Chapter 39 - Reborn

2K 73 2
                                    


Author's Note

Napakatagal na update. Alam niyo kung bakit? Hindi ko maepasok ang account ng wattpad ko sa kadahilanang hindi ko alam.

Puspusang ang pag re retrieve ang ginawa ko. At humihingi ako ng pasensya. Salamat sa pag uunawa.

And dont worry ang daming chapters ang ginawa ko at ng makabawe naman ako.

Pero sana vote and comment naman diyan. Hehehe

Warning : This chapter is unedited.

Chapter 39 - Reborn

Kym Montecarlo



MAY naririnig siya na tila may nag uusap. Mahina lamang iyon pero ramdam niyang nasa malapit lang iyon.

Gustohin man niyang imulat ang kanyang mga mata ay hindi niya magawa. Ni paggalaw ng katawan ay hindi. Gusto niyang ilinga ang kanyang ulo pakanan at pakaliwa pero wala pa din.

Nakiramdam siya. At unti unting luminaw sa kanyang pandinig ang mga nagsasalita.

"Magigising na siya mahal na donya,"

Rinig niyang wika ng boses lalaki. At nasundan pa iyon ng pamilyar na boses na nagpakunot ng noo niya.

"Oo, rinig ko ang bilis ng tibok niya,"

Naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang pisngi at  nakilala niya agad kung sino ang may are nun.

Lola....

Pero walang lumabas sa kanyang bibig. Gustong gusto na niyang imulat ang kanyang mga mata pero hindi pa rin niya magawa.

Hindi man niya aminin ay namiss niya ang kanyang abuela. Hindi man sila gaano ka close nito pero alam niyang mahal siya nito. At marami siyang dapat itanong rito.

At isa pa may nais din siyang makita. Gusto niyang makita ang isang tao na nasa isipan at puso niya. Nag aalala siya para rito.

"Apo... Huwag mong pwersahin ang sarili mong gumising. Huminahon ka muna."

Napatigil siya dahil doon. Bigla siyang nakaramdam ng kasiyahan dahil doon. Saya na makikita na niya muli ang kanyang lola.

Napangiti siya dahil doon. Ah, matagal tagal na ring hindi niya nakikita ang lola niya dahil ito na lamang ang natitirang pamilya na alam niyang meron siya.

Bigla namang napakunot ang noo niya. May nakikita kasi siyang liwanag. Nakakasilaw na liwanag at tila ba inaanyayahan siya noon na pumunta dako pa roon.

"Nagsisimula na, Donya."

Narinig niyang sabi na boses lalaki. At narinig din niyang sumagot ang abuela niya na pagsang ayon.

Anong pinagsasabi nila? Hindi niya alam ang ibig sabihin nun at gustohin man niya ay inuna na muna niya ang liwanag na iyon.

At ng makalapit na siya doon ay dahan dahan niyang itinaas ang kanyang kaliwang kamay at hinawakan iyon. Kasabay noon ay nakakasilaw na liwanag na bumalot sa kanyang paligid maging sa katawan niya ay binalot siya noon.

Napasigaw siya. Hindi sa sakit kundi sa mga imahe na naglalaro sa kanyang balintataw. Mga imaheng unti unting hindi na naging pamilyar sa kanya.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now