Chapter 10 - Meeting Him

4K 171 6
                                    

Chapter 9 - Meeting Him

NAKARAMDAM nang kung ano sa kanyang katawan si Kym habang nakatingin sa lalaking kani-kanina lang ay naging tagapagtanggol niya sa mga kalaban. Looking at him straightly makes his body go crazy. And he dont know what happen.

Nakaramdam siya nang kung ano na bumalot sa pagkatao niya nang magtama ang mga mata nila nang lalaking nakahood. Nakita niya itong lumapit sa kanya. Simula medyo mahina lang hanggang sa biglang bumilis.

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit.

"I thought I'd lost you!"mahinang sabi nito. Rinig pa niya ang langitngit nang mga ngipin nito.

Hindi siya makahuma sa pagkakayakap nito. He feel the love and care while he was in his arms. Pero bakit napaka pamilyar ng init ng yakap nito.

Naririnig niya ang tibok ng puso nito na tila ba sumasabay sa tibok ng puso niya.

I love being like this....

Naramdaman niyang unti unti itong kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya at sinalubong nito ang mga mata niya. And seeing those beautiful and expressive eyes makes him go shiver.

Biglang gumuhit ang ngiti sa labi nito. Parang nakakahawa ang saya sa mukha nito na sinabayan pa ng kislap ng mga mata nito.

Joy and longingness was registered to his handsome face.

"I've been waiting for this moment to come at di mo lang alam kung gaano ako kasaya. It's been a long time since we saw each other," nakangiting wika nito sa kanya.

Pero naguguluhan parin siya sa mga pinagsasabi nito.

"What are you talking about," naisatinig niya.

Bumuntong hininga ito. "Hindi mo pa rin pala ako nakikilala.." mahinang sambit nito.

Sa nalilitong mukha ay nagawang niyang makawala sa pagkakayakap dito dahil pag nagtagal iyon ay baka hindi na niya makikilala ang kanyang sarili.

"Hindi.." nasambit niya sa kabila ng kaba sa dibdib.

Pero ngumiti lang ito sa kanya at pinagmasdan siya. Na tila ba kaytagal niyang nawala rito. At ngayon lamang siya nito nakita sa mahabang panahon.

"I missed you..." sambit nito sa kanya na tila musika sa kanyang pandinig.

Ramdam niyang pinamulahan siya ng pisngi kaya napayuko siya. Narinig niyang tumawa ito ng mahina.

Magsasalita na sana siya nang biglang may dumating na dalawang matitipunong lalaki sa harap nila.

"Panginoon, narinig namin ang balita. May nakapasok sa teritoryo nang hindi namin nalalaman. Humihingi kami ng tawad,"

At nakita niya ang dalawa na nagsiyuko sa harap ng lalaki. Tiningnan lamang nito ang mga ito. Pero ramdam niya ang galit nito.

"Alam niyo naman ang parusa sa kapabayaan ninyo, ha, Marcus?!" maawtoridad na boses ang lumabas sa bibig nito.

At kitang kita niya kung paano tumango ang mga ito dahil sa takot. Kaya bigla siyang sumingit sa mga ito.

"Parusa? Para saan?,"

Tumingin ito sa kanya at biglang nagpalit ito ng expression. Naging malambot na.

Hinawakan nito ang pisngi niya at hindi niya magawang tumutol.

"Kung hindi sila nag pabaya hindi sana nangyari ito. Kung hindi ko naramdaman na nasa panganib ka baka mawala ka na naman sakin ulit."

Ulit?

Sumasakit na ang ulo niya sa mga ito.

"Pero bakit pa sila paparusahan? Wala naman silang kasalan ah."

May nakakapang awa kasi siya sa dalawang ito. Nahihinuha pa naman niya na mukhang bago pa lang ang mga ito sa trabaho.

"Pero iyon--,"

"Hindi ba pwedeng patawarin muna sila bago sila patawan ng parusa? Look at them, I know they are new to these job. Okay naman ako. As you told me nararamdaman mo kung nasa panganib ako so worry no more dahil ligtas naman ako," aniya dito na tumingin ng derekta dito.

Habang ito naman ay nakatingin sa kanya ng tila naaaliw. Na tila ba gusto na nitong tumawa.

Kaya ang ginawa niyay pinaikot na lamang niya ang dalawang mata sa harap nito.

"Pwede ka nang tumawa," wika niya dito.

At doon nga'y tumawa ito ng pagkalakas lakas. Na tila ba kay tagal na nitong hindi nagagawa iyon. Samantalang ang dalawang bantay ay napapantastikuhang nakatingin dito. Hindi makapaniwala.

"Tumawa siya," bulong nung isa.
"Oo nga. Hindi ako makapaniwala" sagot naman nung isa.

Nang matapos itong tumawa ay bigla ring sumeryoso. At tiningnan ang dalawang bantay.

"Okay, sa ngayon ay wala kayong parusa pero sa susunod na mangyari naman ito ay alam niyo na ang kahihinatnan. Paki sabi na rin sa mga ordears ang nangyari dito."

Nagsipagtango ang mga ito at mabilis na nawala sa paningin nila.

"Super powers!" Kym exclaimed.

Narinig naman niyang napahagikgik ito.

"Meron ka rin namang ganya ah. And actually you are blessed gifted," sabi nito sa kanya.

"Hindi kita maintindihan" aniya dito.

"Huwag mo munang intindihin iyon dahil sasakit lang ang ulo mo. Let the time refresh your memories and you will know everything."

May naramdaman siya babae sa likod niya kaya nilingun niya ito. Kakaiba ang aura nito.

"Mula," sambit nang lalaki.

Ngumiti ang babae. Pero nakatingin pa rin sa kanya ito. She looks familiar. Very familiar at hindi niya alam kung saan niya ito nakita.

"Queen Andromeda.." mahinang sabi nito sa kanya at napaatras siya ng hawakan nito ang pisngi niya.

"Buhay ka. Buhay ka na nga," wika nito habang lumuluha ito.

"Mula, itigil mo yan. Hindi pa niya tayo nakikilala at alam mo yan"

Bigla itong yumuko. "Patawad mahal na panginoon,"

Tumango ito at pina alis nito ang babae. Sumulyap pa ang babae sa kanya at ngumiti.

"Sino kaba talaga? Nalilito na ako,"

"Magpapakilala na ako. I'm Leon Carlo. The owner of this city."

"So you are Vhan dough?," hindi niya mapigilang itanong iyon.

Ngumiti ito at tumango.

"Are you also eh.. Hmm.. A hybrid?" medyo nag aalangan siyang iwika iyon. Pero ramdam na rin naman niya na may kakaiba rito.

"Yes," maikling sagot nito.

Nilapitan niya ito at tinusok tusok niya ang dibdib nito gamit ang hintuturo niya. He dont know but he thinks that ginagawa na niya iyon dati pa.

Nagulat ito sa ginawa niya. Pero binaliwala na lamang niya iyon.

"Why are those people calling you a 'panginoon?' hmmm"

He heard him he cleared his throat.

"Stop that, Kym. You make me crazy." mahinang wika nito.

Medyo nagulat siya at bahagya napalayo rito.

"Im sorry. I didnt mean to---"

"Its okay. You used to be that way. And to answer your question. Ako ang mayor dito hindi naman ako ang nagsabi na tawagin nila akong ganoon. But they insisted so wala na akong nagawa"

Kanina pa pala sila sa labas at paglingun niya sa mga nakalaban nito kanina ay wala na.

"Naging abo na sila"

"Oh!"

"Tara pasok muna tayo."

Tumango na lamang siya.

- ciao !

The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now