Chapter 26 - Villamor Vhan Dough

2.2K 85 0
                                    

Chapter 26 - Villamor Vhan Dough


BIGLANG tumahimik ang paligid dahil sa nangyari. Nanatiling nakayuko si Kym. Ramdam pa rin niya ang higpit ng yakap ni Leon at ang pagpisil nito sa kanyang balikat.

Hindi niya lubos maisip na magiging ganun siya. Ayaw niyang paniwalaan ang mga pinagsasabi ng lalaking iyon pero totoo ang mga sinabi nito sa kanya.

Nung nakaraang araw pa niya nalaman na ang maitim na marka na nasa katawan niya ay dahan dahang binalot niyon ang mapuputing bahagi ng kanyang balat.

Maging si Leon ay napansin rin iyon. Pero ramdam ni Kym na kahit may itim na mark sa halos lahat ng katawan niya ay tila hindi naman iyon ininda ng lalaki bagkus ay tinulungan pa rin siya nito sa kanyang pagpapagaling.

This curse is really sucks. But until now, he was thinking what Villamor said to him awhile ago. Even him, he slowly believe what he was said. If that so? What will happen to him?

"Let's go," untag ni leon sa kanya at dinala siya nito papalabas.

Ilang hakbang pa lang nila ay hinarang agad sila ng kakaibang nilalang. Nakayuko ang mga ito habang nakaluhod sa harapan nila. They were ten persons infront of him. Napakunot ang noo nila ni Leon.

Una niyang napansin ang puting - puti kulay ng mga balat ng mga ito na tila ba naliligo araw araw ng gatas at tila walang dugo. Maging ang mga tainga ng mga ito ay kakaiba, patulis. At maging ang matataas nitong mga buhok.

"The fairies" bulong ni Leon sa kanya.

Hindi na siya nagulat dahil doon dahil nga basi sa mga hitsura nito ay nahihinuha kung anong klaseng nilalang ang mga ito. Ang pinagtataka lamang niya ay kung bakit hinarangan sila ng mga ito.

Magsasalita na sana siya bigla niyang napansin ang puting liwanag na nagmumula sa likuran ng mga ito.

Unti unting nawala ang liwanag at lumitaw ang napakagandang babae. Nakakasilaw ang kaputian nito at ang itim na itim nitong buhok na ang haba ay nasa beywang.

Agaw pansin ang mga mata nito na kulay puti rin. Mas lalong gumanda ito ng nginitian siya. Bigla itong yumukod sa kanya.

"Paumanhin mahal na panginoon. Nais lang naming makita at makilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon,"

Maging ang boses nito ay kay lamig. Ang lamyos na tila dinuduyan ka sa alapaap.

"Anong ginagawa ng mga Caterlar dito sa mundo namin?" Mahinahung tanong ni Leon.

Nakita niyang ngumiti ito kay leon at bumaling sa kanya.

"Nais ko lang malaman kung totoo ba na buhay ang kapatid ng aking matalik na kaibigan,"

Hindi parin nawala ang ngiti nito sa labi at hind maiwasang maasiwa ni Kym dahil doon. But wait? Matalik na kaibigan?

"What do you mean?" Hind niya maisawang itanong iyon. Nilingon niya si Leon. Tinanguan lamang siya nito.

"Matalik kong kaibigan ang kapatid mo. Si Andromeda," dahan dahan itong lumapit sa kanya.

Lihim siyang napasinghap. Kahit hindi niya aminin ay naiingit siya sa taglay na kagandahan nito.

"She looks like you," patuloy nito. Tinitigan siya nito. "Tama nga si V-villamor. Ang mga mata niyo lamang ang kakaiba at ang inyong kasarian. Pero halos lahat na ay walang pinagkaiba. Ako ang nagturo sa kapatid mo na ang mahikang iyon,"

Napasinghap siya.

"What do you mean, miss caterlar?" Singit ni Leon.

"The sealed magic, mahal na panginoon. "

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now