Chapter 38 - War pt.3

1.9K 69 2
                                    

Author's Note

Salamat sa paghihintay ng kabanatang ito. And I hope hindi ito sabaw sa mga panlasa niyo hehehe. Basta nag update lang ako at sinunud ko lang ang nais ng utak at kamay ko. Hehehe!

Warning: This chapter is unedited. Please be aware.

Chapter 38 - War pt.3 

Kym MonterCarlo

ANG puti. Napakaputi, na tila ba hindi na siya makita pa ng maayos. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Napakalamig, na tila ba nakababad siya sa malamig na malamig na tubig. At ang lamig na iyon ay nagdudulot ng kagalakan at kaginhawaan sa kanyang katawan.

Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Naninigas ito at ramdam niyang parang may ibinalot na kakaiba sa kanyang katawan. Pero gusto gusto niya ang kapayapaan na dulot noon. Lihim siyang napangiti ng mapagtantong nasa tubig talaga siya.

Iniisip niya ang huling mga pangyayari sa kanya. Igininalaw niya ang kanyang kamay pero hindi niya iyon maigalaw pati ang pagmulat ng kanyang mga mata ay ganoon din. Doon lang niya napagtanto ang lahat lahat.

Dementeryo!

Lihim siyang napasinghap. Ang huling naalala niya ay ang pag engkwentro nila ng isang demenyo na nagngangalang Dementeryo Lucio. Nasa panaginip siya ng lalaki at nais nitong kunin ang kanyang katawan na kalaunan ay napagtagumpayan naman nito.

Ang buong akala niya talaga ay patay na siya pero tingnan mo nga naman ay may lahing pusa pala siya. Tulad ngayon, ramdam niya ang agos ng tubig sa buo niyang katawan ngunit hindi naman siya nakakagalaw ng maayos na tila ba silyado lahat ng mga ugat sa katawan niya.

Pero nakakahinga naman siya. Gustong gusto na niyang makawala sa tubig na ito. At sa bagay na bumabalot sa kanyang katawan. Pumikit siya ng husto. Pinakiramdaman ang sariling lakas. Lihim siyang napangiti dahil sa kanyang nadama. Nandoon pa rin ang kanyang lakas pero tila ba nalilimitahan lang iyon.

Kasabay noon na tila biglang nag flash sa utak ang mukha ng isang lalaki. Isang lalaki na malapit sa puso niya. Nangiti siya ng mapait. Aaminin man niya ay namimiss na niya ito. At hindi niya alam kong ilang araw  o buwan na siyang ganito.

Leon...



Leon Carlo Vhan Dough

INILIBOT niya ang kanyang paningin at pinakinakiramdaman ang paligid. Kanina pa niya ito nahahalata na tila lumalakas ang mga Reaper. Hindi siya nagkakamali sa kanyang instinct at kailan man ay hindi.

Luminga siya sa bandang kanan niya at tumingin sa madilim na kagubatan. Nasa likod iyon ng kanyang Mansyon. Sa may kwadra. Nararamdaman niya ang kakaibang aura doon na tila ba sumasabay sa ihip ng hangin kaya't hindi mo agad mapapansin kung saan ito nanggagaling pati na nga ang kakaibang aura nito ay hindi mo mararamdaman.

This one is good in hiding at sigurado siyang hindi ito basta basta. The way it uses the spell ay alam na niya kung anong klaseng salamangka meron ito. Dali dali siyang tumungo doon.

Nang makalapit na siya sa kwadra ng mga kabayo na sa ngayon ay ni isang kabayo ay wala na doon dahil pati ang mga iyon ay inilikas nila ay naramdaman agad niya ang aura ng nilalang na naririto.

"Lumabas ka sa pinagtatagoan mo," untag niya.

Biglang nawala ang aura na kanina lamang ay damang dama niya. At doon na siya napangisi ng tuluyan. Even if this creature is good in hiding and support the comrades ay hindi parin ito nakatakas sa kanya. Maling mali na ang pagpapawala nito ng aura. And being the supreme hybrid ay mas mapapadali lamang sa kanya iyon.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now