Chapter 6 - Senora Victoria Catirina Luisa

4.5K 160 1
                                    


CHAPTER 6 - SENORA VICTORIA CATIRINA LUISA

NAGMULAT ng mga mata si Kym at dahan dahang inilibut ang kanyang paningin sa loob ng kwarto.

Sinipat muna niya ang kabuuan niyon at napailing.

This is not my room. This is another room. Nandito na pala ako sa Vhan dough City.

Dahan dahan siyang bumangon. At nag inat na tumayo. Tumingin siya sa kanyang relos. 10:47am.

Nakaramdam siya nang gutom kaya napagpasyahan niyang lumabas nang kwarto at tinungo ang kusina. Nadaanan pa niya ang painting ng abuela niya. Wala na doon ang nakaukit na pangalan niya.

Nasa kusina na siya. Nakita niya doon si helda na panay ang punas ng mga pinggan. Naramdaman agad nito ang presensya niya. Dahan dahan itong lumingon sa kanya kasabay ang pagngiti nito.

"Kain na po senyorito. Ipaghahain ko po kayo."

Hindi na lamang siya tumanggi kayat umupo siya sa silya at hinintay ito.

Naamoy niya agad ang pagkaing inihain nito sa kanya kayat ginutom siya nang husto.

"Mukhang masasarap po iyan ah" komento niya.

Nginitian lang siya nito. "Paborito yan nang lolo mo senyorito"

"Kym na lang po. Aleng helda" aniya dito.

"Po? Sigurado po kayo?"

Hindi makapaniwalang sabi nito na pinagtaka niya. Kunot noong tiningnan niya ito.

"Opo. Napakapormal kasi pag ganun. Simpleng tao lang naman ako aleng helda"

Napantastikuhang tumingin ito sa kanya. "Pero kabilang ka sa kanila"

Mahina pero rinig na rinig niya iyon. Nagtatanong ang mga matang nakatitig siya dito.

Napailing na lamang ito. "Hindi mo pa nga alam ang lahat" at nagyuko ito nang ulo at magalang na tumalikod.

Gusto niyang tawagin ito at tanungin pero nagdadalawang isip siya. Kaya hinayaan na lamang niya ito.

Bakit ba palagi nilang sinasabi na kung ano ako? At hindi ko sila maintindihan.

Nagsimula siyang kumain at napatango nang malasahan ang pagkain. Masarap mag luto si aleng helda. Pasasalamatan niya ito mamaya.

NATAGPUAN niya si aleng helda sa likuran. Naglalaba ng mga kurtina. Kaya napangiti siya.

Saan kaya ang pamilya nito. Ang sipag sipag naman niya.

"Aling helda?"

Lumingon ito sa kanya. Naghihintay sa sasabihin niya.

"Ah. Maraming salamat po sa pagkaing inihanda niyo. Napakasarap mo. At saka pasensya na dahil naubos ko yung ulam" nahihiyang panimula niya.

Nakita niyang umaliwalas ang mukha nito. Tila ba naging proud ito sa sinabi niya.

"Karangalan ko pong paghandaan ka nang masasarap na pagkain kym."

"Nako aling helda. Natatakot nga ako dahil wala akong mapasweldo sa inyo. Sa sipag niyo pa lang ay tila ang mahal nang wages niyo eh"

Biglang natawa ito. "Nako itong batang to oh. Hindi ko kailangan ng pera. Dahil nung buhay pa ang lolo moy hindi ako nagpapasweldo. Malaki ang utang na loob ko sa namayapang senyor"

"Po? Pero yung pamilya niyo po? Baka wala silang pera doon. Nako mag wi withdraw ako mamaya para mabigyan kita kahit na nga hindi ko alam kong magkano ang epapa sweldo ko sa inyo".

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now