Chapter 43

1.5K 62 3
                                    

Author's Note

Ang hirap mag update kapag ka broken ka. So, please bare with this po ha. Huhu

Makakaya ko ito guys.

💔💔💔💔💔




KYM

NAPAMULAT siya ng mga mata. Napabuga siya ng hininga at napaisip.

Palagi na lamang ba siyang mahihilo at matutulog sa kwarto ni Kael? Eh, ang tindi naman niya.

Napangiwi siya. Eh, kasi naman palagi na lamang siyang nawawalan ng malay kapag ka may mga alaalang bigla bigla na lamang kung susulpot sa kanyang isipan.

At heto nga nandito na naman siya sa kwarto ng lalaki na kung bakit ba kaaya aya ng amoy ng kobre kama. At mukhang ang sarap samhuyin.

Nakarinig siya ng pagkatok ng pinto kapagkuwan. At ilang sandali pa ay bumukas iyon.

"Hey!" Untag ni Kael na sa tingin niya'y bagong ligo. Amoy pa niya ang aftersave nitong gamit.

"H-hey" ganti niya at umayos ng upo at isinandal ang ulo sa headrest nun

"I-im sorry. I was passed out... A-again.." Simula niya.

Nakita niya itong umiling. "It's okay. Buti na lang kapag nahihilo ka't nawawalan ng malay eh nandyan ako palagi. And the next time you passed out, please mag-iingat ka ha?"

Naroon ang tono ng concern kaya di maiwasan ni Kym na kiligin pero sinarili na lamang niya iyon.

"Thank you, K-kael for taking care of me."

Gumuhit na ang ngiti nito sa labi at ginagap ang kamay niya. Lihim siyang napasinghap ng maramdaman ang kuryente doon.

"It is my duty to serve you. By the way, your my boss"

Pamilyar talaga ang mga ngiti nito sa kanya. Pero ipinilig na lamang niya ang ulo at pasimpleng kinuha ang kamay sa kamay nito.

"B-basta, salamat talaga. And I think I need to go,"

"Yes! You may."

Dahan dahan siyang tumayo. At sa tulong naman ni Kael ay nakalabas na agad sila ng unit nito.

"Ihahatid na lamang kita," untag nito sa kanya pagkapunta nila sa parking lot.

"No, I can manage. Salamat na lang." At nginitian niya ito.

Narinig niyang bumuntong hininga si Kael.

"So, see you tomorrow"

Tumango lamang ito at pumasok agad siya ng kotse. At pinaharurot iyon. Kita pa niya sa rear view mirror na nakatayo lang doon si Kael.

Mukhang malungkot ito ah. Maging siya'y naramdam ng ganun.

"YOU didnt tell me you cancelled your appointment yesterday at saan ka pumunta?"

Bungad agad sa kanya ni Randulf. Nais niyang mag ikot ng mata sa salubong nito sa kanya.

Binuksan niya ang pinto ng opisina at pumasok doon kasunod ito.

Hindi na siya nagulat ng madatnan doon si Kael. Tumahip naman ang dibdib niya ng magtama ang mata nila. Siya ang kusang nag iwas nun.

"Good morning, Sir.

" morning."

Inilapag niya ang attached case niya sa lamesa at binuksan ang laptop niya.

"So, what now?" Untag ni Randulf.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now