Chapter 29 - The Rogue Assassin

2.3K 92 6
                                    


Author note : I've been reading some of your comments and message to my inbox and also to my facebook account.

And there is a comment that caught my attention. While I was reading that comment a smile curved to my lips.

Kung may pagkahawig po ito sa kwetong, "Living with the half blood". I must say, it's true. Partly in this story inspired by the so called story. Pero pag nabasa mo na lahat hindi na siya magkapareho.

As Ive said, I dont have plot on this story. Pero noon, meron eh sa nag loko ang app nato haha kaya Ive trusted my hands na lang kung ano susunod na mangyayari.

I'm sorry if matagal akong mag UD ha. Thanks for waiting.

Warning : This chapter is unedited. Expect more grammatical errors and typos. Please bare with this.

Maria Althea Laurel | KenyL

Chapter 29 - The Rouge Assassin

NAKARAMDAM si Kym na may nakatitig sa kanya. Hindi lang isa kundi marami. Hindi niya rin mabilang kung ilang pares ng mata ang nakatitig sa kanya.

Umungol siya ng mahina at nakiramdam. Pinagpasyahan muna niyang huwag imulat ang mga mata at pinakiramdaman ang sariling katawan.

Lihim siyang napakunot noo dahil tila may nakabalot na malamig na bagay sa buo niyang katawan. Ramdam niya ang kaginhawaan doon.

He feels familiarity in it. Napangiti siya dahil doon. Nakaramdam ulit siya na tila binalot ng basang tela ang leeg niya dahil doon ay bigla siyang napamulat.

Rumihistro sa kanyang mata ang kakaibag mga mata ng mga ito. It was ocean blue. Halos lahat ng nasa loob ay mayroong mga mata na ganoon.

"S-sino k-kayo?" Nauutal niyang wika sa mahinang paraan.

Napahinto ang matandang babae sa pagbabalot ng basang tela sa leeg niya. Naglalaro ang edad nito sa kwarenta pataas. She has also a blue eyes.

Yumukod ito sa kanya at kiming ngumiti. Imbes na sagutin siya nito ay nagtanong pa ito kung ano ang nararamdaman niya.

"M-medyo m-maayos na po,"

Ngumiti ulit ito sa kanya. "Ako nga pala si Alicia, isa akong manggagamot."

Ramdam niya ang kabaitan nito kaya nginitian niya rin ito.

"Maraming salamat po sa panggagamot mo sa akin." Aniya at pinasadahan ng tingin ang kanyang katawan.

Nanlaki ang mga mata niya. At gulat na gulat na napatingin ulit dito. Nagtatanong ang mata na tiningnan niya si Alicia.

"Iyan po ang paraan ng panggagamot ko. Malala na po ang sumpang nasa loob mo kaya binalot kita ng basang puting tila na may orasyon galing sa akin. Pero huwag ho kayong mag alala. Ginagawa po namin ang lahat para puksain ang demonyo sa katawan mo," medyo mahaba nitong wika.

Nahinga naman siya ng malalim. "May nais lang po sana akong itanong kung pwede ho ba?"

Ngumiti ulit ito. "Ano po iyon?"

"Saan po ako? At bakit lahat kayo na nandito sa loob ay may blue na mata?"

Lumawak ang ngiti nito at pinagpatuloy ang pagbabalot sa kanya.

"Kami ang tinatawag na Rouge Assassin. Pamilyar ka naman diba doon?" Lumingon ito sa kanya. Medyo nagulat siya doon.

"Magiging isang tunay na Rouge Assassin ka lang pag naging blue na ang iyong mata. That is the trade mark of being a rouge assassin. At sa taong mo kung saan ka ngayon? Your here at the Cleam City"

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now