Chapter 1: Beginning

9.8K 262 4
                                    


Chapter 1: Beginning

October 19, 2015 Cleam City


PINAGMASDAN ni Kym Montecarlo and bangkay na nakahandusay sa higaan nang morge. At iniisa isa ang mga detalyi kung paano ito namatay.

Napailing siya. As usual, lasing ang isang ito at mabili na nagmamaneyo kaya nadisgrasya. Halos hindi na ito matingnan nang mabuti dahil ang mismong dugo nito ay nakapaligo na sa buong katawan nang nito.

Palagi na lamang ganito ang mga balitang nasasagap niya. Walang tigil na krimen dito sa lugar nila. At talamak na nga siguro ito. No, erase that. Talagang talamak na ang mga ganito sa lugar nila. And as a journalist madali na lamang niyang mascoop ang balitang iyon.

Bumuntong hininga siya. Gusto naman niya nang kakaibang scoop. Yung may sense. Hindi naman niya sinasabing walang sense ang mga balitang nasasagap niya. Ang gusto niya yung kakaiba. Yung halos hindi matanggal sa pahayagan ang balita.

And he was craving for that particular news. At kung may alam lang siyang lugar o bansa na kakaiba ang magiging balita. Not a single word ay pupuntahan niya agad.

Bigla siyang napahinto sa pagsusulat nang maramdaman na may papasok. Medyo gumuhit ang ngiti niya sa labi.

"Boss," nasambit niya. At tumingin dito.

Ngumiti naman ito sa kanya at pinasadahan siya nang tingin. Medyo nailang siya.

"Baka naman mainlove sayo tong bangkay na ito at tatayo bigla. Ang ganda mo sa suot na yan ah," anito na nilangkapan nang nang aakit na tinig.

Gustong gusto niyang ikutin ang mga mata pero nagpipigil siya. Simpleng uniform lang naman ang sinuot niya pero pag ito na ang nakakita sa kanya ay nagagandahan ito sa kanya.

Babaeng babae ako dito ah.

"Si boss naman," aniya na binalik ang tingin sa bangkay.

Sa gilid nang kanyang mga mata ay lihim niya itong tiningnan. Drake Montes, is one of the hottest Journalist and TV anchor in Cleam City. And also he is still a bachelor of the town. Maraming mga babae at beki ang nagkakagusto rito.

Naalala niya noon na naitanung niya ito kung bakit ito pa ang tinahak na trabaho ni Drake pero ayon dito.

"This is where I belong. My heart calls me here"

Naantig siya noong una dahil kapag tinitingnan mo ito ay mukhang mabait pero nasa loob pala ang kulo. Crush nga niya ito noong una eh kasi palagi siya nitong pinapansin. At palaging nakadikit sa kanya noong nagsisimula pa siya sa trabaho niya.

Mas nauna kasi ito sa kanya nang limang taon sa industriya nang media. Kaya ito agad ang nag train sa kanya. But when the time passed. Nalaman niya kung gaano ito ka malibog. Tila may sakit itong 'Maniac'.

Kada weekend na lang niya itong nakikita sa sikat na Bar sa lugar nila. Kung hindi babae ang kasama nito ay tulad naman niyang beki na nagdadamit pangbabae. Doon siya na turn off dito. At mas critical na noong nalaman niya na isa sa mga gay friends niya ay nasama sa listahan ni Drake. Sex list nito.

"Saan ang punta mo pagkatapos nito?," untag nito sa kanya.

Nilinga niya ito saglit at ibinalik ang tingin sa kanyang sinusulat. "Uuwi,"

Naramdaman niya itong lumapit nang kunti sa kanya. "Magkape muna tayo,"

Lihim siyang napapiksi nang mahimigan ang nang aakit nitong tuno. Gusto niyang hambalusin nang notebook ito ngayon din pero nagpapapigil siya.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now