Chapter 14 - The Kiss

3.9K 136 7
                                    


Chapter 14 - The Kiss

NAGISING si Kym na medyo masakit parin ang kanyang ulo. Wala sa sariling hinilot niya ang kanyang sintido.

Medyo blurry ang kanyang paningin ng ilang segundo. Maya-maya pa'y naging malinaw na iyon at iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid.

"Binalik na naman ako dito?," sambit niya sa sarili.

Nag iisa lamang siya rito sa silid at nagawa niyang mag isip-isip. At ngayon lamang niya napagtanto ang mga pangyayaring naganap sa buhay niya.

Noong una ay nais lamang niyang mag imbistiga sa lugar na ito dahil sa kanyang kuryusidad. Gusto niyang malaman kung ano ang bumabalot sa lugar na ito.

Ang hindi niya alam ay maging siya mismo ang tumuklas sa kanyang pag katao. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

Oo, noon ay tila nalilito pa siya. Hindi niya maabsorb lahat ng mga detalye na nalalaman niya dahil nga kapag ka inintindi niya agad ang mga impormasyong nakuha niya sumasakit ang ulo niya.

Masakit na masakit na tila ba nabibiyak iyon pag pinilit pa niya. Lahat kasi ng mga nakikita niya rito sa Vhan Dough hindi lamang sa lugar na ito maging ang mansyon.

Lahat ay napakapamilyar sa kanya na tila ba nakita at nasilayan na niya ito noon pa. Pilit man niyang intindihin iyon pero kusang sumisiksik sa kanya ang mga impormasyon at isa isang naging malinaw sa kanya ang lahat.

Bumuntong hininga siya. May mga bagay parin na hindi malinaw sa kanya at alam niya na kailangan niya ng ilang panahon upang maging mas malinaw at malaman niya ang katotohanan.

Akala niya kilala na niya ang kanyang sarili. Na talagang pinanganak siya sa Cleam City at isang normal na tao. At isang batikang jornalista. Pero hindi pala. Sa mismong lugar na ito ay nalaman niya ang katotohanan.

Iyong Great Grand Mother niya na akala niya'y patay na pero hindi pa pala? Iyon ang mas naging malaking impact sa buhay niya na that his Great GrandMother is a Hybrid Vampire. At maging siya'y may dugong hybrid din.

Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Normal pa rin naman ito. Wala siyang nakikita o nasisilayan na kakaiba sa kanyang pisikal na anyo. Pero ang kakaiba lang ay nararamdaman niya ang emotion at mga panganib. Ramdam din niya ang mga aura ng mga taong napapalapit sa kanya.

Isa iyon sa pinagtakhan niya. At iyon ang isa sa mga abilidad niya bilang may dugong hybrid.

Napagdisisyonan niyang tumayo at dahan dahang lumabas ng kwarto. Bigla siyang nagulat ng paglabas niya ng kwarto ay may nakatayong babae at nakatingin ng deretso sa kanya at biglang yumukod sa kanya.

"Magandang gabi, Mahal na Reyna." magalang na wika nito kapagkuwan.

Medyo napangiwi siya sa sinabi nitong 'mahal na reyna'. Hindi niya napaghandaan iyon.

"Magandang gabi naman," simpleng sagot niya at akmang lalagpasan iyon ng magsalita agad ito. Nang magsalita ulit ito.

"Mawalang galang na po, Mahal na Reyna. Nakahanda napo ang pagkain sa mesa,"

Sinulyapan niya ito."Nako, manang huwag na po ninyo akong tawaging mahal na reyna. Nakaka stress po eh," aniya na medyo na tawa.

Samantalang ito naman ay tila natakot sa kanyang sinabi. At hindi na sumagot pa. Kaya ang ginawa niya'y tinanong na lamang ito.

"Ano nga ang pangalan mo manang?,"

Bigla itong natakot. "Hindi po kami pinapahintulutan na ibigay ang pangalan namin sa mas nakakatataas sa amin, Mahal na--," bigla itong napatigil ng tingnan niya ito.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now