Chapter 17 - The Hunters/Rogue

3.2K 142 11
                                    


Chapter 17 - The Hunters/Rogue


Nang mawala sa paningin ni Kym ang lalaking sugatan at dali dali niyang tinungo ang lumang kotse at pumasok doon.

Pinaandar at pinasibad iyon papuntang syudad. Isinawalang bahala na lamang niya iyon at bumuntong hininga. Kahit anong gawin niyang pag sawalang bahala doon ay umuukilkil talaga iyon sa isipan niya.

Ang daming katanungan ang lumalabas sa isipan niya. Gaya na lamang na bakit ito duguan? Na halos ikamatay na nito pero nagawa pa niyang ngumiti sa kanya na tila ba kilala siya nito.

At sino ang lalaking iyon na may kulay blue na mata. Marami pa siyang gustong itanong dito pero dahil sa dali daling nawala ito sa paningin niya.

Bumuntong hininga ulit siya. At namalayan na lamang niya na nasa syudad na pala siya. And as usual the city are too busy. People come and go. Selling their products inorder for them to live.

Kym decided to get out of the car after he parked it on the parking lot beside the old Gymnasium. But before that Kym got his attention to that particular old gymnasium.

Na tila ba may naririnig siyang mga ungol doon. Ungol ng nasasaktan, pinahihirapan. Gusto niyang pumunta doon but he saw the sign.

"No Trespassing, it's prohibited to go inside. Please go back!"

Kaya ang ginawa na lamang niya'y pinagsawalang bahala na lamang iyon at sa huling tingin ay sinulyapan niya iyon and there he saw a shadow. Pero hindi niya maaninag kung sino iyon.

After that he decided to step out there and he walked in the left side of the highway and scan the stores there. May pumukaw sa attention niya na isang tila lumang tindihan.

Pagtingin niya sa pangalan ng tindahan ay napakunot noo siya. Herbs Supplement Store. Iyon ang nakapaskel doon. At ilang sandali ay pinasok niya iyon.

May mangilan ngilang mga tao rin sa loob kaya hindi siya napansin ng mga ito dahil sa busy sa kanya kanyang ginagawa.

The inside of the store is cozy, may naamoy nga lang siyang di kaaya kaaya dahil nga sa pinaghalo halo ang mga halamang gamot dito. Binasa niya ang mga ilan doon.

"Flucia, herbs for lessen the wounds...." basa niya at kinuha iyon. At inamoy at bigla siyang napangiwi. It stinks.

Papaliko siya ng may marinig siyang nag uusap babaliwalain na sana na iyon ng may sinabi ang isa sa mga ito na nagpahinto sa kanya.

"Totoo ba iyong balita na may nakapasok sa boundary?," wika ng babae.

Hindi niya kita ang mukha nito dahil nasa kabilang hanay ito. Samantalang siya ay nasa kaliwang hanay na tinatakpan ng stall.

"Oo, iyon din ang narinig ko sa mga tauhan ni Leon,"

Leon? Pagkarinig sa pangalan ng lalaki ay bigla siyang naging interesado sa mga pinag usapan ng mga ito.

"Sino ang nakapasok? Mga bampira ba?,"

Nahimigan niyang tila natatakot ang kausap ng babae na kapwa rin babae.

"Hindi. Alam mo naman na hindi basta basta makakapasok ang mga bampira sa lugar na ito dahil sa higpit ng siguridad sa lugar na ito. At ang narinig ko sa kanila na ang nakapasok daw sa boundary ay mga hunters," mahinang sagot nito.

Narinig niyang napasinghap ang babae. "Pero bakit sila pumasok? Na alam naman nilang magiging mapanganib sa kanila iyon! Tao pa rin sila!," nahihintakotang wika naman ng isa.

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now