Chapter 25.2 - All Hallow's Eve

2.8K 107 4
                                    


Chapter 25.2 - All Hallow's Eve


NANG makalabas na siya ng kwarto ay hindi niya mahanap si Leon Carlo. Pero naramdaman naman niya ang presinsya nito na papalapit sa kanya.

Lumingon siya sa may kaliwa at hinintay niya itong lumabas sa pasilyong iyon. Sumilay agad ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang maaliwalas na mukha nito.

Hindi pa nga siya nakapagsalita ay agad nitong hinawakan ang kamay niya at dahan dahang pinalapit sa katawan nito at niyakap siya kasabay noon ang paghalik nito.

Pinamulahan naman siya ng mukha kahit na nga walang nakatingin sa kanila. Tiningnan niya ito sa mga mata and there he saw the emotions that can melt his heart.

"What time is it?" tanong niya rito kapagkuwan.

Hinalikan muna nito ang noo niya bago siya nito sagutin. "It's 8 in the evening,"

Nagsimula na silang maglakad pababa at hindi niya maiwasang magtaka dahil paroo't parito ang mga nakikita niyang nilalang sa loob ng napakalaking palasyo.

"Anong nangyayari?"

"It's hallow's Eve," simpleng sagot nito.

Hawak pa rin nito ang kamay niya naramdaman niyang pinisil nito iyon. Napansin niya rin na parang may gaganaping piging sa loob ng palasyo dahil ang lahat ng mga katiwala ay hindi mag kamayaw sa pag tatrabaho.

"Means?"

Inakbayan siya nito at masuyong hinalikan ang kanyang ulo bago siya nito sinagot.

"Ang hallow's eve ay nangyayari lamang sa loob ng anim na taon. Nangyayari ito kapag red moon ibig sabihin lahat ng nilalang dito sa mundo ay mas lumakas ang kanilang kapangyarihan. Like what you feel right now. Kahit hindi mo sabihin sakin pero ramdam mo rin iyon. Your senses is the right evidence."

Nginitian siya nito. Kaya ang ginawa niya'y napatango siya. Kaya pala ganun na lamang ang mga nararamdaman niya. Lahat ng mga nilalang dito sa palasyo ay ramdam niya ang palakas na palakas ng kapangyarihan ng mga ito.

And because of the what so called hallow's eve or the red moon. Nakarating na sila sa malaking salas ng palasyo ng hindi niya namalayan dahil lutang ang kanyang isipan sa kakaisip sa red moon. Parang na eexcite siya sa gaganaping piging mamayang hating gabi.

Naramdaman agad niya ang malakas na presinsya sa loob ng malaking sala na iyon kaya't napatingin siya sa nakaupong tatlong tao doon. Kilala niya ang mga ito basi sa mukha pero sa mga pangalan ay hindi. Ang tatlong ito ay kabilang sa hybrid council.

Nang makita sila ng mga ito ay bigla itong tumayo at sabay sabay na yumukod sa kanilang harapan. Napansin niyang panay ang tingin ng lalaki sa kanya pero palihim lamang iyon. Pero dahil sa taglay niyang kapangyarihan ay napansin niya iyon.

"Lord Leon," untag nung lalaking panay ang nakaw tingin sa kanya.

Tumingin naman si Leon rito at hinigit siya nito sa tabi nito. Naramdaman siguro nito na ang pagtingin ng lalaking nag salita.

"Duke," wika ni Leon. Tiningnan niya ito. Napakapormal ang mukhang ginamit ng huli. Ang ginawa niya'y inilingkis niya ang kamay patungo sa mamasel nitong braso.

Napatingin ito sa kanya at ngumiti. And Kym melted. Ang gwapo talaga nitong ngumiti. Napatingin agad siya sa mapupulang labi nito. Gustong gusto niyang halikan ito.

"Later," anas ni Leon na tila ba nabasa nito ang nasa isip niya. Pinamulahan naman siya ng mukha.

"Report," agad na sabi ni leon pagka upo nila sa isang silya.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now