Chapter - 8 - Vhan Dough's Mansion

3.9K 181 1
                                    


CHAPTER - 8 - VHAN DOUGH'S MANSION

KINAUMAGAHAN ay pumanaog na si kym galing sa kwarto patango sa kusina. Nag inat inat pa siya habang naglalakad.

Pagkaabot niya sa kusina ay hindi na siya nagulat na makita ang abuela na nakaupo sa isang silya at nagkakape.

Nginitian siya nito at ikinumpas ang isang kamay. Dictating that she wants Kym to sit infront of him.

"Morning lola" nakangiting bati niya dito at umupo sa katapat nito.

Nakita niya agad si helda na papasok at may dalang kape at tinapay. Nginitian niya ito.

"Salamat po"

"Good morning din apo. Kumusta naman ang tulog mo? Maayos ba? Iyong kama mo okey lang ba? O baka gusto mong papalitan natin" sunod-sunod na tanong nito na ikinatawa niya.

"Naku lola okey na okey po. At wala pong dapat palitan sa kama. Komportable nga akong mahiga doon." Aniya na ininom ang kape.

"Salamat naman. Kung may kailangan ka apo. Hwag kang mahihiyang isabi sa akin ha?"

"Opo lola" aniya na hindi parin nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

He feels fullfillness. Masaya siya dahil alam niyang hindi na siya mag iisa.

Ilang minuto rin ang nakalipas ay tumayo ang abuela niya at nagpaalam na lumabas. Sinundan lamang niya ito nang tingin at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Home made bake po ba itong tinapay aling helda?"

Pagkuway tanong niya sa babaeng nakaupo sa gilid niya na kasalukuyang kumakain na rin. Masarap kasi ang tinapay. At gustong gusto niya ang lasa.

"Oo kym. Si senyora ang nagluto niyan kanina."

Maging ito ay nag iba ang aura at ramdam niya iyon. Masaya rin ito sa pagdating nang senyora. At matapos kumain ay napagpasyahan niyang lumabas ng mansyon.

Sisimulan na niya ang pagiimbestiga. Pero bigla siyang natigilan. At para saan pa? Eh alam naman niya ang mga klase nang nilalang dito. Maging ang lola niya? The information he needed is purely established. Nandito na nga abot kamay na niya.

Saka na lang. Magliliwaliw na lang ako. Treat ko sa sarili ko sa mahabang panahong subsub sa trabaho.

At sa isiping iyon ay napangiti siya. Gusto niyang maglibot sa mansyon at iyon ang ginawa niya.

NAKAABOT siya sa likod bahay at natagpuan niya ang maliit na garden doon. Napangiti siya nang makita ang mga rosas.

Ang pupula nang mga iyon kaya naaliw siyang tingnan ang mga iyon at hindi niya mapigilang hawakan ang isang rosas.

"This rose seems the most outstanding of all. Hmm"

Lumuhod siya para amoyin iyon kahit na nga hindi gaanong mabango. Hinawakan niya ang stem nang rose para putulin iyon.

Pero paghawak pa lang niya'y may nasagi siya tinik. At napa aray agad siya.

"What the!" Aniya na napatayo.

Pero bigla siyang natigilan. Kasabay nun ang pag ihip nang hangin. Nakakapanindig balahibo ang dampi nang hangin sa balat niya.

Napalingun siya sa likuran niya kung saan halos kita na niya ang mansyon nang mga Dough. Tila may narinig siyang ungol doon.

Doon lang niya napagtantong halos tumutulo na pala ang dugo niya. Napangiwi siya at dinala ang hintuturo sa labi at sinipsip iyon.

"Next time be careful. Yout blood scent is so temptating"

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now