasan rin.

Nagmukha nga itong pinto. Hinawakan niya ito pagka abot niya. May nagsasabing huwag siyang lalabas pero may nagsasabi ring dapat ay lumabas siya.

Bumuntong hininga siya. At dahan dahang pinihit iyon. Hindi naka lock! Kaya ang ginawa niya'y binuksan iyon at dahan dahang lumabas.

Nang makalabas siya ay nanayo bigla ang balahibo niya. Ang lamig ng hangin na dumadampi sa katawan niya kaya napayakap siya bigla. Babalik na sana siya ng may biglang humawak sa braso niya. Hindi niya naramdaman ang presinsya nito kaya't marahas siyang napalingun rito at biglang nanlaki ang mga mata niya.

Matagal na niyang hindi nakikita ito.

"Drake!,"

"Kumusta?," ang nakangiting mukha nito ang nabungaran niya.


---


Iyan lang muna! Echos!

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now