CHAPTER 5 - THE LUISA'S ANCESTRAL HOUSE

4.5K 186 4
                                    


CHAPTER 5 - THE LUISA'S ANCESTRAL HOUSE

"SALAMAT po"

Kunot noong ibinigay niya ang bayad sa matandang lalaking na kanina pa hindi mapakali.

Naalala niya kanina nang pumara siya ng sasakyan para magpahatid at sabihin niya kung saan siya magpapahatid ay kantodo iling ang mga driver.

Hindi na nga niya mabilang ang mga driver na humindi sa kanya at naiinis na siya dahil doon. And raming wierd na tao dito sa lugar na ito. Gusto niyang pagsasampalin ang driver na tila tanga sa kakailing.

Buti na lang at merong naglakas loob na ihatid siya. Dahil lang din sa malaking ibinayad niya. At sa ibinayad niya mukhang maghihirap siya sa loob ng isang linggo.

Pagkabayad ay dali daling umalis sa lugar na iyon ang matandang driver.

Ang weird niyo po. Promise!

He rolled his eyes then change his attention to the ancestral house of his great grand father Rodulf Luisa. Who died in his late 80's. At hindi niya alam na kung bakit namatay ito.

Maliit pa lang siya nang makita niya ito. He thinks he was eight by then. At pinagbakasyon siya ng ina dito sa bahay na ito.

Watching the old house makes his heart go beat faster. Malaki nga ang bahay na ito dahil noong maliit pa siya hindi niya iyon pinagtutuunan ng pansin.

Mukhang isa sa mga mayayaman ang lolo ko ah.

Luminga linga siya and he discovered that it wasnt a street nor a subdivision. Nagmistulang bukirin iyon dahil nasa labas iyon ng syudad.

Lihim siyang napabuntong hininga. Hindi niya iyon napansin kanina. Ang akala pa naman niyay may mga kapitbahay siya pero ni isa ay wala!

No he was wrong. Meron pala. A few meters away may nakita siyang napakalaking bahay. Err it was a mansion by the way. Triple ang laki ng bahay ng lolo niya ang mansyon na iyon.

At nadiskobrehan niyang ito at ang bahay ng lolo niya lang ang nakatirik na bahay sa lugar na iyon.

The caretaker must be an effecient one. Hmm look at this place tila hindi naman pinaglipasan ng panahon.

Napangiti siya. At nagsimulang pumasok sa loob with his spare key. Pagpihit niya sa seradora ay nakaramdam siya ng tila may nakatingin sa kanya.

Nagpalinga linga siya. He feels strange. Someone is looking at him. Hindi siya kinakabahan kundi parang gusto niyang tingnan siya nito at makita rin ito.

Iniwan niya sa pinto ang bagahe niya at lumabas ng gate. It looks like he was magnet by something at hindi siya mapakali. Nag init ang buong katawan niya.

What happen to me? For all those years I dont feel this kind of feeling! Symptoms ba ito sa pagiging extended virgin ko? O sa pagiging loveless ko this past few years?

Nagpalinga linga siya. Ramdam niya ang kakaibang titig nito. Napalingon siya sa hindi kalayuang mansyon. And there! Hindi siya siguradong kung doon iyon nang galing but his instinct telling him that someone out there was looking at him

Biglang nawala ang pag iinit ng katawan niya at nagsimula siyang manghina. Nakaramdam din siya nang panghihina. Kaya napahawak siya sa gate.

I'm sorry. I cant help it. I'm so sorry ... kym.

Nanlaki ang kanyang mga mata. May kumakausap sa kanya! For christ's sake! Sa nang hihinang paningin ay lumingon siya sa mansyon.

Kinilabutan siya bigla. Hindi lang pala mga werewolves ang mga nandito meron din palang mga magic magic dito.

And I didnt inform this. Mga may mahika pala ang mga tao dito.

Nagsimula na siyang pumasok sa loob at unti unting pumasok sa nakabukas na na pinto.

"Ikaw po ba si senyorito Kym?"

Napalingon siya sa nagsalita. Kunot noong tiningnan niya ito. Infront of him was an old lady at naglalaro ang edad nito sa 50's.

Tumango siya sabay ngiti. "Ako nga po"

Ngumiti din ito. "Ako nga wala si helda. Caretaker nang mansyon ng mga luisa. Hindi ka lang naman po nagpasabi na uuwi ka senyorito."

At lumapit ito sa kanya. At kinuha ang bagahe niya. Nag protesta siya pero mapilit ito kayat sinundan na lamang niya ito.

"Matagal na ding walang nakakabisita dito sa mansyon senyorito."

Umpisa nito. Habang siyay luminga linga. May nakikita siyang mga painting sa itaas na bahagi ng mansyon meron din sa mga dingding. At may napansin rin siyang painting sa may sala kaya napahinto siya maging si helda ay ganun din.

"Lolo...." naisatinig niya at nagsimulang lumapit sa painting.

Sigurado siyang napakamahusay na pintor ang gumuhit sa painting ng lolo niya. Tila digital camera o dslr ang gamit niyon kung hindi niya lang nakita ang perma sa may bandang ibaba ng painting.

"Hindi mo kamukha ang lolo mo sinyorito kundi ang lola victoria mo" sabi ni helda.

Napalingun siya dito. Nagtataka dahil kahit kailan ay hindi niya nasilayan ang mukha ng lola niya.

Ngumiti ito. "Mukhang babae po kayo. Kung sa nagdamit babae kayoy mapagkakamalan talaga pero panglalaki ang suot niyo eh"

Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Oo nga at bakla siya pero hindi siya crossed dress.

"Halika senyorito nandito ang painting ni senyora victoria catirina luisana" at iginaya siya nito sa isa pang painting.

Tila espesyal iyon na lugar. Sa may bandang kusina na. Napakalinis ng mansyon at alagang alaga. Gusto niyang pasalamatan ito dahil sa trabaho nito na napaka successful.

Biglang tumuon ang mata niya sa isang painting. Nakaframe ito at nakadikit sa dingding. Sa kaliwat kanang gilid nang painting ay may mga ulo ng usa. Mga preserve iyon na ulo ng usa na sa unang tingin moy tila buhay na buhay.

Nanigas siya pagkakita sa painting nang malapitan. He cant believe what he was seeing now.

"I cant believe this.."

Narinig niyang humagikgik ito. "Kamukhang kamukha niyo po siya senyorito"

Dahan dahan siyang tumango. Hindi parin siya makapaniwala. At ngayon alam na niya kung bakit gustong gusto siya ng lolo niya. At bakit palagi siyang pinapadalhan niti ng kung ano ano.

Nagtigil lang iyon ng mamatay ito at hindi pa siya nakapunta dahil nasa ibang bansa siya noon. He loves his grandfather by the way. Nag iisang apo lang kasi siya.

Pinagmasdan niya ang mukha ng abuela. May pagkakaiba sa kanila. His late grandmother face was full of confidence and authority. Tila ang lakas nito. Magkamukhang magkamukha talaga sila.

"Tara na po senyorito?"

"Pasensya na. Sige po"

At iginaya siya nito sa magiging kwarto niya. At sa huling sandali ay nilingun niya ang painting. May nakita siyang nakaukit doon sa may bandang ibaba.

Kym.

Gusto niyang balikan iyon pero biglang naglaho iyon.

This world full of weirdness. And I am ready to discover it. Thanks for Drake.

---

Thanks :)

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now