Chapter 11 - Memories

4K 169 0
                                    


Chapter 11 - Memories

NAPAKALAWAK at napakaganda ng loob ng mansyon ng mga Vhan Dough. Hindi niya ito inasahan dahil sa labas naman ng mansyon ay napakaluma na at halatang hindi na inaalagaan. Halos nga isa na itong abandon mansion.

Pero laking gulat ni Kym dahil halos lahat ng gamit ng nasa loob ay napaka antigo at halatang sa kano nooan pa ng mga Vhan Dough ito galing.

Nakita niya huminto si Leon Carlo at dahan dahang humarap sa kanya. Nasilayan naman niya ang magandang ngiti nito na bumalatay sa gwapong mukha ng lalaki. At hindi niya maiwasang kabahan sa paraan ng pag titig nito sa kanya.

Kaya ibinaling niya ang kanyang paningin sa kaliwa at may nahagip siyang isang rebulto. It was a statue of a big black wolf. Napakalaki noon. At napakaganda ng pag gawa. At wala sa sariling napalapit siya doon at dahan dahang hinawakan ito.

Biglang nanindig ang kanyang mga balahibo ng hawakan niya ang balahibo nito. Napatitig siya sa mata ng estatwang wolf. Napaka makapangyarihan at napakatapang ang nababasa niya sa mata nito.

"It looks like a true big black wolf," Hindi niya maiwasang masambit iyon.

Ramdam niyang nasa tabi na niya ang lalaki kaya't hindi na niya nagawang tumingin dito dahil amoy na amoy niya ang singaw ng katawan nito na nais niya mapayakap rito at halikan ito ng todo.

"Wait! What I am thinking! Erase Erase!," Sa loob loob niya.

"Yeah, gawa iyan ng napaka galing na eskulptor sa bayang ito. That was a decade ago." sagot naman nito sa kanya.

Lihim siyang napahinga ng malalim at hinawakan ulit ang balahibo nito. Doon niya napansin na nakatingin ang wolf statue sa labas, na para bang may hinihintay na dadating.

Napatingin si Kym kung saan ito nakatingin. Sa may pinto. At nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

"It can't be...." mahinang usal niya.

"It's true," wika naman nito na tumingin din sa kanyang tinitingnan.

It was a big portrait na nakadikit sa itaas ng pinto. Dahil nga malaki ang mansyon na ito kasyang kasya ang ganoong kalaking portrait. And the portrait was totally like him!

Pero ang nakaguhit doon ay isang napakagandang babae, na nakasoot ng magarang damit. Bagay na bagay ang damit nito sa magandang mukha niya.

Ang mga mata, kilay, ilong at bibig ay halos kapareha na niya maliban na lamang sa kasarian. Ang itim na itim na buhok na nito na kasing itim ng gabi ay nagbibigay dito ng kakaibang aura.

Halatang napakalakas din ng babae sa portrait. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya ng masilayan ang kwentas na soot ng babae.

"Parang nakita ko na iyang kwentas na 'yan..." mahinang wika niya rito.

Bumuntong hininga lamang ito. Kaya't tinitigan niya ng husto ang larawan sa kanyang harapan.

Lumapit siya rito at ng nasa harap na siya ng larawan ay kitang kita niya na magkamukhang magkamukha sila. Naguguluhan na siya sa mga nangyayari.

"Please explain this to me. Bakit kamukha ko ang babaeng ito!," marahas siyang napalingun rito.

Mula sa pagkakayuko ay nag angat ito ng tingin. He saw the longing written on his face. Pero ngumiti pa rin ito.

"It was Queen Andromeda Dough, my queen and also my.... wife," sagot nito na titig na titig sa kanya.

"What?!," gulat niyang wika at ibinalik ang tingin sa portrait.

"But that was 1635! For christ sake and-----," napatigil siya ng pagsalita ng may maalala.

He was an Hybrid. They were immortal. Hindi sila namamatay at tumatanda. They maintain their wealth and health. Namamatay lamang ang mga ito pag naputol ang mga ulo at sinunug ang katawan.

"Alam kong hindi mo parin maintindihan sa ngayon ang mga nangyayari sayo, Andr-- Kym. But wait for the right time to come," mahinahong wika nito sa kanya.

Tumitig siya rito. Gusto niya basahin ang nasa isip nito pero hindi niya magawa kaya napahawak na lamang siya sa noo niya dahil bigla itong sumakit.

Dali daling dinaluhan siya nito at inalalayan. "Dont push too hard, please?," anas nito halata sa boses ang pag aalala.

"I-im okay," wika niya rito matapos siyang paupuin nito.

"Kukuha muna ako ng tubig. Just wait still okay, madali lang ako."

At tumalikod ito sa kanya. Habang siya naman ay pinapagaan ang hininga. Maya't maya ay tumingin siya sa estatwang lobo. At dahan dahang tiningnan ang nasa larawan........

.........

"Mahal na mahal kita, tandaan mo iyan..." sabi ng babae at biglang napaubo ito ng dugo.

"Please, huwag mo 'yang sasabihin ngayon! Kailangan nating makaalis rito sa lalong madaling panahon!," sabi naman ng lalaki.

"But my love... we know we can't make it. The gem has broke. And there is no other way to restore it. At dahil doon mawawala rin naman ako sayo at----,"

"No!," napasigaw ang lalaki. Halo halo ang emosyong nababalot ngayon sa mukha nito. Pero ang mas nangingibabaw na emosyon nito ay ang sakit. Sakit na mawala ang babaeng pinakamamahal.

"I'm sorry, my love. I'm sorry..." doon na umiyak ang lalaki.

Alam nito na wala na talagang lunas pa o wala na talagang paraan upang mabuhay ang babaeng pinakamamahal. Maraming taon niya iton pronetektahan. Maraming taon na ginugol niya upang mawala lamang ang sumpa rito.

Pero ng dahil sa takda ng itinakda. Mamatay ang babaeng mamahalin niya. Labag man sa kanila ang magmahalan pero sinuway parin nila. And now they suffer the consequences.

"Lagi mong katatandaan na mahal na mahal na mahal kita. You always be in my heart.... forever," Umiyak na rin ito.

Ayaw na ayaw niyang nakitang nasasaktan ito. Gusto pa niyang siya lang ang nasasaktan huwag lamang ito.

"My love... please dont leave me...." pagmamakaawa niya rito. Hinaplos niya ang magandang mukha nito.

Ngumiti ang babae sa kanya. At hinawakan ang mukha niya. Pinapalapit nito ang mukha niya sa mukha nito.

They were going to kiss. "Always remembered that, I'm so happy to be with you all the time. Thank you for your love and care. I'll always treasure it.... forever..."

"My---" napatigil siya ng pagsalita ng magsalikop ang kanilang labi sa isa't isa.

It was a magical and passionate kiss. At hinding hindi niya iyon makakalimutan... magpakailan man...

A tear was drop into the woman's face. And the woman can't help but to smile. And she enchant a spell. Spell that can turn the world upside down.......

.....

Dahan dahang minulat ni Kym ang kanyang mga mata. At inilibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng kwarto. It was all a dream. Akala niya ay totoo na ang nangyari.

Ramdam niya ang pagtatagpo ng dalawang tao na nasa panaginip niya. At maging siya rin ay nasasaktan sa nakitang pagtatagpo ng mga ito.

"Thanks! Your awake! Tinakot mo ako kanina dahil tila wala ka sa sarili mo na nakitingin sa larawan at bigla ka lang nawalan ng malay..."

Narinig niyang sabi pagkabukas pa lang ng pinto.

"My love....." hindi niya mapigilang isambit iyon.

At ang lalaki naman ay parang itinulos sa kinatatayuan ng marinig iyon. Shock was written all over his face at the same time he was amazed and missed.


---



The Devil's Trap (GayxStraight) On-HoldWhere stories live. Discover now