Chapter 24 - Draken's Clan

2.7K 111 10
                                    


Chapter 24 - Draken's Clan


MGA ilang minuto rin ang lumipas ay naramdaman agad ni Kym na huminto ang karwahi. Napatingin siya kay Drake na nag patiuna ng lumabas at sumunod naman agad siya.

Nakayuko siya papalabas ng karwahe at pagka apak na pag ka apak pa lang ng paa niya sa lupa ay natigilan siya at biglang nag angat ng ulo at tumingin sa paligid. Nanlaki ang mga mata.

"What happen here?,"

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. This place was totally a mess. Ito ba ang Drake's Clan? But what happen to this place na tila wala ng mga mamayang naninirahan dito. Puro hamog na lamang ang nakikita niya at ang mga bahay? They are all gone pero may nakita siya sa di kalayuan. May mga bahay na sira sira na.

"Two weeks ago. The Rouge werewolves found our place and we are not ready yet. Hindi namin napaghandaan iyon kaya marami ang nasawi sa digmaan." mahinang wika nito.

Ramdam niya ang hinagpis sa boses nito and he can't blame him. He is the Alpha of the pack at nakaatang sa kanya ang mga responsibilidad para sa kaligtasan ng mamayaman. Siguro nasa isip at puso ngayon ni Drake na kasalanan nito ang lahat dahil sa kapabayaan nito.

Kym didn't utter a word. Mamaya na lamang niya ito kakausapin hingil sa mga nangyari sa lugar na ito. Ang sa ngayon lang nama'y matulungan niya ito.

Iginaya siya nito papasok sa kasukalan. May nakikita rin siyang mga dugo na nagkalat sa daan pati na sa semento ng bahay. Sanay na siyang makakita ng dugo kaya tila normal na lamang ito para sa kanya.

Pero sa puntong ito, labanan iyon ng mga ibang angkan. "Drake," tawag pansin niya rito.

Lumingon ito sa kanya at hindi parin ito huminto sa paglalakad habang hawak nito ang kamay niya.

"Kahit na hindi ko alam kung ano ang paitutulong ko sa iyo, sa inyo ay gagawin ko ang lahat para makatulong lang," mahina pero dinig na dinig iyon ni Drake.

Drake smiled at Kym. Sa loob loob nito. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay naging nobyo na niya ito. 

"Salamat,"

Hindi na lamang umimik si Kym at itinuon ang tingin sa daan. Ilang metro din ang layo ng kanilang nilakad ay may nakita siya tatlong lalaki na nakatayo malapit sa napakalaking puno. Napakunot ang noo niya dahil hindi lamang iyon basta basta puno.

It was a fortress. Nakita niyang lumapit ang tatlo sa kanila.

"Pinuno," wika ng isa at tinanguan lamang ito ni Drake.

Nakita niyang tiningnan siya ng tatlo. Puno ng kasiyahan ang bumalatay sa mukha ng mga ito. 

"Nandito na siya," 

Rinig niyang sabi ng isa pagkapasok nila sa malaking pinto ng puno. Nag paiwan naman ang tatlo sa labas para magbantay. Pero bago pa man siya nakapasok sa loob ay may nakita siyang mangilan ngilang mga nagbabantay sa labas hindi kalayuan dito.

Kaya nakahinga siya ng maluwang. Pagkapasok nila sa loob ang tumambad sa kanya ang mangilan ngilang mga tao sa loob. Maingay ang mga ito pero ng tila maayos siya ng mga ito ay sabay na nagsilingun at nagsitahimik ang mata ito.

Ito na siguro ang mamamayan ng Draken's Clan. At base sa ekspresyon ng mga mukha ng mga ito ay kaparehas ng nasa labas. Kasiyahan.

"Siya na ba iyan?."

"Kamukha niya talaga si Andromeda,"

"Oo, dahil kapatid siya nito. Pero ramdam ko ang lakas niya,"

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now