Chapter 36 - War pt. 2

2.2K 80 28
                                    

Note : hi ! Kumusta? Medyo natagalan ang pag Update nuh? Hindi niyo kasi hinahikayat si author. Hehehe


Palaging, "Next chapter na po pls" o di kaya "San na po ang kasunod" dapat sana ay, "Ang ganda niyo talaga author next na please." "Hala ang ganda ng flow at magandang maganda kayo author next na ha?"  "Maganda talaga po ikaw author ay.. Next na nga"


Mga ganun! Haha di yung mga common comments lang hahaha.


Warning : This chapter is unedited.


Chapter 36 - War pt.2



Junmar tarona



NAKITA niya kung paano namatay sa kamay ng master niya ang isa sa mga malalakas na hukbo ni Dementeryo. At kilala niya ang babaeng sa ngayon ay unti unting naging abo.


Si Queen of Pain. Isa ito sa pinakamalakas na Reyna noong panahon ng mga summerian. Hindi niya lubos maisip na binuhay pa talaga ni Dementeryo ang isa ito. At sa ngayon nag lalaro sa isipan niya kung sino pa ang binuhay nito.


"Vandelbosh!" Pagka cast niya ng spell ay lumabas ang isang nilalang galing sa underworld. He was a summoner by the way. He can call a deadly monster inside the underworld at gawin siyang amo nito.


The creature was in his human form. Ito ang isa sa mga bagong tuklas niyang kapangyarihan. Summon a creature in the underworld dahil noon tanging simple lang na mga nilalang ang natatawag niya.


But now he was capable enough to call a legendary creature. Hindi nga lang siya handa at sanay. He sighed. Medyo madaming enerhiya ang nawala sa kanya matapos niya itong tawagin ah.


The creature glanced at him with a fierce eyes. Medyo kinilabutan siya. This creature was powerful at ramdam niya iyon.


"Ikaw ba ang tumawag sa akin?" Baritono ang tinig nito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. At kitang kita niya kung paano ito ngumisi.


Bigla siyang napanguso. Hindi niya gusto ang pagkakangisi nito. At humalukipkip pa siya dahil mas lalo itong napanguso.


"Ako nga at wala ng iba. Gawin mo ang gusto kong gawin at kinakailangan ko ang tulong mo ngayon. Look, we are in chaos,"

Nakita niyang nag iba ang reaksyon sa mukha nito. Pero sandali lamang iyon. At bumalik ang ngisi sa labi nito.

"What if I dont?"


"What if you dont?," nag smile pa siya kapagkuwa'y. "I'm a summoner and you know what I can do to you,"


Yes he is. May alas siya dahil bilang isang summoner kaya niyang itali sa leeg ang isang ito. Kahit na nga malakas ito at mas malakas pa rin siya.


Paglabas pa lang nito ay naging master na siya nito. Kaya wala na itong magagawa pa kundi ang sumang ayon.


Nakita niyang kumuyom ang kamao nito. And he feel the unsteady aura of him. Lihim siyang napangiwi.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now