Chapter 16 - The Stranger

3.4K 126 0
                                    


Chapter 15 - The Stranger


Nagmulat nang mga mata si Kym nang tila naramdaman niyang may tumititig sa kanya.

Pagkabukas pa lang ng mata niya ay nakita niya agad ang nakangiting gwapong mukha ni Leon Carlo. Parang may humaplos na malamig na kamay sa puso niya pagkakita rito.

Pero pinamulahan agad siya ng mukha 'nung maalala niya ang nangyari kagabi. At narinig naman niyang humagikgik ito.

"You're too cute when you are blushing, honey." anito na magaan siyang hinalikan sa noo.

"Ikaw naman kasi eh," aniya na nahihiyang nakatingin rito.

"Oh, bakit ako?,"

"Your stare makes me...shiver," aniya na di makatingin dito.

Ginulo nito ang buhok niya kaya napasimangot siya. "Halika na alam kong gutom ka na kaya,"

tumango siya at inalalayan siya nitong tumayo. Pero akmang tatayo pa lang siya ay bigla siyang napangiwi.

"What happen?," nag aalalang tanong nito sa kanya.

Eh kasi naman biglang sumakit 'yung ano niya. Iyong butas niya. Hindi siya umimik dahil doon pero ang mokong na ito bigla na lamang tumawa.

Kaya mahina niya itong hinampas sa balikat.

"At may gana ka pang tumawa sa ginawa mo!," singhal niya rito.

"Hon, 'di ko naman kasalan iyon eh. Sadyang pinagpala lang talaga ako at nabiyayaan ng malaking..." tumaas baba ang kilay nito.

"Bastos!," hinampas naman niya ito. Samantalang tawa ng tawa lang ito.

Lihim niya itong napagmasdan habang tumawa tawa ito. He love the way he laugh. At napagtanto niya na pag nawala ito sa kanya ay tila wala na ring silbi ang buhay niya.

Kaya hanggang nandito pa siya sa tabi nito ay gagawin niya ang lahat para lang hindi mawala ang saya na bumalatay sa mukha nito.

"I love you.....," He whispered.

KANINA pa umalis si Leon at nagpaalam itong may gagawing importanteng trabaho. Nagmamadali ito kaya hindi na niya natanong kung ano iyon.

Pero bago ito umalis ay humalik pa ito sa kanya at sinabihan siyang mag iingat. Kaya ayun siya na lang dito sa napaka laking mansyon.

Eh may mansyon naman din sila eh. Hindi nga lang malayo rito. Inilahad na niya iyon kay Leon pero ayon dito mas ligtas siya sa Mansyon nito kaysa sa kanila.

Na totoo naman dahil nung pumunta siya doon ay tila wala na ngang nakatira doon maliban sa care taker nila. Kaya ang ginawa niya ay pumunta sa veranda at tinanaw ang mansyon ng kanyang abuela.

Huminga siya ng malalim at sinamhoy ang natural na hanging pang umaga. Ilang minuto din siyang nakatunganga doon kaya napagdisisyonan niyang lumabas ng mansyon.

Dala ang lumang sasakyan sa garahe ay tinalunton niya ang daan patungong bayan. Nasa kahabaan na siya ng daan at nadaanan niya ang mansyon nila. Binagalan niya ang pagpapatakbo noon dahil tila may nakita siyang kung ano sa loob ng mansyon ng abuela niya kaya't bigla niyang itinigil ang sasakyan.

Sinipat niyang mabuti ang mansyon at ilang sandali pa'y may lumabas na lalaki doon. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Iyung care taker lang pala nila. Kaya pinasibad na niya ang sasakyan.

Ilang minuto na rin siyang sakay ng sasakyan at nasa kahabaan na siya ng kakahuyan. Kinuha niya ang cellphone niya sa dashboard para sana magpatugtug ng musika nang biglang may dumaan na kung ano sa harapan niya kaya't bigla siyang napapero na wala sa oras.

"Shit!," naiwika niya. Ilang sandali siyang nakatanga at dali daling lumabas ng sasakyan dahil kita niya kung ano iyong biglang dumaan.

Tao iyon. Alam niya kaya paglabas palang niya ng sasakyan ay nakita niya agad na may lalaking nakabulagta sa daan. Hindi naman niya ito nasagasaan pero dahil sa suot nitong itim na jacket ay nakita niya na naliligo ito sa sariling dugo nito.

Kinakabahang nilapitan niya ito. "Kuya!," tawag pansin niya dito.

At nakita niyang dahan dahang gumalaw ito. "Ayos ka lang po ba kuya?,"

Dahan dahan itong lumingon sa kanya. At ang unang napansin niya ay ang mata nito na kulay blue. Parang pamilyar sa kanya ang kulay ng mata nito.

Ngumiti pa ito sa kanya na tila ba kilala siya nito. "Ayos lang ako,"

Inilalayan niya itong tumayo kahit na nga may dugo sa mga damit nito. Itatapon na lamang niya itong damit na sout niya para hindi malaman ni Leon iyon.

"Anong nangyari sayo, bakit ang daming dugo sa katawan mo," Napasulyap siya sa balikat nito. Parang daan iyon na napakatulis na kuku at ngayon ay nangingitim na iyon.

"Gusto mo dalhin na kita sa hospital?," mungkahi niya rito pero ngumiti lang ito sa kanya.

"Maraming salamat na lang, pero nagmamadali kasi ako eh."

At iyon nga dali dali itong sumuot sa kasukalan. Pero bago pa ito nawala sa paningin niya ay may huli itong sinabi sa kanya na kanyang ikinagitla.

"Totoo nga ang sabi nila. Nandito ka na," wika nito na sumulyap pa sa kanya at ngumiti ng may pagkamisteryo.

"Anong pinagsasabi m---,"

Hindi na niya naituloy pa ang dapat sabihin dahil dali dali na itong tumakbo papasok sa kagubatan. At naiwan siyang naguguluhan. Anong pinagsasabi nito? Hindi niya makuha iyon.

---

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now