Chapter 29:

4.7K 110 0
                                    

Chapter 29:

Twilight Sky's POV

"Alam niyo naman na ang mga parents natin ay mga Assassins. I'm so sure you know that" sabi niya sa amin.

"Ang kwento sa akin nila. Si Dad, matagal nang may gusto sa Mom mo na si Miss Sunlight na kapatid ni Dra. Sunshine." tumango kami ni Zhynly.

"Sila Dad at ang mga parents ninyong dalawa ay magkakasama sa isang group. Sinusunod nila ang utos ng nakakataas sa kanila, minsan inuutusan silang pumatay at binabayaran sila ng malaking halaga. At naging magkaibigan sila dahil pare-parehas sila ng uri ng trabaho." kwento ni Ate Ai habang may hands gestures pa.

"Sumali si Dad sa ibang grupo at doon naging isa rin siya tulad ni Miss Sunlight, ng Mom mo. Hindi alam ng Boss nila na anak si Dad ng isang Mafia boss."

"Sabi nila. Na-love at first sight daw si Dad kay Miss Sunlight. Pero naka-arranged marriage pala siya sa anak ng kaibigan ng Dad niya. Sa mommy ko"

"Ayaw ni Dad kay Mom kasi nga, he loves your Mom. Until one day, nagkasama sila ni Miss Sunlight at sinabi ni Dad ang feelings niya. Nagsabi si Dad na liligawan niya si Miss Sunlight" Sandaling huminto si Ate Ai.

"Pero sinabi ni Miss Sunlight na boyfriend na niya si Mr. Smith. Ang Tatay mo." turo ni Ate Ai sa akin. 'Kaya ba ganun sila magkatinginan? Galit ba si Mr. Hollis kanila Nanay?. I wish hindi.'

"Sinabi pa ni Miss Sunlight kay Dad na, friends lang ang talaga sila at mahal niya si Mr. Smith. Na friendzone ang Dad ko sa mother mo" huminga muna si Ate Ai.

"And nakita ni Mom na sobrang nasaktan si Dad sa nalaman niya. And my mom was really hurt too, kasi mahal na niya si Dad noon pa, kahit ayaw nito sa kanya." napa-sad face pa siya.

"Hanggang sa pumayag na si Dad sa Arranged Marriage kay Mom" nakangiting kwento niya. "Natuwa si Mom dahil pumayag na si Dad na magpakasal sa kanya. Para kay Mom, si Dad yung taong matagal na niyang mahal, kaya masaya siya na makasal dito kaya go na siya"

"Pero pagkatapos nilang ikasal, alam ni Mom na hindi pa rin talaga siya kayang mahalin ni Dad, kahit nagkakasundo naman sila kung minsan. Isang araw na-realize ni Mom na masakit pala na feeling niya panakip-butas lang siya ni Dad. Kaya umalis siya nang bahay para makapag-isip-isip at makahinga."

"Hindi alam ni Mom na yung time, nang umalis siya sa bahay, halos mataranta na si Dad dahil wala siya sa bahay nila pagkarating nito. Inutusan ni Dad ang lahat ng tauhan na binigay sa kanya ni Lolo para hanapin si Mom." tumingin sa akin si Ate Ai. Kaya napakunot ang noo ko kung bakit? "Papel na lang yang kinakain mo"

Tiningnan ko naman yung kinakain ko. "Hehe! sorry naman" nadala ako sa kwento. Kumuha na lang uli ako ng cupcakes.

"Kasi naman Cous eh!. Comercial ka din eh!"

"Ang cupcakes na ito ay masarap. Try nyo. Ayun ang commercial" tingin ko kay Zhynly habang masamang ang tingin niya sa akin. "Eh! Sa--"

"Ituloy mo nga lang Ate Ai, kumain kana lang dyan" sabi ni Zhynly sa akin. 'Sorry naman'. Ngumiti si Ate Ai sa amin at pinagpatuloy na niya ang kwento.

"Hanggang sa makita ni Dad si Mom sa isang park. Sa park kung saan una silang nagkasundo. Nagulat na lang si Mom nang may tao yumakap sa kanya. Nakita niya si Dad na umiiyak at sinabi nito na sorry daw sa lahat ng inasal niya kay Mom. Narinig na ni Mom mula kay Dad ang gusto niyang marinig dito. Ang salitang 'I love you' na matagal na niyang gustong sabihin ni Dad sa kanya. Hanggang sa mabuo ang dyosang si Amber Ice. The End" she flipped her hair.

"Paano mo nalaman ang kwento na yan?" sabay namin ni Zhynly.

"Sabay talaga?. Alam niyo yung story telling kapag matutulog na kayo kapag bata kayo? Ayun yung laging kinukwento sakin nila Dad at Mom. Hanggang sa malaman ko na totoong love story pala nila yun. Medyo binago nga lang nila" Nakangiting sabi ni Ate Ai, Kaya napangiti ako rin at nakita ko rin napangiti si Zhynly.

The Mafia Assassin (Prince and Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon