Chapter 40

2K 74 7
                                    


Author's note:

Every chapter hindi na ako maglalagay ng mga subtitle. Only plain chapters kemerot na lamang.

Again nagbigay naman ako ng big twist. Maging ako na excite. Dito ko na talaga nilagay sa taas na bahagi ang author's note kahit na nga lalampasan niyo lang ito.

Hahaha! At isa pa wala akong plot I let my hands do the move hehe. May nag message kasi.

At isa pa sa tinagal kong nag update eh may ilang scene na nakalimutan na ako. Tinamad na ring mag back read haha.

Ang hirap palang pag aksyon ang story. At sa sinabi ko nga may chapters na tapos na ako at ang ginagawa ko na lang ay mag lagay ng author's note.

A big big twist talaga ito mga besh. I miss you all.

Comments and votes lang po okay na ako.

Warning : This chapter is unedited.

Chapter 40

KYM MONTECARLO

MATAPOS nilang kumain sa labas ni Randolf na puro harutan lang naman ay bumalik na agad sila sa opisina.

Lulan ng kotse ng lalaki ay biglang nagtanong si Kym.

"Sino sa mga aplikante ang napipisil mo sa kanila?"

"Hmm... Lahat naman sila ay may magagandang records eh. Pero mas natuon ang atensyon ko sa isang iyon. Ang ganda kasing magsalita. Halatang ang talino. May pagka bossy nga eh. Pati ako ay nadala."

Napataas ang kilay niya. "May tumalo na pala sa pagiging bossy mo?"

Napakamot ito ng ulo. "Siguro pero ramdam ko talagang magiging asset natin siya. Kaya nga agad agad ko siyang tinanggap"

"Hmm. I believe in you, Randolf"

"Pero hindi sa pagiging HR ko siya ipinasok."

Nagtatanong ang matang tiningnan niya ito.

"At ano naman?"

"Basi sa record nito. May hinawakan na pala itong business na sa kasamaang palad ay nalugi dahil nga nagkasakit umano ang ama nito at hindi na niya denetalye ang lahat. Lahat ng mga mahihirap na tanong ay nasasagot niya agad. May sense of command siya kaya ibinigay ko sa kanya ang posisyong assistant to the CEO"

Napatitig siya husto rito. "Assistant ko pa talaga?"

"Oo, dahil alam ko na makakatulong siya sayo."

"Hmm. Di na kita kokontrahin diyan. We will look what comes next. Kailan pala siya mag sisimula?"

"Tomorrow."

Tumango tango na lamang siya. Naisip niya rin kasi na mukhang makakatulong naman ang magiging bagong assistant niya dahil aminin man niya hindi pa siya masyadong hasa when it comes to running a business na isa pa'y tiwalang tiwala ang abuela niya sa kanya.

"Don't worry. Mukhang mabait naman 'yung kinuha ko. Pero isa lang ang nakakaba sa akin."

"At ano naman iyon? Sabi mo nga'y mabait siya."

"Oo, given na 'yan. Pero natatakot ako na baka magka... Magka g-gusto ka sa kanya."

Napapantastikuhang napatingin siya dito at biglang natawa na ikinasimangot nito.

"You sounded like a jealous boyfriend"

Nakita niyang napayuko ito na tila ba nahihiya sa kanya. At hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na may pagtingin ito sa kanya.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now