Chapter 21 - Queen Andromeda

2.7K 124 11
                                    


Hi there! May mga readers pala akong mga babae :D Thank you kahit hindi kayo nag ko comment sa comment box pero dun naman kayo nag mi message sa inbox ko. And also to my facebook na kinukulit ako kung kailan ako mag aa update dito sa story na ito. Salamat po ng marami!

Hindi ko akalaing may mga silent reader pala ako haha. Akala ko nga dalawa lang ang readers ko :D

So, ito na!


WARNING: Full of grammatical errors and typos at hindi ko pa ito na edit sa bare with this guys :D

Don't forget to comment and vote! Love yah!


"I missed you like crazy"


Chapter 21 - Queen Andromeda


NAGKAKAGULO sa loob ng council dahil biglang nahimatay si Kym pagkatapos isiwalat ni Myra ang lahat ng kanyang nakita.

Kinarga siya ni Leon at mabilis itong tumakbo papunta sa loob ng kwarto at tinawag ang doctor nila. Hindi maiwasan ni Leon na hindi mag aalala sa sinapit ni Kym.

Sa mga nalaman niya about him tila hindi naman naging iba ang pag tingin niya rito. At hindi niya alam pero sa kaibuturan ng puso niya ang tila may nagpapasalamat dahil sa mga nangyari.

"How is he?," tanong niya sa sumuri rito.

Pinatay muna nito ang nag iilaw nitong kamay bago ito yumukod sa kanya. "Panginoon, may lagnat lang po siya kaya siya nahimatay at sa lagay niya ngayon ang kapangyarihan niya ay tumataas. At alam ko na alam mo ang tinutukoy ko."

Tumango na lamang siya at sinulyapan ang payapang nakatulog na si Kym sa kama. He looks like her. Napakaamo ng mukha niya. Kapag nakikita niya ito ay naging positive lahat ng pakiramdam niya. Gumagaan ang kamalayan niya.

"Master, Dadalhin ba natin siya?," untag ni Junmar na nasa tabi na pala niya. He was in his cat form.

"Oo, before it's too late."

"Master, ang nangyari kanina,"

Tumiim baga siya at napakuyom nang kamao. "Hinding hindi ko siya ibibigay sa kanila."

Napatango na lamang si Junmar at tumabi sa pagkakahiga rito. Tiningnan ulit niya ang maamong mukha ng lalaki at biglang bumalik sa kanyang balintataw ang nangyari kanina....

*****

"This man is not Queen Andromeda," simula nito.

Nakita niyang napakunot ang noo ni Kym pagkarinig noon. Ramdam niya iyon dahil maging ito ay nalilito sa kanilang pinag uusapan. Pero bakit nakapagsabi si Myra na hindi ito Andromeda?

Tiningnan niya ang babae na sa ngayon ay nakatingin kay Kym. Bumuntong hininga siya.

"He is not the reincarnate of Queen Andromeda,"

Kita niya ang pag iba ng kulay ng mata nito. Alam niya pag nagkaganun ito. She was using her powers to extent.

"Pero sino siya?," tanong ng isang member ng council.

"Hindi ko alam. Pero sa nakikita ko hindi siya si Queen Andromeda. Kahit na nga magkamukha sila at amoy na amoy ko sa kanya si Andromeda at alam kong naamoy niyo rin sa kanya si Andromeda," Tumingin ito sa mga member ng council.

Tumatango tango ito. "Hindi ko alam kong paano ko ito ipapaliwanag sa inyo. Maging ako ay nalilito rin sa aking natuklasan."

Nakita niyang pinagpawisan ito. "Are you okay, myra?," tanong naman ni Vladimir.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now